Part19

32 2 0
                                    

Nika;

Uuwi ako ngayon samin sobrang badtrip ako kay Mike, biruin mo yun hinahayaan ko na nga siya na parang kinukunsinti sa lahat ng kagaguhan niya ako pa pinagiinitan ni gago. Kailangan kong lumanghap ng sariwang hangin kahit isang araw lang malayo lang muna kay Mike at makapag-isip isip. Pano ko ba sisimulan sainyo ikwento ang pinaka walang kwentang desisyon na ginawa ko sa buhay ko. Ewan ko ba simula ng nagpumilit akong magtrabaho sa Maynila at makipagrelasyon kay Mike wala nang swerteng nangyari sa buhay ko puro na lang kamalasan, pano malas ang karelasyon ko, sira ulo at walang hiya. Huminga ako ng malalim habang nakatingin sa bintana ng bus pauwi sa Nueva Ecija tumayo na ako ng makita kong nasa babaan na ako dito samin. Wala eh committed na ako sa sitwasyon kung anong meron ako kailangan ko na talagang panindigan. Syempre tinext ko muna si Yuki kung uuwi sa bahay si Papa bago ako umuwi dun, kase imbes na pahinga ang iuuwi ko gera siguro pag nagpang-abot kame. Malapit na ako sa bahay bitbit ko ang backpack kong di naman kalakihan di ko naman kase kailangang magdala ng mga damit gawa ng may mga naiwan pa akong damit sa bahay. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Joana.

-pre, bahay na ako- maikli kong text sa kanya na agad naman akong nakatanggap ng sagot. -sige pare, papunta na din ako- Joana

Pagdating ko sa bahay naabutan ko si mama na nagdidilig ng mga halaman niya. Laking tuwa ni mama pagkakita sakin agad niyang binatawan ang bitbit niyang tabo sabay takbo at yakap sakin.

"Nika!!!!!!" Kulang na lang magtatalon si mama sobra ata niya akong namis. "Yuki! Andito ang ate mo! " Dagdag sigaw neto na tinatawag si Yuki. Nakita ko naman sumilip si Yuki sa pintuan.

"Alam ko naman ma na uuwi yan si ate nagtext yan na darating siya". Nakangiwing sabi niya kay mama.Alam ko nasa isip niya gusto niya pang idagdag na nagtext ako para alamin kung andito si Papa sa bahay.  Siraulo basang basa ko na utak ng kapatid ko na to eh.

" Ganun ba? Nakakatampo naman bakit kay Yuki ka lang nagsabi na uuwi ka edi sana napaghanda kita ng gusto mo. "Sabi ni mama sakin.

" Naku ma ok lang, pasok na po muna tayo at gusto ko munang ihiga tong katawan ko sa kama medyo nangalay po kase sa byahe". Yaya ko sa kanya sa loob.

"O sige pumasok ka na at lalabas muna ako para mamalengke magluluto ako ng sinabawang pata. " -Mama

"Naku si mama, pag kay ate may papata kayo pag tayo lang andito puros na lang process food ulam natin ah kaya madalas ako may UTI eh. Ang tamad tamad mo magluto pag tayo lang andito". Pang-iinis ni Yuki kay mama habang nakahawak sa pintuan.

" Naku magtigil ka jan Yuki, aalis na ako at papaghingahin mo muna yan si ate mo dun sa kwarto". Mabilis  na kinuha ni mama ang payong at ang kanyang pitaka sa ibabaw ng ref.

"Siraulo ka talaga eh nuh reklamo ka ng reklamo sa paulam ni mama sayo aba'y mag-aral ka kayang magluto ng si mama ang nagreklamo sayo hahahaha". Pangbubwisit ko sa kanya.

" Wow excuse me te? Madali lang mag-aral ng pagluluto nuh busy lang ako sa school kaya di ko magawa". Nakairap na sagot niya sakin.

"Oo madali lang mag-aral magluto, pero ang pag-aralan ang MASARAP magluto mukhang mahirap yun pagdating sayo. " Tatawa-tawa kong inis pa rin sa kanya.

"Edi ikaw na marunong magluto ng masarap!" Tumalikod sakin si Yuki at umupo na sa sofa. Narinig kong tumatawag si Joana sa labas.

"Yuki pagbuksan mo muna si Joana nasa labas papasukin mo nga! " Utos ko sa kanya habang derederetso na ako sa kwarto.

"Ate naman! Bubuksan lang eh! Nakatayo ka na, ako pa talaga!" Patayong sabi ni Yuki na padabog ding binuksan ang pintuan. Derederersong pumasok si Joana sa kwarto ko.

near meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon