Joana;
Naghahanda ako para pumasok na sa eskwela. Dadaanan ko si Nika sa kanila. Sa wakas 2nd year college na din kame. Magkaiba kame ng course na kinuha ako kumuha ng Bachelor of Science in Accountancy (BSA) gusto ko kase magtrabaho sa bangko someday gusto ko din humawak ng maraming pera hahaha kahit hindi sakin.si Nika naman Bachelor of Science in Business Administration Major in Marketing Management (BSBA major in MM) yun kase gusto ni Tito na kunin niya ayaw na pagpilitan ni Nika yung gusto niya tutal hindi naman daw niya alam kung anong course daw talaga ang gusto niyang kunin kaya yun sumunod na lang siya kay tito. Ang sabi pa niya sakin hindi naman daw niya gagamitin yang pinag-aralan niya balang araw. Tapos na pala siyang magdebut nung nakaraang buwan lang nasa tamang edad na siya yung talagang hinihintay niya ewan ko ba dun ki Nika walang makahula samin kung ano ba talaga ang trip niya sa buhay, pero infairness naman tuloy tuloy naman ang pagpasok niya mas active nga siya sa mga extracurricular activities sa school kaysa sakin eh yun nga lang madalas siyang magreklamo sa mga subjects niya ganun siguro talaga pag di mo naman ginusto yung course mo, yun yung sinasabi ni Itay kay Inay na hayaan kameng namili ng kursong gusto namin para di kame mawalan ng ganang mag-aral. Ako focus ako sa ACAD sabi ko nga di naman ako katalinuhan talaga pero tong gusto kong kurso pang matalino puro ba naman computation inaaral namin dito isang beses nga sa sobrang pag aaral ko ayun nag nosebleed ang ante niyo di kinaya ng braincells ko hahaha katwiran ko pagnatapos naman ako puro pagbibilang na lang ng pera gagawin ko kaya hayaan mo na muna ngayon na mahirapan. Lumabas na ako ng kwarto umupo ako sa lamesa para sumubo ng almusal. Ang inay at Itay nasa hapag din pati si kuya Boyet. Wala si kuya Rey busy talaga yun lagi halos di ko na nga yon makita dito sa bahay eh parang dalawa na lang kame ni Kuya Boyet ang anak ni ina'y at Itay.
"Wow naman bagay na bagay talaga sayo anak yang uniform mo sayo. Dalagang dalaga ka na dalawang buwan na lang mula ngayon birthday mo na anak excited na akong isayaw ka." Masayang puri sakin ni Itay.
"Naku, anak ang Itay mo sobrang excited talaga biruin mo pinangumbida na niya lahat dito satin. Ilang baboy ang mababawas sa mga alaga natin para sa kaarawan mo." Nakangising sumbong ni ina'y.
"Syempre di natin pwedeng tipirin ang prinsesa natin, hindi ba? Matagal na nating pinaghandaan ang 18th birthday niya kahit ubusin natin lahat ng baboy na alaga natin walang problema. " May pagkindat pang turan ni Itay.
"Na'y tay, kahit walang handa ayos lang po sakin tsaka ang dami na naming gastos na magkakapatid lalo na ngayon si kuya Rey nasa review center. Kaming dalawa ni Kuya boyet pa tuition namin,pati sa araw araw na gastusin. " Saad ko.
"Ano ka ba naman minsan ka lang naman handaan ni inay at Itay dahil ayaw mo. Pumayag ka na ngayon dahil debut mo naman, ikaw na nga iniisip ikaw pa pabebe jan. " Anang kuya Boyet na nakataas ang kilay.
"Eh kuya kung gusto mo ikaw na lang handaan dahil ang iniisip ko lang naman unti unti nang naibenta yung mga palayan natin kakarampot na lang natitira. Ano na lang matitira kila Itay sa naiwan sa kanila ng lolo at lola?. Wala na naubos na para satin? " Nasobrahan ata ako sa pagsasalita at nasabi ko ang bagay na dapat hindi ko sabihin pero huli na di ko na mababawi. Yumuko ako dahil nakukunsensya ako sa mga lumabas sa bibig ko alam kong sa sinabi ko masasaktan ang mga magulang ko.
"Mga anak, tama na yan pagsisimulan ba ng pagtatalo ang kwentuhan natin na to? Tsaka wag nyo problemahin ang dapat kami ang namomroblema ang samin lang eh makapagtapos kayo. Balang araw kaayusan lang naman ng buhay niyo ang hanggad namin ng inyong Ina'y. " Sita samin ng Itay.
Tumayo na ako sa upuan. At nagpaalam dala ng kapahiyaan sa mga namutawi sa bibig ko kanina.
"Papasok na po ako. " Lumapit ako kay Itay at ina'y para humalik sa kanilang pisngi.

BINABASA MO ANG
near me
RomansaThis story inspired by a love story of Joana and henry😍 The story of two people unexpected love comes. The RAP Star and the Barbie princess started unexpected outcome of love and friendship😘 Subaybayan po natin ang kwento ng dalawang pinagbuklod...