Part38

111 3 1
                                    

Joana;

Papunta ako sa kwarto ni Henry ngayon. Dala ko yung mga binili kong pasalubong galing Thailand. Marahan akong kumatok sa pinto na agad namang binuksan nito.

"Pasok ka." Nakangiting bungad nito sakin. Aba bagong ligo si loko ah nakatapis lang ng twalya. Amoy na amoy ko ang sabon na ginamit niya infairness bagay sa kanya ang amoy ng sabon dito sa hotel. Umupo ako sa higaan at linapag ang dala kong paper bag.

"Eto yung binili ko sa Thailand para sainyo nila lola." Nahihiya kong sabi, naiilang ako sa nakikita kong itsura niya ngayon kaya hindi ko siya matitigan ng deretso.

"Nag-abala ka pa." Umupo to sa tabi ko para tingnan ang dala ko.

"Tong black yung sayo, ta's yung white na dalawa kay lolo at lola kay Yally naman yung purple. " Tinulungan ko siyang ilabas yung mga damit.

"Joana, diba sabi ko mag-usap tayo ngayon? Ok lang ba sagutin mo ng totoo itatanong ko sayo? " Bigla kong natigilan sa sinabi niya.

"Sige." Sobrang seryoso ng sitwasyon namin ngayon.

"May nararamdaman ka din sakin?" Tanong niya.

"Siguro naman wala ako dito sa harap mo kung wala diba?" Ganting sagot ko sa kanya.

"So ano na magjowa na tayo?" Nakatingin si Henry sa mga mata ko, tipong sa mata ko siya kumukuha ng sagot sa tanong.

"Masyado kasing mabilis eh, pwede naman getting to know each other pa lang?" Sabi ko.

"Seryoso ka? Eh sinuko na natin sarili natin sa isa't isa tapos getting to know each other lang muna tayo?" Nakakunot na noong tanong ulit ni Henry.

"Gusto ko bigyan na muna natin ng pagkakataon ang isa't isa na magkakilala ng tuluyan. Diba kung mas kilala natin ang isa't isa mas bubuo tayo ng matibay na relasyon in the future?" Paliwanag ko.

"Eh ok lang sayo kahit may nangyari na satin? Joana ikaw ang lugi sa sitwasyon natin  na to. Ayaw ko naman isipin mo na tinetake for granted kita kaya tinatanong kita kung papasok na tayo sa relasyon yung tayo. Kase kung wala tayong label tapos nagawa na nating mag alam mo na parang ang lumalabas FUBU tayo. Nererespeto kita Joana kaya gusto ko magkalinawan tayo ngayon. " Mahabang litanya nito.
Hindi ko kayang magdesisyon ngayon kahit gustong gusto ko na na magkaron kame ng relasyon hindi pwede, tama si Nika kailangan ayusin ko muna kung anong meron samin ni Lui.

"Sorry, sa ngayon kase gusto ko munang makilala ka ng lubusan Henry syempre gusto ko din ganun ka sakin, mutual understanding ganun. Yung nangyari satin ganun talaga parehas natin ginusto yun di mo naman siguro pinagsisisihan yun Henry?" Naku kung pinagsisihan niya yun talaga iiyakan ko siya ngayon.

"Yung totoo pinagsisisihan ko na di ako nakapagtimpi, sana pinigilan ko sarili ko sa sitwasyon na yun, kung alam ko lang na eto magiging desisyon mo ngayon. Handa akong panagutan ka Joana, handa akong patunayan sayo lahat ng gusto mong patunayan ko pero pano ko gagawin yun kung wala namang tayo?" Malungkot na sabi neto. Yumakap ako sa likod nya.

"Sorry, sana maintindihan mo muna ko sa sitwasyon na to. Wag kang mag-alala pag ok na tayo naman talaga eh. " Nakukunsensya ako kase parang inuuto ko lang siya sa sinasabi ko ngayon. Marahan siyang Bumuntong-hininga at humarap sakin.

"Ok sige sabi ko nga nirerespeto kita, sige pagbibigyan kita sa desisyon mo na yan pero hindi ko itatago sa ibang tao ang nararamdaman ko sayo. " Dahang dahang bumaba ang mga labi ni Henry sa labi ko. Pinigilan ko to baka kung saan nanaman kami makarating. Huling gabi na namin dito sa Boracay gusto kong sulitin ang gabi na to kasama siya sa labas.

"Oo na, lalabas tayo diba manunuod tayo ng mga nagsasayawan at nagkakantahan dun sa may aplaya magbihis ka na. " Mabilis na sabi ko pero marahan ko ding dinampian ng mabilis na halik para naman mabuhayan siya ng loob.

near meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon