Henry;
Pagkatapos kong kumanta iniakyat ko na si Yally sa kwarto. Kapag natulog naman na tong si Yally tuloy tuloy na. Kaya pwede pa naman akong makijamming sa kanila kahit papano. Mabilis lang mapatulog si Yally minsan nga kahit hayaan mo lang siya mahiga basta kailangan laging nasa tabi niya si mong nakakatulog na siyang solo. Pero naku wag lang talaga na walang mong siyang hawak sigurado mulat at nagiiyak na yan pag nagkataon. Pag-akyat namin sa taas nagulat ako at wala na yung mga gamit nila Jayjay at tito Ron tanging gamit na lang namin ni Yally ang nandito sa kwarto. Lumipat sila ng kwarto kung ganun? Binalewala ko na lang baka binitbit lang nila at ibabalik din. Nagtimpla na ako ng gatas ni Yally sa bote at ibinigay sa kanya bukas lang ang ilaw at tinatapik tapik ko si Yally napapapikit na din ako. Maya maya may narinig akong nag-uusap. Si Direk Al, Ate Nika at yung Joanna. Pumikit lang ako at nakinig awkward kase sa pakiramdam na makita nila na nakikinig ako.
"Ok lang ba sainyo na dito na lang kayo? Pinalipat ko na lang sila Ron dun sa kwarto ko. " Tanong ni Direk Al.
"Naku ok lang Direk, andito pala yung mag-ama." -Nika
"Ah oo. Kaya nga naisip ko na dito na lang kayo yung ibang room kase mga magjowa na ang nandun kaya eto na lang naisipan kong ipagamit sainyo. "-Direk Al
" Keri lang Direk, kaya lang p're mamaya pag-akyat natin wag kang maingay, ang ingay mo pa naman pag lasing na. May baby oh. "- Joana
"Oo na p're, di ako bulag nakikita ko. "- Nika
" O sige Mamili na lang kayo kung San kayo sa taas o sa baba,pag-usapan niyo na lang dalawa. "-Direk Al
" Naku for sure Direk ako ang nasa taas dahil malalasing at mapapasarap to sa inuman si Nika. Direk sino po dun sa mga babae ang asawa ni Henry? " -Joana
Nagulat ako sa tanong ni Joana, muntik ko na maimulat ang mga mata ko buti na lang napigilan ko napagalaw lang ako ng bahagya. Ang chismosa naman pala netong babaeng to."Naku, walang asawa yang si Henry single Dad yan." -Direk Al
At talagang pinag-usapan pa nga ako. Pumikit ka lang Henry mas awkward kung mumulat ka ta's ikaw pinag-uusapan nila.
"Oh single Dad daw p're, malay mo in the future ikaw mapangasawa niyan. Hahaha" Natatawang banat ni Nika. Pagkarinig ko sa mapapangasawang Salita parang biglang nag-init ang katawan ko ah. Jusko sino ba naman ang aayaw mapangasawa siya, hindi naman sa pagaano sa picture pa lang pantasya ko na siya eh. Usod unti baka mahulog ako sa kama kakapanggap kong tulog.
"Siraulo tara na nga at bumaba na tayo mamaya magising pa silang dalawa eh". Natatawang sabi ni Joana. Narinig ko na yung mga hakbang ng tatlo na bumababa napabuga akong ng hininga ang hirap palang magpanggap na tulog. Tulog na tulog na si Yally hinalikan ko siya sa noo at inayos ang kumot. Mayamaya bumaba na rin ako para makiparty sa kanila sa baba.
Inabutan kong may kanya kanya na silang kasiyahan. May kumakanta, umiinom, sumasayaw, nagsuswimming, kumakain at nagkakainan ng bibig. Juskopo talaga naman tong mga to di na makapagpigil na makapasok sa kwarto nila eh. Napapakamot na lang ako sa ulo ko, parang nararamdaman kong may nakatingin sakin bigla akong napalingon sa side mga babaeng nag-iinuman nagkatinginan kame ni Joana ano ba yan bigla akong nahiya bakit ba siya tumitingin sakin? Derederetso akong umupo sa tabi ni Tito Ron at Jayjay pero bahagyang nangangatog ang tuhod ko. Ano bang trip netong babaeng to. Kinuha ko yung songbook pumili na lang nga ng kanta ng makakanta na lang. Kumuha din ako ng isang pilsen para inumin habang nag-aantay sa kanta.
"Insan pinalipat pala kame ni Direk sa kwarto niya kase sila ate daw dun sa double-deck di na daw uuwi kase. " Sabi ni Jayjay sakin.
"Ahhh." Pagtango ko.

BINABASA MO ANG
near me
RomanceThis story inspired by a love story of Joana and henry😍 The story of two people unexpected love comes. The RAP Star and the Barbie princess started unexpected outcome of love and friendship😘 Subaybayan po natin ang kwento ng dalawang pinagbuklod...