Joana;
Ang sarap talaga pag bakasyon nasa bahay lang at nagbabasa ako ng pocketbook pasimple ko tong kinuha sa mga pocketbook ni Ina'y ng wala siyang alam. Dito ko lang to binabasa sa loob ng kwarto ko pababawalan kase nila ako pag nakita nila baka mapagalitan pa ako kase may mga pang matandang eksena na kase sa pocketbook bawal pa daw sakin. Dose na ako tingin ko wala namang masama makabasa ako ng mga gantong babasahin di naman masama malaman kung pano nakakabuo ng baby diba? Hahahaha baby agad-agad. Ang gusto ko sa pagbabasa ng pocketbook halos lahat ng kwento happy ending tulad ng pangarap ko balang araw mahalin at alagaan ng gwapo at matalinong lalaki bonus kung mayaman pa. Si Nika? Naku nasa Manila umuwi yung pamilya nila makikipaglibing ata namatayan kase sila ng kamag-anak. Mga isang linggo na din ata sila dun. Medyo namimis ko na sila ni Yuki pero ok lang din sa loob ng isang linggo na wala sila dito nasa kwarto lang ako halos din nagbabasa pag natapos ko na ibinabalik ko at pinapalitan ng panibago. Naririnig ko na nagpapatugtog sila kuya sa DVD mga bagong burn daw na rap songs. Hay naku ang iingay di ako makapagconcentrate sa pagbabasa eh pero may pamilyar nanaman akong naririnig na kanta yung kanyang narinig ko sa plaza. Infairness naLSS ako sa kantang yung kinakanta ko siya sa isip ko. Yung Chorus lang grabe akit na akit ako sa boses ng kumanta ng Chorus yung rap di ko naman masyadong matandaan. Nung natapos ang kanta napalitan ng ibang kanta sumigaw ako..
"Kuya pakihinaan naman ng soundtrack nyo ang sakit sa tenga eh nagbabasa ako! " Sigaw ko na may halong kunsensya kase pocketbook lang naman binabasa ko hahaha.
"Oo na lola! "-balik na sigaw ni kuya boyet.
" Joana lumabas ka daw muna jan at kumain sabi ni Ina'y. Binilin niya na bago siya umalis pag gising ka na daw dalhin mo daw pala yung binhi ng sitaw kila ninang bidang kapalit nung binhi nang mais na pinapakuha din ni Itay. "- kuya Rey
" Palabas na kuya tapusin ko lang po to. " Sabi ko. Bakit pag bunso madalas utusan? Yung totoo si inay naman anjan naman sila kuya eh naku naku. Pero samin kase pag inutusan ka dapat walang reklamo hehehe di naman ako madalas utusan madalas talaga sila kuya lalo na sa mabibigat na gawain sa bahay pagsalok ng tubig inumin pagbiyak ng mga kahoy na panggatong paglinis ng bubong at kung ano ano pa madalas nga sila na humahawak ng walis sa bahay eh kumbaga yung madalas nang gawaing bahay hindi na iniutos nila Ina'y at Itay kusa na naming ginagawa. Swerte ko din sa dalawang kuya ko mga magagaan lang din ang ginagawa kong gawaing bahay katuwang ko pa si Ina'y.
Lumabas na ako ng silid pagtapos kong mabasa ang isang chapter pa sa pocketbook. Paglabas ko nakita ko si kuya Rey kumukuha ng patuka ng manok si kuya boyet Naman pakanta kantang sinasabayan yung rap Song sa DVD. Saglit nga at naitanong kay kuya yung kaninang kanta."Kuya yet, kanina kase may kanta akong narinig parang ganto.. Kislap ng 'yong mata'y 'di kayang limutin
Sa'ting tagpuan ay naghihintay pa rin
Umukit ka sa puso ko at 'di na maalis
Ang mga alaala nating dalawa na kay tamis
Kay tagal kong tiniis. Sino kumanta? " Tanong ko habang nakangiti."Aba akala ko ba maingay? Tapos kabisado mo pala" May pangbubwisit na sabi ni Kuya boyet sakin.
"Kuya yan lang yung natandaan ko sa daming maingay na pinatugtog nyo ni kuya Rey yan lang pumasok sa utak ko. Sino nga? Tinatanong eh". Sabi ko na boses nagtatanggol sa sarili.
" Maganda diba? Uso yang kanta na yan nila ngayon maririnig yan sa radyo kaya nga sinama namin sa paburn ni kuya Rey eh. Kaya lang yan lang kanta nila wala namang iba kaya paulit ulit."-kuya Boyet
"Mas gusto ko namang paulit ulit yan pakinggan kaysa sa ibang rap songs na pinapatugtog nyo nun. Sino nga kumanta? " Sabi ko na naiirita na ang tagal kase sabihin ni kuya.
"Si LILjay - Henry- LILron DUYAN yung title ng kanta nila. "-kuya Rey
" Sino kumanta nung chorus kuya? " Kinikilig kong tanong.
BINABASA MO ANG
near me
RomanceThis story inspired by a love story of Joana and henry😍 The story of two people unexpected love comes. The RAP Star and the Barbie princess started unexpected outcome of love and friendship😘 Subaybayan po natin ang kwento ng dalawang pinagbuklod...