Nika;
Kumain na kame sa labas ng hapunan bago umuwi sa hub. Sinabi ko naman kay Mike na tatlong araw akong magpapahinga sa trabaho. Dahil may kasalanan siya sakin hindi niya ako mapilit ngayon. Sige sasabihin ko na sainyo yung totoong trabahong pinasok ko talaga dito na ang layo sa totoong trabaho at pangarap ko kung bakit ako sumugal dito sa maynila. Oo totoong model ang tawag samin pag iniaalok kame ni Mike bilang escort sa mga foriegner na nagka-casino. Kahit anong foriegner na magustohan kame tomboy man yan o lalaki bakla basta magustohan kaming isama at itabi habang nagsusugal bayad ang oras naming nakatunganga sa kanila jusko kunti na nga lang di na kayang tapalan ng concealer at foundation tong pangingitim sa paligid ng mga mata ko sa sobrang kulang sa tulog lalo na kung sobrang adik sa sugal ang makapili sayo. Ang tawag talaga samin models/ escort diba? abay pinasosyal lang naman kaming intertainer kase lagi kaming nakatable. Easy money dito kase bukod sa bayad na ang oras mo, ipapanalangin mo lang na bago matapos ang duty mo manalo ang guest mo para makatanggap ka ng malaking balato. Ang simple lang diba? Hindi kayo sure! jusko makatyempo ka ng guest na lintik sa kamanyakan yung tipong habang nagsusugal himas ng himas sayo halik ng halik sayo na wala kang magawa kase nasa contrata mo yun pwedeng imbes na akong bayaran ng guest baka ako pa magbayad sa kanila ng wala sa oras yun ang kalakaran sa trabahong pinasok ko. Dahil sa hayup na Mike na to yung inaakala kong dadalhin ako sa harap ng TV o kung saang magazine lintik sa pasugalan pala kame iaalok. Walang alam si Yuki at Joana dito dahil kung ako sa sarili ko dissapointed ako sila pa kaya hindi manlumo sa sitwasyon ko na to?
Pagdating namin sa hub;
"Grabe nakakapagod pala mamasyal dito ate, kulang na kulang ang isang araw. Mantakin niyong yung maghapon nating pasyal parang oras lang ang tinakbo ang bilis ng oras dito sa Maynila."- Yuki
" Oo nga pare infairness napagod din ako, pero ayaw ko pa magpahinga gusto ko pang magkwentuhan tayo." Dagdag naman na hirit ni Joana. May naisip akong gagawin naming tatlo na bonding tutal maaga pa naman.
"Sige, ayaw niyo pang magpahinga ah madami pa kayong energy? Tara sa labas bilis! May bibilhin tayo". Yaya ko sa kanila.
Mukhang wala ang hinayupak na Mike dito sa bahay nangati nanaman ang mga kamay sa pagsusugal halos lahat ng Komisyon niya saming mga talent niya ipinapatalo niya lang sa casino at hindi pa siya nakuntento pati sarili kong savings ginagalaw niya lolong na ang animal sa sugal, ayun may pera nanaman yun ultimo kapatid at pinsan niya ginagatasan niya, diba sinabi niya na nasa out of the town yung dalawa malamang ibinugaw nanaman niya kung kaninong chingchong na bigtime yung dalawa kaya nasa kung saang lupalop ngayon. Lumabas kaming tatlo pinagdala ko si Yuki ng echo bag. Para paglagyan ng bibilhin namin."Miss pabili nga po tatlong THE BAR. Tsaka HAPPY na blue 12pcs tas dagdag niyo na din po tong dalawang craklings." Sabi ko sa tindera.
"Uyy pare magiinuman tayo? Alak yan ah." -Joana
"Hala ka si ate, malalasing tayo niyan".-Yuki
" Kayong dalawang siraulo kayo, magiinuman? Malamang bumili tayo ng alak. Malalasing? Abay malamang alak nga diba?Nag-aaral ba talaga kayong dalawa? Ayaw niyo ba? O edi sige ako na lang uubos ng lahat ng yan at matulog na kayo tsk." Kunwari naiiritang sabi ko sa kanila. Joke lang na ako uubos lahat feeling strong lang ako gusto ko lang na sumunod sila sa gusto ko hahahaha.
"Abay, sakin ok lang nasa tamang edad naman na ako pare tsaka minsan lang naman wala naman atang masama diba? dagdagan mo netong karaoke yung pulutan." Walang hiya bestfriend ko nga talaga to.
"Ako naman keri lang din, umiinum naman na talaga ako niyayaya nga ako nila Boyet madalas para ako tagabili ng pulutan eh. Hindi lang ako nagpapahuli kay mama dahil sigurado bugbog ako, dagdag mo din to te onion rings ta's tong zebzeb. " -Yuki
BINABASA MO ANG
near me
RomanceThis story inspired by a love story of Joana and henry😍 The story of two people unexpected love comes. The RAP Star and the Barbie princess started unexpected outcome of love and friendship😘 Subaybayan po natin ang kwento ng dalawang pinagbuklod...