Part36

113 5 3
                                    

Direk Al;

Aba ang daming guestings nila Henry at Jayjay ngayon. Halos loaded na trabaho namin. Papunta kame ngayon sa Boracay para tapusin  na ang MV nang DINA. Sakto at nakauwi na sila Joana galing Thailand idea kase ni Ron na si Joana ang gawing model sa MV. Buti agad naman tong pumayag.

"Asan si Henry, Buddy?" Tanong ko kay Ron nang nasa airport na kame.

"Ang dami daw niyang trabaho ngayon sa negosyo niya kaya hindi daw siya sasama tsaka diba tinanggihan niya na magmodel sa  MV nila, iba na lang kunin natin may makukuha naman tayo dun sa Boracay madali na lang yun. " Sagot ni Ron.
Sakto naman nagdatingan na ang team na papunta ng Boracay kaya nagtipon tipon na kame para antayin ang flight.

Jayjay;

Oh loko, ayaw sumama ni Henry di niya ata alam na kasama si ate Joana at siya ang gaganap sa MV for sure badtrip yun pag nalaman. Kasalanan din naman niya todo tanggi pa siya. Ah teka may naisip ako. Pero pagbaba na namin sa Boracay para swabe ang pagsunod niya kung saka sakali.

Joana;

Hala hindi kasama si Henry? Nakakaloka dala ko pa naman sa maleta yung ibibigay ko sa kanilang pasalubong. Sobra akong pinanghinaan nung nalaman kong wala siya. Ano ba yan sana pala hindi na ako sumama din dito. Wala na eh dito na ko sa airport ng malaman ko. Magkakatabi kaming lahat habang inaantay ang oras ng flight.

"Direk, totoo ba yung mga guestings nila Henry at Jayjay sunod sunod?" Narinig kong tanong ni Nika kay Direk AL.

"Oo, kahit nga ako nagulat sa biglaang break nila sabagay matagal na din naman namin tong inantay akala nga namin dun sa DUYAN yun ang magpapakilala sa kanila, ayaw atang kasama si Ron hahaha. " Biro nito.

"Ayaw nilang may poging Tito na kasama. " Singit ni Tito Ron.

"Pero ikaw din po kuya Ron ang sumulat ng kanta nila?" Dagdag tanong ni Nika.

"Aba oo, walang ibang nagcocompose ng kanta nila kundi si Ron tsaka di mo alam halos 70% bars ng mga kanta mo eh galing din kay Ron? Mabangis yan. " -Direk Al

"Uy, hindi naman sakin lang lahat syempre sa tulong din ng tropa, nila ya'y Maco, at Parañaque Rebels. " Humble na sabi neto.

"Ang galing naman." Sabay pang sabi namin ni Nika.

"Wag kayong maingay atin atin lang." Bulong nito. Nagtawanan na kame. Maya maya tinawag na yung flight namin. Hay naku bahala ka nga Henry. Pero mis na mis ko na talaga siya. Pagbalik galing Boracay ihahatid ko na lang pasalubong ko sa bahay nila bahala siya.

Jayjay;

Nakalapag na kame sa Boracay. Linabas ko na cellphone ko para magtext.

-insan, si ate Joana pala ang model ng MV. Andito din siya sa Boracay. - nakangisi ako habang nagtatype ewan ko na lang kung di ka sumunod dito sa Boracay ng wala sa oras hahahaha.

Henry;

Ang dami kong ginagawa ngayon kase mag restock ako ng mga papel. May dalawang branch pa akong kakausapin para sa distribution ko ng paperbags. Sure naman na yun bale contrata na lang ang pag-uusapan pwede naman siyang i-email na lang kaya lang old school ako mas gusto ko kinakausap si client para mas magkaintindihan kame. Andito ko sa bodega nagaguide sa mga nagbababa ng papel kailangan kase minsan ang hirap hanapin lalo na kung saan saan lang nailapag ng deliver. Dapat kabisado mo kung saan nakalagay ang lahat kung hindi uubusin ang oras mo sa kakahanap. Nagcheck ako sa cellphone ko kung anong oras na medyo nagugutom na din kase ako wala pang tanghalian. Uy may text message si Jayjay. Mangiingit lang to na nasa Boracay na sila teka nga. Binasa ko ang text. Nagulat ako seryoso? Anak ng kamote naman bakit naman si Joana pa napili nila. Bakit kase may pagtanggi ka pa Henry. Patapusin ko lang tong restock ko kukuha ako ng ticket papuntang Boracay di ako papayag na kung sinong lalaki ang ipares kay Joana.

near meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon