Nika;
Suko na ako hindi ko na kayang makisama kay Mike, uuwi na lang muna ako sa probinsya at lulunukin ang pride ko. May kunti akong naitabing pera na hindi alam ni Mike naibukod ko ng bangko. Saka na ako mag-iisip kung pano magsisimulang muli. Lalo ngayon alam kong kailangan ako ni Joana alam kong nasa pinaka masakit na point ng buhay niya siya ngayon. Inayos ko na lahat ng gamit ko sa maleta iniwan ko ang mga dapat na iwanang gamit binitbit ko ang masasabi kong talagang akin. Wala muna akong karapatang magreklamo tungkol sa pinagdadaanan ko wala pa yun ni sa kalahati ng pinagdadaanan ngayon ni Joana. Nang matapos na ako walang lingon na derederetso akong lumabas sa bahay kung saan magdadalawang taon na kinulong ang mga pangarap ko sa buhay.
Joana;
Ilang araw na akong nakatulala lang sa tabi ni Itay, di ako nakakain at di ako makatulog. Matagal na palang may dinaramdam na sakit ang Itay pero wala akong kaalam alam. Mas inalala niya ako kaysa sa ako ang mag-alala sa kanya. Hanggang sa huli ako ang nasa isip niya grabe ang guilt ko na inuna ko sarili kong kaligayan imbes na nasa tabi niya ako nang kaylangan niya ako. Sinisisi ko ang sarili ko na sana man lang hanggang huli na nahihirapan siya nasa tabi niya ako. Dumating si Angelo para damayan ako. Pero pag nakikita ko siya mas lalo kong sinisisi ang sarili ko mas lalo akong kinukutkot ng kunsensya mas lalong pinapamukha sakin ng pagkakataon ang pagiging nakasarili ko. Tumayo ako para pumunta sa likod bahay nang makita ko si ina'y na lumapit sa kabaong at umiiyak nanaman lumalayo ako para di ko na madagdagan pa ang emosyon, gusto kong mapagisa gusto kong paulit ulit na isipin ang mga araw na kasama ko pa ang Itay. Bukas huling lamay na niya sa susunod na araw ililibing na siya at yun na ang huling araw na makakasama namin siya. Ang sakit, isipin ko pa lang na buong buhay ko ng hindi makikita ang Itay para na ako ng mababaliw. Pano ko ipagpapatuloy ang lahat ng wala na siya? Umupo ako sa upuang ginawa ni Itay sa likod bahay kung saan madalas silang tumambay at magkape ni ina'y kapag walang trabaho sa bukid. Nakikita at naririnig ko ang tawanan naming tatlo. Kung gano kadilim ngayon ng pwestong ito, sa alala kong kasama ang Itay napakaliwanag pa ng lahat.
Ate Sabel;
Marahan kong tinawag si Angelo para kausapin sa sulok ng likod bahay ng mga biyenan ko. Na kaagad naman siyang sumunod sakin.
"Sabel."-Angelo
" Sinabi mo na ba?" Tanong ko sa may pag-aalalang tono.
"Hindi ko nasabi insan. Naunahan ako ng takot. " Sagot ni Angelo.
"Naunahan ng takot? Angelo sinabihan na kita na sabihin mo na agad sa kanya nung una pa lang. Natural matakot ka dahil sa kagagawan mo! Maawa ka kay Joana. Kung alam ko lang na hindi mo sasabihin sa kanya ang totoo di sana nung una pa lang ako na nagsabi, Angelo nakiusap ka sakin na ikaw na ang bahala nakiusap ka sakin na hindi mo na patatagalin pero bakit hanggang ngayon hindi mo pa rin sinasabi sa kanya? Hindi habang buhay matatago mo yan sa kanya, ako na ang magsasabi. " Sabi ko na pinipigilang mapasigaw baka may makarinig samin.
"Wag muna ngayon Sabel mahirap ang pinagdadaanan niya. " Pakiusap sakin ni Angelo
"Yan ang sinasabi ko sayo na sabihin mo na agad. Hindi pwedeng hindi at itatago na lang natin to sa kanya, hindi ako papayag ah pinagbigyan na kita dahil may tiwala ako sa mga sinabi mo at ikaw ang pinakaclose kong pinsan sa lahat kaya buong buo ang tiwala ko sayo tapos ngayon ano?". Hindi ko na napipigilan na hindi tumaas ang boses ko. May nakita akong palapit samin nasa madilim na sulok hindi lang isang tao kundi tatlo. Para akong binuhusan ng tubig habang unti unti kong nakikita na papalapit samin.
Nika;
Pagkababa ko ng mga gamit ko sa bahay dumeretso ako kila Joana wala si Yuki at si mama alam kong nandun sila para nakipaglamay. Pagdating ko kila Joana lumapit ako kay mama at Yuki at sinabing hahanapin ko si Joana tango lang ang binigay nilang tugon. Agad ko siyang hinanap at hindi muna ako sumilip sa kabaong ni Tito gawa ng nakita ko na nandun si tita at umiiyak. Nakita naman ako ni Kuya Boyet na palinga-linga. Kinawayan niya ako na lumapit.
BINABASA MO ANG
near me
RomanceThis story inspired by a love story of Joana and henry😍 The story of two people unexpected love comes. The RAP Star and the Barbie princess started unexpected outcome of love and friendship😘 Subaybayan po natin ang kwento ng dalawang pinagbuklod...
