Part39

112 4 1
                                    

Joana.;

Ilang araw na din na di kame nagkikita ni Henry. Sunod sunod kase guesting nila di naman ako makasupport gawa ng may pasok na din ako. Andito din pala si Inay ngayon sa bahay. Nagulat na lang ako bigla ng lumuwas ng biglaan yun pala makikipagkita daw siya sa kapatid niya dahil lumuwas din mula sa Iloilo.

"Anak, ano ba tong laman ng ref mo wala man lang kagulay gulay kaya siguro madalas kang magkasakit gawa ng walang sustansiya sa mga kinakain mo. " Puna ni Inay habang nagkakalkal ng malulutong ulam sa loob ng ref.

"Mamaya Inay punta tayo super market. Hanggang kelan ka mag-stay dito?" Tanong ko sa kanya.

"Naku naman anak kararating ko lang para namang gusto mo na ako agad pauwiin." Nakangiting sabi neto.

"Tinatanong ko lang po. San po ba kayo magkikita ni Tita Hilda?" Dagdag tanong ko.

"Sa condo din daw nung anak niya na nererentahan Azure ba yun. Basta doon. Eh hindi rin naman kase sila magtatagal din dito at uuwi din agad sa Iloilo kaya sinunggaban ko na din tong pagkakataon na makaluwas para magkita kame." Abalang sabi neto.

"Nay, diba yung anak ni Tita hilda yung nakadalawang asawa muna dito sa Pilipinas bago nakapag-asawa ng mayamang Amerikano? Pano yung mga anak niya sa una pala?" Tanong ko habang namimili ng papanuorin sa Netflix.

"Andun sa mga ama. Di naman yun makakaalis kung nasa kanila dahil walang mag-aasikaso gawa na ang Tita Hilda mo eh ikanga taon ding nag-alaga sa tito mong bed ridden bago sumakabilang buhay ngayong taon lang din. Sa panahon ngayon hindi na din uso na tulad ng kapanahunan namin ng Itay mo na talagang pag mahal mo panindigan mo kahit gumapang kayo sa hirap basta samasama. Wala na atang ganun sa panahong ngayon eh aba ang gusto na eh instant dapat mayaman agad ang asawa para instant raos  na din sa hirap." Mahabang kwento ng Inay. Napapailing ako kase para sakin iba pa din ang mindset ko kaya kong maghirap basta kasama ko taong mahal ko. Nagkausap  na kame ni Lui hindi ko na kayang antayin na makauwi siya dito sa pinas bago ko sabihin na ayaw ko nang makipagrelasyon sa kanya. Tinawagan ko siya pero ayaw niyang maniwala sa sinasabi ko. Pero pinipilit ko talaga sa kanya na ayaw ko na ang sabi ko wala na siyang babalikang relasyon namin pag-uwi niya dito sa pinas sinabi ko din na aalis na ako dito sa condo na to. Pero dahil lumuwas si mama ng biglaan antala din pag-alis ko dito. Ang sabi ko din kay Lui na isosoli ko na tong condo sa kanya kaya lang sabi niya nasa pangalan ko daw tong property gift niya daw sakin to wala daw siyang balak na bawiin kung ano ang naibigay niya sakin. Pero para sakin hindi ko talaga pwedeng tirhan na to dahil hangga't andito ako yung koneksyon pa din naming dalawa hindi mawawala. Bahala na siguro ipaparent ko na lang to.

"Hoy! Joana Marie! May taong kumakatok pagbuksan mo ng pinto! Ano ba at kanina ka pa nakatunganga jan di mo ba ako naririnig?" Sigaw ng Inay sakin. Hah? May tao? Sino naman kaya baka yung guard madalas kase kumakatok ang guard dito para sabihin na may parcel ako sa baba. Tumayo ako at naglakad papuntang pintuan. Sumilip lang ako sa awang ng pintuan habang  nakadouble lock pa rin para makita kung sino ba ang nasa labas mahirap na di naman ako basta basta nagbubukas ng pintuan gawa ng lagi akong mag-isa dito. Lumaki ang mata ko pagkakita ko kay Henry sa labas ng pintuan.

"Uyyy! Ano ginagawa mo dito?" Pabulong kong tanong sa kanya.

"Bakit ayaw mo bang pinuntahan kita?" Sagot nito.

"Abay teka lang, magbibihis lang ako antayin mo na lang ako jan sa labas." Sabi ko.

"Hah? " Nakakunot noong sabi neto. Pero isinara ko na ang pintuan. Nakakaloka ang galing naman kase nang tao na to bakit ngayon pa sumulpot dito sa condo ko. Tsaka may cellphone naman di man lang nagsasabi na pupunta siya ano nagtitipid ng load?

"Sino nak? " Usyosang tanong ng Inay.

" Yung Guard Inay, magbibihis lang ako at baba ako may deliver ako sa baba. " Pagsisinungaling ko. Dali-dali akong nagbihis at lumabas.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 04 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

near meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon