Joana;
Sa ilang araw naming pagpila dito ni Nika. Sa wakas nakuha din kami sa minute to win it! Jusko! Ilang araw na akong halos walang tulog aba, kala ko nung una mali yung suggestion ko kay Nika na sumali kame dito buti na lang natawagan kame at take note nagkasabay pa yung pagkakakuha samin at pagpasok niya sa Sexy Babe! Ang galing diba? Isang bagsakang swerte ang binigay samin ngayong linggo. Exposure daw namin to sabi ni Nika. Naku alam niyo naman na di naman ako nangangarap mag-artista si Nika lang talaga kumbaga sinasabayan ko lang siya support na din laking tulong na din sakin to kase pangpataas ng moral o self confidence ba alam niyo naman medyo lowgrade ako pagdating jan.
"P're! Ang swerte naman natin! Isipin mo ilang linggo na akong puyat nakapila dito walang nangyayari, pero eto ah! Nung dalawa na tayo aba! P're double kill! Siguro swerte talaga tayo pag magkasama!" Halos maputulan ng ugat sa leeg si Nika sa pagkukwento.
"Nagkataon lang na ngayon ka lang din tinawagan kung kelan tayo nakuha din sa minute to win it! Siguro matagal ka ng pasado sa kanila iniipon lang nila kase per batch diba every week?" Sabi ko.
"Ah basta, kahit ano pa yang dahilan na yan wala akong paki! Basta pasok tayo! Galingan natin malay mo makuha natin papremyo nila diba. Edi win-win situation tayo may exposure na magiging milyonaryo pa tayong dalawa ng instant!" Halos pasigaw na sabi ni Nika.
"Hoy, ang OA mo naman ang lakas ng boses mo pare tapat mo lang ako oh." Nakatawang sita ko sa kanya.
"Ayyy malakas ba? Oh sige lakasan ko pa! Ahhhh! " Sumigaw pa nga nang loka. Natawa na lang ako na naiiling sa kalokohan ng bestfriend ko na to.
Inaral namin ang posibleng ipalaro samin infairness kahit puyat kame nag-enjoy kame kase di namin ramdam na wala pala kaming tulog basta laro lang kame ng laro. Eto ang gusto kong bonding naming dalawa yung parang bumabalik kame sa pagkabata. Kase si Nika ang aga niyang nag-matured di ko din naman siya masisi kase ang aga niyang maging independent. Ako heto medyo childish pa ako talaga mag-isip tsaka kumilos di ko pa yun mapagtakpan kahit anong pilit ko. Pero pag kaming dalawa magkasama naipapakita niya sakin na may pagkaisip bata pa din siya tulad ko or literal na nahahawa lang siya sakin? Hahahaha.
Direk Al;
"Ron, pakibukas nga ng TV. " Simpleng utos ko kay Ron habang nagchecheck ako ng mga picture ng models na nasa e-mail ko. Agad naman netong ginawa. Ah ba't andito si Ron ngayon? Dahil sa mga pending na kanta na gawa na irereview na lang namin.
"Uyyy! Buddy, diba sila yung. Eto!" Turo ni Ron sa picture wall. Nagtaka akong napatingin sa kanya. Di ko maintindihan kung ano tinuturo niya kase hindi naman siya nakatingin sa tinuturo niya kundi sa TV.
"Hah?" Tanong ko.
"Eto kako na dalawa nasa TV. "- RON
Tumingin ako agad sa TV nagulat din ako sa natuklasan ni Ron. Walang pinagbago ang mga mukha ng dalawang to ang galing kung ano ang itsura nila ng nasa Nueva Ecija ganun pa din hanggang ngayon para ngang mas lalo silang gumanda at pumuti kase parang naaalagaan na ang mga kutis nila. Ang galing nuh ilang taon din ang lumipas at nakita din namin silang dalawa ulit ni Ron teka nga at may dahilan talaga ang lahat ng to sigurado ako."Hoy! Buddy anak ng tokwa natulala ka na din akala ko ako lang eh hahaha, hahanapin na ba natin tong dalawang to para alukin maging model sa mga MV or alukin na para maging talent?" Baling sakin ni Ron ng wala siyang narinig mula sakin.
"Hahanapin na muna." Nakangiti kong tugon. May contact ako sa ABS-CBN matagal din akong naguntrata dun kaya alam na alam ko kung san ko mahihilot ang info sa dalawang to. Agad akong nag-email sa contact ko sa loob. At naghintay na lang ng reply. Wala pang kalahating oras nagreply na siya sa email ko. Bingo!

BINABASA MO ANG
near me
RomanceThis story inspired by a love story of Joana and henry😍 The story of two people unexpected love comes. The RAP Star and the Barbie princess started unexpected outcome of love and friendship😘 Subaybayan po natin ang kwento ng dalawang pinagbuklod...