Part13

36 2 0
                                    


LilRon;

Nairaos din namin. Natapos din yung raket namin sana sa mga susunod na araw meron ulit. Kailangan ko makaipon malapit nang matapos si Jayjay sa highschool alam ko mas malaking responsibilidad na magpaaral sa kolehiyo pero walang sukuan. Lalo na pangarap ko makapag-aral siya sa magandang unibersidad. Naalala ko tuloy yung bestfriend kong si Anna, siya ang mama ni Jayjay grabe kung nabubuhay siya ngayon masaya siguro siyang kasama si Jayjay. Pero iba maglaro ang tadhana sa buhay niya, masyadong mabait si Lord dahil tinapos niya ng maaga ang paghihirap ni Anna dito sa mundong ibabaw. Bakit ko nasabing paghihirap? Aba yung dinanas niyang paghihirap sa buhay at sa taong mahal niya, ang walang hiyang yun. Muntik na akong maging kreminal dahil sa kanya buti na lang anjan si Anna para pigilang madungisan ang mga kamay ko. Hanggang ngayon hindi ko pa din nakakalimutan yung pighati at sakit na pinaranas niya kay Anna. Nakakaawa, yung wala akong magawa kundi titigan at yakapin siya punong puno ng pasa sa mukha bugbog sarado, sa payat niyang katawan na nagbubuntis kay Jayjay hindi ko makakalimutan ang panahon na yun. Wag ko lang makita pagmumukha ng hayup na yun ngayon dahil wala ng Anna na makakapigil sakin na gawin ko ang gusto kong gawin sa kanya noon. Anna!!! Bigla na lang pumatak ang luha ko sa mata habang naaalala ko ang mga tawa niya.
Pagbabalik-tanaw sa nakaraan.

"Ron, sabi ni Vincent ipapakilala na daw niya ako sa mga magulang niya. "- ani Anna
Masayang kwento ni Anna sakin habang kumakain kame sa karinderya.

" Ngayon lang Anna? Dapat noon ka pa niya pinakilala eh jowa mo na yun highschool pa lang tayo ah. " Sabi kong patuloy sa pagnguya ng pritong isda na ulam ko.

"Eh kase, baka naman busy talaga yung parents niya diba nga may negosyo sila. " Pagtatanggol ni Anna kay Vincent.

"Naku ilang oras ba dapat ang pagpapakilala sayo? Siguro naman kahit gano ka-busy nung mga yun umuuwi pa naman sa bahay nila yun diba? Alam mo kase ikaw sa sobrang pagmamahal mo sa taong yun nabubulagan ka na aminin na natin na ikaw lang ang todo bigay sa pagmamahalan niyo siguro nung una oo mahal na mahal ka kase hindi pa nakukuha yung gusto niya sayo eh ngayon na, ayan na nabuntis ka na ang laki laki na ng tyan mo puro siya paasa sayo dapat nga ngayon na buntis ka na inuuwi ka na niya sa kanila. Wala diba heto ka nangangamuhan dito sa karinderya na to kesyo ikaw na kaibigan kong martir sasabihin wala eh nag-aaral pa siya hindi pwedeng huminto sa pag-aaral kesyo ganto ganyan , ang tanong Anna kelan ba yan mauubusan ng dahilan sayo? Abay ginagago ka na lang ng hayup na yun eh tingnan mo nga sarili mo ni hindi ka masamahan nung baluga na Vincent na yun kahit sa center man lang!? Nag-aaral ka din sana ngayon diba parehas tayong nakapasa sa PUP pero wala ayan bulag ka sa lalaking sira ang ulo." Mahabang litanya ko sa kanya. Oo alam kong masasaktan siya sa mga sinasabi kong to pero kailangan kong sabihin sa kanya kase gusto ko siyang matauhan.

"Eto naman, syempre ayaw ko namang pilitin siya, magiging hadlang lang kame pag ganun sa pangarap niya. Ayos na din sakin na pinupuntahan pa rin niya kame kahit papano. Humahanap lang ng tyempo yun sabi nga niya diba ipapakilala na nga ako". Pagpupumilit pa din niya.

"Naku ewan ko lang ah kung talagang mapanindigan niya yang sinasabi niya sayo. Ang siste kase parang ginagawa ka na lang niyang parke na pupuntahan kung kelan niya lang gusto, wala kang kadalaan ilang beses ka ng tinatarantado nun,wala siya pa din talaga eh nuh? Hindi ka naman bobo sa klase pero bat pagdating sa Vincent na yun grabe ubod ka ng, ayaw ko na lang ituloy naku Anna tapusin na lang natin tong pagkain, may part time ako sa printing press sa tapat ng PUP. Tapos klase pa mamayang gabi. Kumain ka ng madami para sa magiging anak mo. " Sabi ko sa kanya.
Ngumiti naman siya sakin na parang sinasabi na "ok lang ako". Ayan ang mahirap kay Anna sa sobrang bait kahit anong ibato mo sa kanyang Salita or kahit saktan mo ata to ngiti pa ang matatanggap mo sa kanya. Kaya mahal na mahal ko tong taong to kahit anong sabi ko sa sarili ko na lubayan ko na siya dahil ayan nga buntis na at hindi naman ako ang ama ng pinagbubuntis niya wala eh hindi ko magawa hindi ko kayang layuan siya sa sitwasyon na alam kong kailangan niya ako. Sa totoo lang ang dami kong raket kase iniipon ko para sa kanya pag manganak siya at kupalin lang siya ni Vincent atleast kahit papano matutulungan ko siya financial, ganun ko siya kamahal. Hindi ko lang maamin sa kanya na mahal na mahal ko siya higit pa sa magkaibigan dahil natatakot ako na ako ang layuan niya.

near meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon