Part24

53 2 1
                                    

Nika;

Grabe ang init whoa! Halos wala pa akong tulog gawa ng pagkagaling ko sa trabaho dumeretso ako agad dito sa ABS-CBN network. Dala ko sa isang brown envelope ang mga hinihinging reqiurements para sa audition ko sa Showtime. Ilang linggo na din akong pabalik balik dito sana naman makuha na ako bago matapos ang segment nang Sexy Babe ang tagal ko ding inantay tong pagkakataon na to eh. Lord please ibigay mo na sakin to. Isaisa na kameng pinapasok para sa VTR. Pagkatapos neto tatawagan or itetext na lang kame kung pasok kame sana mapasok ko na tong linggo na to. Naninigas na mga muscles ko sa binti kakapila dito aba. Nagtext si Joana sakin nakuha na daw niya sasakyan niya kung magpapasundo daw ako sana all talaga. Buti naman ng hindi na ako magcommute mamaya paguwi jusko. Nagreply lang ako saglit sa kanya, isa isa na kameng nagsimulang magpakita ng talento. Wala namang iba kundi magrarap ako gusto ko kasing ipakita sa buong Pilipinas na sa pagrarap at freestyle ay may puwang din ang kababaihan. Matagal kong inaral ang pagrarap mula ng magka rap music battle samin noon dun ko naumpisahang mahalin ang rap freestyle.

Joana;

Habang nagda-drive papunta sa location ni Nika naisip ko kumain ng turo turo. Hilig ko talagang magmukbang ng mga street foods. Nagpark na ako sa gilid ng building magtetext naman yun sakin mamaya pag tapos na siya. Habang kumakain ng kwekwek sa gilid nagulat ako may kumausap sakin.

"Mis, kasali ka sa audition ng minute to win it? Laki ng premyo dalawang milyon daw". Tanong sakin ng babae.

" Naku hindi ho may inaantay lang po ako nag-audition din po sa Sexy Babe. " Sagot ko habang ngumunguya ng kwekwek.

"Ay ganun? Sayang naman yung dalawang milyon ayain mo na din yung kaibigan mo sali kayo malay niyo diba? Ako nga kung malakas lakas lang ako sumali na ako eh. " Dagdag sabi neto na nakatawa.
Napangiti na lang ako sa reaksyon niya habang tinutuloy ko ang pagkain. Pero sabagay sayang nga yung 2M kung mapapanalunan namin ni Nika hindi ba? Sabihan ko nga si Nika na sumali kami.
Natapos na akong kumain at umupo na ako sa may gilid habang umiinum ng palamig. Maya maya nagtext na si Nika na palabas na daw siya nireply ko naman kung saan ako banda nakapark bahala siyang maghanap. Siya na nga sinundo ko ako pa ba maghahanap sa kanya?

Henry;

Sa wakas nasa kalagitnaan na kame ng tournament. Pasok kame sa final Four kaya puspusan na ang pagpapakundisyon naming lahat. Sana ibigay na samin tong championship na to isang taon na lang kase graduate na ako nextyear di na muna ako masyadong magbababad dahil alam kong kailangan kong magfocus sa ACADs para sa final year ko. Si Yally naku sobrang bibong bibo na akalain mo yun kaya niya nang tawagin akong PAPA. Ang bilis ng panahon diba ako na ata ang pinaka masayang tao na nabubuhay ngayon.

"Guys, alam niyo naman na kailangan na nating makuha ang championship na to. Matagal na natin tong inaasam i think this year is for us! Kaya ingatan natin ang ating mga sarili walang matigas ang ulo para walang injury yan ang iiwasan natin, ngkakaintindihan tayo!? " -Coach Fred

"Yes coach! " Sigaw namin.

"Ok get ready for tommorow, 5:30am sharp, no drinking alchohol and drugs! Meron tayong surprise drugtest i think this month. " Dagdag ni coach bago nagpaalam na sa lahat.

"Grabe ngayong taon lang ako napressure ng sobra gustong gusto na ata nilang mabawi mga ginagastos nila satin, eh diba goverment naman ang nasa likod ng scholarship natin. Ikaw Henry? Malapit ka ng mag-graduate di ka pa ba nauumay sa pagiging demanding nila? " Reklamong pahayag ni Alvin.

"Naku hindi ko naiisip yan par, laking tulong nga ng scholarship sakin eh kaya laking pasasalamat din. Normal lang siguro na magdemand sila kase hindi naman sila nagkukulang satin siguro kailangan talaga nating mag focus. " Sabi ko sa mapagpakumbabang tono.

near meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon