Joana;
Tapos na din pasukan!! Yes, bakasyon na excited ako highschool na And take note schoolmate na kame ni Nika! Sa susunod na pasukan. But for now enjoy muna kame sa bakasyon.
Papunta ako sa basketball court pinapasundo sakin sila kuya ni Inay, ano ba naman kase yan hindi marunong magsi-uwi ng bahay pati tuloy ako nadadamay. Nadaanan ko si Nika umiinom ng softdrinks sa tindahan kasama si Yuki.
"Uyyy Joana! San ka pupunta? Gusto mo softdrinks?libre ko" Sabi ni Nika
"Ate ba't si ate Joana lagi mong libre pag ako hindi? " Si Yuki na nakanguso.
"May pera ka bumili ka hahaha" Pang-aasar ni Nika.
"Hindi na sige lang di ako nauuhaw, pupunta ako basketball court inutusan kase ako ni Inay na pauwiin sila kuya eh kanina pa kase silang umaga dun tapos na tanghalian mauunahan pa sila ni Itay makauwi sa bahay eh." Sabi ko.
"Sama kame". -Nika
" Eh, ate ang init" Reklamo ni Yuki.
"Edi maiwan ka jan, kame na lang". Sabay tulak sa ulo ni Yuki.
" Si ate talaga! Sige na nga sasama na ako".-Yuki
"Sasama din pala eh. " Sabay tawa.
Si Nika at Yuki tlga laging ganyan pag magkasama nasasanay na ako sa kanila si Nika ang laging nasusunod kahit puro kontra si Yuki. Masaya tlga akong kasama sila.
Sa basketball court:
"Kuya, sabi ni Inay baka gusto nyo daw umuwi na ipapadala na daw niya mga damit niyo dito". Sabi ko sa kanila habang palapit kami.
Ang daming naglalarong mga lalaki na puro kabataang tulad namin sabagay bakasyon ngayon kaya hindi na nakakapagtaka yung iba nagbakasyon dito sa probinsya Balita ko nga sabi ni Itay kaninang umaga habang nag-aalmusal kame may paparating daw silang paliga sa Brgy. Namin ilang araw mula ngayon kaya todo ensayo na sila kuya sa paglalaro ng basketball."Joana, ang ingay mo nakakahiya yang bibig mo ah. " Sabi ni Kuya Boyet.
"Hi Nika, kunin ka naming muse ng team namin ah". Sabi ni Kuya Rey.
" Ok sige".-Nika
"Yon oh,! "- Kuya Boyet.
" Ako ayaw nyo!?." Pabulong ni Yuki na ako at si Nika lang nakarinig kase samin lang sya malapit bigla nanaman kameng natawa ni Nika.
"Naku kuya bilisan nyo na ang aasim nyo! Mauuna na ang Itay satin sa bahay eh" Biglang sabi ko.
"Oh mga pre bukas naman tayo ah maaga para mauna tayo dito sa court".Pagpapaalam na sabi ni Kuya Rey, siya kase ang captain ng team nila.
" Tara na. " Yaya ko kay Nika at Yuki.
Sa bahay nila Nika:
"Ate himala ang bilis ng sagot mo kay kuya Rey na maging muse nila ah bakit!? " -Yuki
"Gusto ko lang. " -Nika
"Ate ah, may nakita akong tinitingnan ka kanina. Hahahaha" Biglang tawa si Yuki.
"Anong tinitingnan?" Maangmaangang Nika.
"Uyy si ate may crush. " Yung Jepoy yun diba yung taga Maynila na nagbakasyon dito yung sa kabilang st. Yung malapit sa karinderya ni Aling Marta na pamangkin nya, kaya pala lagi kang napapalingon dun pag inuutusan tayo ni mama bumili ng ulam ah.. Sasabihin ko kay mama na may crush ka na". Pang-aasar ni Yuki.
"Hoy! Yuki subukan mo isisigaw ko sa court na bakla ka habang andun silang lahat! Matulog ka na! " Pagbabanta ni Nika.
Agad namang nanahimik si Yuki at tumalikod sa higaan. Pag ganun na kataas boses ng ate niya alam niya na kasunod bukol na.
BINABASA MO ANG
near me
DragosteThis story inspired by a love story of Joana and henry😍 The story of two people unexpected love comes. The RAP Star and the Barbie princess started unexpected outcome of love and friendship😘 Subaybayan po natin ang kwento ng dalawang pinagbuklod...