Part34

73 3 1
                                    

Joana;

Nasa parkinglot na ako ng condo ng maisipan ko ng tawagan si Henry. Diba sabi niya pag nakarating na ako tawagan ko siya. Hawak ko ang cellphone ko at kinontact ko na number niya nagriring naman pero bakit parang naririnig ko na may tumutunog sa ilalim ng passengers chair. Ano ba to? Kinapa ko yung bagay na gusto kong makuha. Cellphone, keypad? Seryoso may gumagamit pa pala neto hanggang ngayon? Pero teka hah? Ms.J at number ko ang nabasa ko sa screen edi kay Henry nga tong cellphone. Hindi niya siguro napansin na nalaglag ang cellphone niya. Hay naku Henry para na tayong may glue sa isa't isa maraming dahilan para lagi na tayong magkasama, napangiti ako dahil may idea na pumasok sa utak ko bahala siya maghanap ng cellphone niya gabi naman na nakakatamad nang magdrive ulit pabalik sa Parañaque para isauli tong keypad niyang cellphone. Napatingin ako sa side mirror mas lalo akong napangiti ng makita kong suot suot ko pa pala ang hoodie niya at hindi na naibalik sa kanya. Ano ba Joana nagiipon ka ba ng gamit mula sa kanya? Pinatay ko na ang ilaw ng sasakyan at umakyat na sa condo ko sobrang napagod ako ngayong araw pero worth it yung pagod ko.

Henry;

Napagod ako ah. Nandito na ako sa kwarto ni Yally tinabihan ko siyang matulog, sa sobrang pagod din siguro kaya mabilis din siyang nakatulog unti unti na akong napapapikit sa sobrang antok. Bukas ko na lang itetext si Joana.

Kinabukasan.

Nagising ako dahil tinatapak tapakan ako ni Yally sa likod.

"Yally namam eh natutulog pa si dada." Marahan kong sabi kay yally.

"Dada baba na po tayo, eat na ng almusal." Sabi ni Yally kasabay ang pagtalon talon sa higaan.

Gusto ko pa sana matulog pero sige na nga pakainin ko muna ng almusal si Yally wala eh may anak ka Henry. Tumayo na ako sa pagkakahiga at inayos ang hinigaan. Hindi na ako naantay ni Yally mag-isa nang bumaba ang bata. Dahan dahan akong bumaba sa hagdan, naguunat ako ng kamay at humihikab pa naririnig ko si Jayjay na nakikipagkwentuhan kay Yally.

"Tito Jay, pumunta po kami ng MOA kahapon kasama po namin ni Mimi. Nagplay kame tapos po nag skating and nageat sa Jollibee and nagride sa car. " Derederetsong kwento ni Yally kay Jayjay.

"Naku mukhang nag-enjoy kayo kahapon ah. Sinong Mimi? Si ate Jane la? " Baling na tanong ni Jayjay kay lola magkakaharap sila sa mesa habang kumakain ng almusal.

"Hindi po si mama Jane Tito. Si Mimi friend ni dada magaling mag drive ng car, like this po. " Inaction pa nga ni Yally. Naku mabait nga si Yally pero wala namang maitatago sa batang to. Mabilis akong bumaba para mapigilan ang usapan nila muntik pa akong matisod sa last step ko sa hagdan kakamadali.

"Wow ang sarap naman ng almusal natin. Grabe gutom na gutom na ako." Dumampot ako agad ng pandesal at isinubo eto.

"Sino yung kasama niyo kahapon insan?" Pangungulit sakin ni Jayjay.

"Wala naman, asan yung Kape?" Maang-maangan ko.

"Yally, ano yung name ni Mimi?" Baling ni Jayjay kay Yally uupakan ko talaga to eh ang kulit.

"Hindi ko po matandaan eh, sabi kase ni dada Mimi na lang daw ang call ko sa kanya. Lola? Ano po yung name ni Mimi? Yung friend po ni dada kahapon?" Patay na Yally. Napapikit na lang ako ng mga mata at napangiwi. Wala na buking na.

"Ah yung kasama niyo kahapon yung may kotse, Joana daw pangalan niya. " Pati si lola. May pinagmanahan nga si Yally. Naalala ko yung cellphone ko San ko ba yun nailapag.

"La nakita mo po ba yung cellphone ko? Nawala na sa isip kong hanapin kagabi gawa ng sobrang antok at pagod na po ako eh." Palinga linga kong hanap sa mga stante sa kusina. Alam kong nakatingin sakin si Jayjay pero iwas akong makipagtitigan sa kanya gawa ng alam kong kukulitin niya ako. Pumunta ako sa may sala. Ano ba yan asan ba yun? Nadala ko ba kahapon sa mall? Hindi ko matandaan. Naramdaman kong sumunod sakin si Jayjay.

near meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon