Part35

79 5 0
                                    

Henry;

Naloko na hanggang limang oras pa daw tatagal ang pag-ulan, habang nakikinig ako ng Balita sa TV binuksan ko ang ref ni Joana inilabas ko naman ang karne mula dito at ibinabad ko sa planggana na may tubig. Nakita ko ang estante ng mga rikados kumuha naman ako dito ng sibuyas at bawang. Naisip ko simpleng adobo lang lulutuin ko wala naman kase akong nakikitang ibang laman ang ref bukod sa mga karne lang kahit isang gulay wala.
Pagkatapos kong gayatin ang mga rekados naghugas ako ng kamay nilingon ko si Joana na nakaupo sa sofa aba nakatulog? Nakapatong ang remote ng TV sa dibdib pa talaga ah. Lumapit ako at kinuha ang remote ipinatong ko sa center table. Hinayaan ko lang nakabukas ang TV para updated sa news tungkol sa panahon. Kinuha ko ang box na pinaglalagyan ng cellphone ko na binili ni Joana kailangan kong tawagan si Jayjay dahil may ibibilin ako sa kanya. Madali ko namang nabuksan ang cellphone.

-hello Jay, nasa bahay ka pa? Pasuyo naman ako dun sa lumang bahay pacheck ako baka pinasok na ng tubig dun kinakabahan kase ako kahit na balot na balot na ng plastic yung mga stocks dun di pa din ako mapalagay. Sobrang lakas pa ng ulan alam mo naman hindi ko kayang magdrive sa gantong panahon. Si Yally? Tulog na? Kumain na ba kayo? Pakisabi kila lola malelate ako ng uwi ah. Sige salamat- ibaba ko na ang cellphone ng biglang nagulat ako sa pagmulat ng mata ni Joana. Talaga naman. Nagtutulog tulugan lang ata to eh. Bumalik ako sa lababo chineck ko yung karneng binabad ko ayos na pwede nang hiwa hiwain. Hiniwa ko na ang karne. Maya maya linuto ko na to.

"Joana, asan ang bigas mo? Magsasaing na ako. " Tanong ko sa kanya.

"Naku, teka ubos na ata ah." Kumuha to ng maliit na upuan at ilinagay sa tapat ng lababo tumapak siya at pilit may kinuha sa kabinet. Agad ko naman tinulungan si Joana abot na abot ko naman ang kabinet kaya ako na naghalungkat bale naipit ko siya sa pagitan ng lababo.

"Eto oh meron pa isang kilo. " Sabi ko ng mahanap ang bigas.

"Ako lang kase mag-isa dito madalang lang talaga akong magluto kaya akala ko ubos na." Kinuha nito ang upuan at ibinalik sa dating lagayan.

Nagantay na lang kame na maluto ang kanin habang nanunuod ng TV.

"Henry, bukod sa mama ni Yally may iba ka pa bang nakarelasyon?" Nagulat ako sa tanong niya sakin.

"Hah?" Lang ang salitang lumabas sa bibig ko.

"Sabi ko kung may iba ka pang nakarelasyon." Ulit niyang sabi.

"Wala eh, masyado akong focus sa buhay ko nung mga nakaraang taon diba pamilyar naman na sayo yung kwento ng buhay ko. Tingin mo maisisingit ko pa ba yun?" Balik tanong ko sa kanya.

"Ibig sabihin yung mama lang ni Yally ang nakarelasyon mo?" Tanong niya ulit.

"Oo, ayaw ko din kase ng makikipagrelasyon lang kung kani-kanino ayaw ko ng paiba iba ng jowa lalo na babae anak ko. Ayaw kong sa mata niya marami akong babae, dahil ayaw kong pagisipan niya ako ng masama pag malaki na siya." Paliwanag ko kay Joana

"Alam mo naaalala ko sayo ang Itay, ganyan din ang mindset niya pagdating sa babae marespeto siguro kung buhay pa siya magkakasundo kayo. Parehas kayo ng prinsipyo eh. " -Joana

"Ipapakilala mo ko sa kanya? Kung buhay pa siya?" Tanong kong bigla.

"Kung buhay pa siya kaya lang malabo mo na siya makausap nga kase kinuha na siya ni Lord. Luto na ata ang sinaing tara na kain na tayo nagugutom  na ako eh. " Napabangon bigla si Joana sa upuan deretso sa lamesa. Sumunod naman ako sa kanya at naghain na. Mukhang nagustuhan niya naman ang luto ko.
Tuwang tuwa akong nakikita si Joana na matakaw kumain grabe hindi halata sa katawan niya ah.

Joana;

Ano ba Joana masyado ka ng napaghahalataan ipapakilala kay Itay? Ano yun? Hawak hawak ko ang tinidor at kutsara para akong batang nag-aantay hainan ng magulang. Abusada. Pero grabe mag-alaga si Henry to the point na hindi ka na kikilos talaga. Medyo natatakot lang akong isipin na siguro kaya magaan ang loob ko sa kanya kase nga nakikita ko pagkatao ni Itay sa kanya at gumagawa lang ako ng sarili kong fairytale. Pagkatapos naming kumain ako na naghugas ng pinggan nakakahiya naman nuh kung siya na pinagluto ko ta's paghuhugasin ko pa siya pinaupo ko na lang siya sa sofa at sabi ko iexplore niya yung cellphone na binili ko sa kanya may dinownload na akong games kako Temple Run at kung ano ano pa. Nalibang naman ata siya sa pagkalikot ng cellphone kaya wala na akong narinig na Salita mula sa kanya. Pagkatapos kong maghugas tumabi ako sa kanya sa sofa hiniram ko yung cellphone niya at sabi ko itry namin yung quality ng camera pero syempre para paraan lang ako gusto ko syempre unang picture sa cellphone niya mukha namin diba edi nagselfie kame naku Joana ano ba iba na yan ah lulong ka na kay Henry sis. Mahiya ka naman ikaw na nag ininsist.

near meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon