Part7

25 2 0
                                    

Ang bilis ng panahon tapos na din ng highschool. Papasok na kame sa college ni Nika halos hindi nanamin madalas nakakasama ang isa't isa busy kame sa nakaraang pagtatapos. Bakasyon na ulit ngayon basketball ulit ang activities na pinaghahandaan ng brgy. Ako? Nasa bahay lang kung wala sa bahay nasa bukid naghahatid ako ng pagkain nila Itay tapos dun na din minsan tumatambay maaliwalas at presko kase ang hangin. Hapon na sabay sabay na kame uuwi sa bahay nila Itay at inay habang palapit kami sa bahay sinalubong kame ni Aling bidang kasama si Sabel. Si Sabel nga pala ay ang nag-iisang anak ni Aling Bidang.

"Uyyy anjan na pala kayo kanina pa namin kayo inaabangan ni Sabel. " Ani Aling Bidang

"Ano sadya niyo samin mare? Maghapon kase kame sa bukid sinamahan namin si pare mo doon ni Joana at nakakainip dito sa bahay mas maigi pa sa bukid at presko dun sa kubo." Sabi ng inay.

"Naku eh ikaw na nga magpaliwanag Sabel at kayo naman ang may pa programa. " Sabi ni Aling bidang sa kanyang anak.

"Ganto kase tita May bale kase si Joana kase po talaga ang sadya namin. May gaganapin po kase kaming Santa Cruzan sa SK po di po kase siya nakalahok nung nakaraang meeting namin nasabi na po namin kay Rey at kay Boyet na aanyayahan po namin si Joana nakalimutan po atang sabihin sainyo ng dalawa busy din po kase sila sa Palaro ng basketball." Nakangiting paliwanag ni Sabel.

Si Sabel kase ang nakatalagang SK Chairman ngayon sa barangay namin c kuya Rey naman SK kagawad. Kaya aktibo sila sa mga activities lalo na palapit na ang aming kafiestahan.

"Nakakahiya man pero wala kase kaming igagastos sa pagrerenta ng susuutin ko jan Sabel at tsaka nahihiya din kase ako ngayon lang ako sasali kung saka sakali sa ganyan hindi naman ako sanay. " Napapangiti na napapailing kong sabi.

"Ano ka ba Joana Reyna Elena ka nakaugalian na dito satin na iisang damit lang ang sinusuot ng Reyna Elena tuwing sagala kaya hindi ka gagastos kahit piso. At siguro hindi ka na papanghinaan ng loob kung sasabihin ko sayo na sasali si Nika nakausap ko na kasi siya kanina eh at umoo na siya". Pang-eengganyo nyang saad sakin.

"Oh yun naman pala anak kasama mo naman si Nika dun, wala na din namang problema sa susuotin mo. Tanging presensya mo na lang ang kailangan. Pumayag ka na at minsan lang naman yan sa isang taon. " Aniya inay na galak na galak.

"Abay sa ganda mong yan anak naku bagay na bagay sayo maging Reyna Elena. " Dagdag ni Itay.

Sa gantong sitwasyon mahirap na tanggihan lalong lalo na napagkaisahan ka na. Pilit na lang akong ngumiti at napatango. Ano pa nga ba magagawa ko aba eh ika nga di na nila ako binigyan ng dahilan para makatanggi.

"Ayan sure na sure ka na ah wala na yang bawian omoo ka na Joana", sabi ni Sabel

"Oo na ate. " Nakangiting sabi ko.

Kinabukasan maaga akong pumunta kila Nika ilang araw din kameng hindi nagkita.

"Tao po!" Sigaw ko sa may gate nila.

"Oh ate Joana pasok ka. " Si Yuki

" Ang ate mo? " Tanong ko.

"Anjan sa loob nagmumukmok. Wag mo akong tanungin kung bakit alamin mo na lang sa kanya. " Sabi ni Yuki sakin.

Tuloy tuloy na akong pumasok inabutan ko si Nika nakasalampak sa sofa nila habang pinapaikot ikot sa kamay nya ang cellphone niyang nokia fliptop. Nakanguso ang bruha mukhang may pinagdadaanan nga ah..

"Uyyyy p're! Anong itsura yan? Hahahaha para kang nalugi sa negosyo ah!? " Pang-aasar kong sabi sa kanya.

" P're buti pinuntahan mo ko, naalala mo pa pala ako. Kainis! " -Nika

near meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon