Joana;
Habang nakatingin ako sa lalaking may bitbit na baby naisip ko ang aga pa niya para maging magulang. Tama nga si Yuki anak na nga niya yung baby hindi lang pamangkin tulad ng hula ko. Makayanan niya kaya ang responsibilidad, hindi kaya nakakaawa ang magiging anak mo pag wala ka pang plano sa buhay tas magkakaanak ka na agad. Sabagay ang dami na rin kasing teenage pregnancy mga mapupusok. Pero ako aminado ako na mapusok din ako pero may pag-iingat ayaw kong mahadlangan mga pangarap ko sa buhay ng isang pagkakamali lang. Tsaka pag babae ka ikaw syempre ang magkokontrol ng mga bagay na ganyan kase alam mo na ikaw mismo ang mas kawawa. Tumingin ako ulit sa lalaki matangkad Moreno maganda ang katawan, malakas din ang sex appeal parang ang sarap. Ay este parang ang sarap magalaga din hahaha ano ka ba joana pinagsasabi mo jan. Bumalik na si Yuki.
"Nabigay ko na yung unggoy na may nunal kagaya mo hahahah. Sabi ko sainyo anak niya eh, sayang lakas pa naman ng sex appeal niya. " Ani Yuki. Siraulo talaga tong si Yuki diba bumili siya ng unggoy na laruan para ibigay sa bata akalain mo yun na pinadikitan pa ng nunal sa pisngi para daw kamukha ko.
"Kaya pala effort ka nuh? Kase kung di niya anak target lock mo? "-Nika
" Si ate naman, hahahaha ang galing mo manghula". Pahampas at tumatawang sabi neto. Nagtawanan na yung dalawa. Niyaya ko na din silang pumasok para makapili kame ng gusto naming pwesto sa loob.
Pagkatapos ng misa nagpaalam na ako kay Yuki at Nika na pupunta na ako sa boarding house ni Angelo. Sabi naman ni Nika magtawagan na lang daw kame kase pupunta daw sila ni Yuki sa MOA dun na lang daw ako magpahatid kay Angelo. Naghiwalay na kameng tatlo. Nagtricycle na lang ako papunta kila Angelo tinext naman niya yung address eh. Pagbaba ko saka ko tinawagan si Angelo na nasa labas na ako. Lumabas naman agad si Angelo at sinalubong ako mabilis akong yumakap sa kanya at humalik.
"Mahal, namis kita". Sabi ko sa kanya.
" Namiss din kita mahal buti napuntahan mo ko, tara pasok muna tayo sa loob. " Yaya sakin ni Angelo papasok sa loob.
Typical na boarding house lang talaga tong inupahan niya para to sa paghahanda sa board engineering kase course niya at dito siya sa Pasay may review center. Bale mas malaki lang yung kwarto dun kila Nika pero double-deck din ang higaan neto sa loob. Halatang nag-aaral ang nakatira kase nagkalat ang mga libro at kung ano ano pang papel ang nakadikit sa pader."Mahal, ano gusto mong inumin?" Tanong niya sakin habang nagbukas ng miniref.
"Tubig lang mahal, asan yung kasama mo dito?" Sabi ko.
"Ah, linggo ngayon kaya may lakad din baka bukas pa umuwi yun. Pasensya ka na pala mahal kung ikaw pa pinapunta ko dito. PSobrang pressured na kase ako kaya tutok na tutok talaga ako sa pagrereview alam mo naman pangilang take ko na din kase to. " Sagot niya sakin habang kumukuha pa din ng inumin. Iniabot sakin ang mineral waterat tumabi ng upo.
"Ok lang mahal, buti nga umuwi si Nika samin ta's si Yuki sumama din pagluwas kaya walang naging problema sa pagpayag nila Itay na makaluwas din ako. Gusto din kita syempreng makita at isuporta alam kong kayang kaya mo yang ipasa na ngayon. " Hinawakan ko ang mukha niya at humalik. Saming dalawa akong talaga ang sobrang clingy, siguro sa kakabasa ko ng mga romance pocketbook kaya pag may karelasyon ako gusto ko katulad ng character sa libro alam niyo naman gusto ko maging princesa diba?Gumanti naman siya sa paghalik sakin. Halos walang katapusang halikan na ginagawa namin, nagkakarinigan na kame ng tibok ng puso. Unti unti na niyang inaalis ang mga saplot na namamagitan samin. Nang bigla kong nakita sa mukha ni Angelo yung mukha ng lalaking may dalang baby sa labas ng simbahan, bigla akong nahimasmasan at tinulak bahagya si Angelo. Dalawang saplot na lang pala ang natitira sakin.
"Teka lang". Mabilis kong sabi at dinampot ko ang bag ko, kinuha ko ang condom na binili ko nung nakaraan at iniabot ko sa kanya.
" Ready ka mahal ah. " Sabi ni Angelo na nakangisi. Ngisi lang din ang itinugon ko sa kanya hindi naman eto ang una na ginawa naman ang gantong bagay. Oo binigay ko sa na kanya ng buong buo ang pagkatao ko dahil siya na ang lalaking nakikita kong kasama ko sa hinaharap. Nagsimula na kaming gawin ang ipinagbabawal na ritual ng pag-ibig.
BINABASA MO ANG
near me
RomanceThis story inspired by a love story of Joana and henry😍 The story of two people unexpected love comes. The RAP Star and the Barbie princess started unexpected outcome of love and friendship😘 Subaybayan po natin ang kwento ng dalawang pinagbuklod...