Joana;
Dalawang linggo din akong nagkulong sa bahay mula ng inilibing ang Itay. Hanggang sa nakapagdesisyon na ako. Papunta ako ngayon kila Nika. Halos dalawang linggo din siyang pabalik balik sa bahay pero hindi kame nagkakausap. Hinayaan niya naman ako sa gusto ko. Pero ngayon papunta ako sa kanila para kausapin siya.
"Nika, andito si Joana. " Tawag ni tita Lilet ng makita ako sa tapat ng pintuan nila.
Ilang araw na din akong hindi pumapasok at wala na akong balak talagang pumasok dahil nakapagdesisyon na ako."Halika pasok ka pre. Gusto mo ng meryenda? " Hinawakan naman agad neto ang kamay ko at hinatak ako papasok sa loob.
"Hindi na pare. Nagpunta ako kase gusto kitang makausap. " Seryosong sabi ko.
"Ay, napakaseryoso mo naman, di ako sanay p're. " Nakangiting sabi ni Nika. Nung nakita niyang seryoso talaga ako. Niyaya niya ako sa loob ng kwarto niya.
" Wala si Yuki, pumasok. Ikaw p're papasok ka na ba? " Nakatalikod na tanong ni Nika.
"Wala na akong balak pumasok pare. " Sagot ko.
"Ano? Pre ok ka lang? Isa't kalahating taon na lang ang titiisin mo. Naiintindihan ko na nasa matinding pinagdadaanan ka pero pre naman isipin mo hindi yan ikatutuwa ni Tito Lando sa langit. " Litanya neto.
"Gusto kong lumuwas at magtrabaho sa trabaho mo". Kalmado kong sagot.
" Abay pinasukan na talaga ng hangin yang utak mo. Isipin mo ang masasayang sayo loka-loka. Mag-isip ka muna ng maraming beses. " -Nika
"Buo na desisyon ko pare. Luluwas ako baka pwedeng sabihan mo si Mike na maipasok din ako sa trabaho mo. " Pakiusap ko sa kanya.
"Ano!?" Gulat na sigaw ni Nika sakin.
"Alam ko lahat pare, narinig ko ng gabing nagtatalo kayo. " Malumanay ko pa ding sabi.
"Narinig mo!? Edi alam mo din kung anong klase ng trabaho ang pinasok ko dun? Tapos ngayon gusto mo ipasok din kita dun? Hindi! Hindi pa ako nasisiraan ng bait Joana! Kaya nga lumayas ako dun kase ayaw ko na ng kalakaran ni Mike, tapos ngayon babalik ako dun na kasama ka pa? Hindi! " Mariing sabi neto.
"Edi kung ayaw mo kong tulungan luluwas ako mag-isa bukas. " Tumayo na ako at papalabas na.
"Pre naman, teka lang bukas agad? Pre hindi ka ganyan mag-isip lahat ng ginagawa mo matagal mong pinagpaplanuhan diba? Hindi ka ura-uradang nagdedesisyon, hindi ikaw yan." Hinawakan niya ako sa kamay para pigilan.
"Hindi na ngayon Nika." Tumingin ako sa kanya ng seryoso at lumabas na. Kung ayaw mo kong tulungan gagawa ako ng sarili kong desisyon na hindi ka kasama sabi ko sa utak ko.
Nika;
Putangina! Teka kailangan kong mag-isip sa nakikita kong itsura ni Joana desidido na siyang lumuwas. Hindi pwedeng siya lang ang luluwas kailangan ko siyang samahan. Pag siya lang ang pumunta kay Mike siguradong Abuso ang aabutin niya sa hayup na yun. Teka at mag-iisip ako!!!!
Inayos ko mga gamit ko sa drawer kukuha ako ng mga pambahay kong damit mula sa mga luma kong damit. Biglang may nahulog na kapirasong papel. Teka ano ba to? Calling card? - AL AUACAY director-CEO- (ALLSTAR PRODUCTION)sino ba to? Wala akong matandaan. Di gumagana brain cells ko ngayon. Dapat magfocus ako sa plano ko para kay Joana. Itinabi ko yung calling card sa isa sa mga wallet ko. Itinuloy ko ang pagpili ng mga pambahay na damit.Joana;
Inayos ko na mga dadalhin kong damit, isinilid ko na sa isang bag. Pagkatapos natulog ako para paggising ko may lakas na ako ng loob para magpaalam kay ina'y. Hindi ko pa din pinapansin si ate Sabel gawa ng dahil kay Angelo, siguro may sama ako ng loob pero hindi naman ako galit. Mamaya lang din nandito na yun sila ni Kuya Rey dala si baby Mhyco. Sobrang gustong gusto ko ang baby pero dahil sa awkwardness namin ni ate Sabel halos di ako makabwelong laruin siya , sobrang cute at nakakagigil, halos nakikita ko nga ang mukha ni Itay kay baby Mhyco sabagay halos kahawig naman talaga ni Itay si kuya Rey, ang mukha namin ni Kuya Boyet ay pinag halong Itay at ina'y. Siguro kong inabutan ni Itay ang pagsilang ka baby Mhyco punong puno siguro ngayon ng tawanan dito sa bahay.

BINABASA MO ANG
near me
عاطفيةThis story inspired by a love story of Joana and henry😍 The story of two people unexpected love comes. The RAP Star and the Barbie princess started unexpected outcome of love and friendship😘 Subaybayan po natin ang kwento ng dalawang pinagbuklod...