Henry;
Araw ng laban namin mamaya sa kabilang brgy. Nakaready na susuotin ko pupunta na ako sa tambayan para sa huling praktis namin. Habang nakatingin sa basag na salamin at nagsusuklay napansin kong medyo pogi pala ako hahaha. Suot ko na ang sapatos na napulot ni Lo, syempre kapares ng polo na binili samin ni Tito Ron parehas kame ni Jayjay partner ba. Iba talaga si Tito Ron sumuporta samin kahit di pasok sa budget niya ang susuotin namin minsan ginagawan niya ng paraan.
"La, alis na po ako punta na po ako kila Tito Ron. " Paalam ko kay lola.
Si Lola habang nagtatahi ng kanyang lumang short.
"Sige apo maya maya din at andito na yun si lolo mo sabay na lang kameng pupunta sa kabilang Brgy. para panuorin namin kayo, anong oras ba magsisimula apo? " Tanong ni Lola sakin.
"Medyo madami dami daw kameng kasali la sabi ni Tito Ron kaya siguro maaga sisimulan mga alas syete siguro la. " Ani ko.
"O siya nga. "-Lola
Nagpaalam na ako kay lola at lumabas, habang nasa eskinita nasalubong ko si Jayjay papunta din sa bahay namin.
" Oh, ayos pormahan natin ah. Hahahaha. " Sabay tawa naming dalawa.
"Parehas lang tayo ng damit insan, wow ayan yung sapatos mo na kinukwento sakin nung nakaraan?" -Jayjay
"Oo, napulot ni Lolo. Ayos ba? Ganda nga ng tymming eh yung sapatos ko kase sobrang sikip na ang sakit na sa paa. Ayos ba? "-sabi ko na binibida ang sapatos.
" Ayos na ayos men! "-Jayjay
Paakyat kame sa tambayan sa burol. Nandun na ang tropa at si Tito Ron nag-aantay samin.
" Ohh andto na yung dalawang itlog! Ready na kayong magkalat mamaya? Hahahaha"- Tito Ron
"Tito Ron naman oks na kabisado ko na si Jayjay Tito ang tanungin mo delekado". Pang-aasar na banat ko kay Jayjay.
" Talaga Henry!? "-si jayjay sabay siko sakin.
" Hahahaha tama na yan oh simulan na natin praktis". Anya Tito Ron.
Nagsimula na kameng mag ensayo. Sa tulong ni Tito Ron at ng tropa maayos naming natapos. Handa na kame para sa patimpalak mamaya.
Oras bago ang laban.
Ang ganda ng stage ang lalaking speaker at makulay na desenyo ang nakikita nakakamangha ang pagkakasetup court lang naman siya na linagyan ng stage pero malawak maraming tao ang nakakapanuod. Nakita ko na yung ibang kalahok at makakalaban namin. Iba't ibang edad na mahilig sa rap music. Napabuntong hininga na lang ako at sumundot nang maikling panalangin na sana ay palarin.Nagsimula ng ipakilala ng host ang mga guest speaker at judges sa patimpalak. At ang pinakamatinding guest ay ang Republikan lang naman. Grabe di magkamayaw ang tuwa ko talaga sobrang nakakataba ng puso naisip ko nakailangan ko pang husayan.
Nagsimula na ang lahat isa isa nang tinatawag ang mga magpeperform. Pang sampu kame sa listahan. May halong kaba at pananabik na. Ayan na kame na ang susunod na tatawagin..
"Akalain mo yun partner, napakahuhusay ng mga kasali sa rap music battle natin ngayon? Maraming maraming salamat sa lahat ng sumali upang ipakita ang inyong husay talento sa pagrap at pag-awit, eto na ang pangsampung kalahok ngayong gabi... Lil Jay- hensy-Lil Ron! Palakpakan po natin sila! " Sabi ng host na nagpakilala samin.
Tumugtog na ang aming minus one.. Umakyat na kame sa intablado.
Verse 1: Lil Jay]
Kahit bata pa ako, parang alam ko na lahat
Mga lihim na pagtingin na 'di ko maipagtapat
Nagiging masaya ako sa t'wing kasama na kita
At nalulungkot naman kapag hindi ka nakikita
Nag-aantay sa school na bumaba ka sa chikot
At sa ating tagpuan sana ika'y sumipot
Sabay natin kakainin mga dala nating baon
At sa'yong pag-uwi, gumamela aking pabaon
Simbolo ng pag-ibig kong 'di kayang bigkasin
Dahil natatakot ako baka tayo'y paglayuin
Pagsapit ng alas kwatro, dadalaw sa inyong bahay
Lalabas sa may kalsadang magkahawak ang kamay
Maglalaro ng habulan, patintero, tumbang preso
At kapag pagod ka na, ibibili kita ng Zesto
At doon iinumin sa ating tagpuan
Masayang nagkukulitan habang tayo'y nagduduyan.
BINABASA MO ANG
near me
Roman d'amourThis story inspired by a love story of Joana and henry😍 The story of two people unexpected love comes. The RAP Star and the Barbie princess started unexpected outcome of love and friendship😘 Subaybayan po natin ang kwento ng dalawang pinagbuklod...