"I can do all this through him who gives me strength." - Philippians 4:13.
Tito Ron;
Andito na kame sa Nueva Ecija kahapon pa. May isang bahay kaming tinuluyan kakilala ni Direk Al. Ok naman ang sarap ng simoy ng hangin iba talaga sa probinsya. Fiesta hindi man kame taga dito pero may mga dumadating na iba't ibang klaseng pagkain. Para na din kameng naghanda ng pakain halos mapuno na yung lamesa namin sa mga pagkain. Naghahanda na kame para kunan ang kanilang sagala Ako bale ang photographer si Direk Al ang videographer. Kung di niyo pa naitatanong si Direk Al ay kaklase ko sa PUP noon. Sadyang nakapagtapos lang siya at ako hindi. Pero matagal na din kameng magkakilala kaya kung ano ang raket niya asahan mo dawit ako kung wala din akong raket. Isa ako sa bumuo ng Parañaque rebels na nagsimula ang lahat sa isang gang na pinangalanan naming TBS (true brown style) samahan ng mga gangster, rakista ng Parañaque naisip ko tutal hilig naman namin nuon magfreestyle mag balagtasan,bakit di na lang namin buohin as group pasalamat ako kay AL kase isa siya sa nagtiwala sa grupo minsan kahit di na siya kumita mairelease niya lang ang kanta masaya na siya, napakabait na tropa ni Al kung di dahil sa kanya nawalan na ng pangarap ang karamihan samin. Bitbit ko na ang kamera na pagmamay-ari ni Al at bitbit din niya ang gagamitin niya sa pagcover ng video. Kasama namin si Jayjay, Yayoi at Marcus. Manunuod daw sila ng mga chickababes sa sagala. Sabay sabay na kameng nakarating dito sa pagsisimulan gamit ang van na service namin muna Manila. Sayang nga kung di lang busy si Henry sa pagiging student athlete niya kasama din sana namin siya ngayon.pero di bale mas importante naman talaga yun sa kanya sobrang proud di naman ako sa batang yun grabe ang pagpupursige sa buhay. Sinimulan na namin ang trabaho nakuha ng isang dalaga ang atensyon ko grabe napakaganda niya dyosa, siya ang reyna Elena grabe ang mukha niya kaya di ko mapigilang kuhaan siya ng kuhaan ng litrato. Kahit sang anggulo lutang na lutang ang natatangi niyang ganda. May tinatago pa palang magandang nilalang dito sa Nueva Ecija. Napapatawang bulong ko sa isip ko. Tuloy tuloy lang ako sa pagkuha ng mga litrato, nakuha din atensyon ko ng isang dalaga din na kabaliktaran ng awra nung reyna Elena eto namang isa ang tapang ng mukha Peirce ba tawag dun. Pero taglay nya din ang unique na ganda para siyang model na walang emosyon. Wala akong sinayang na pagkakataon sa pagkuha ng mga magagandang anggulo ng mga sinasagala. Habang si Al ay ganun din sa kanyang ginagawa. Habol kame sa kanila.
Jay-jay;
"Ya'y, grabe naman dito sa Nueva Ecija nuh? Ang daming magaganda pala dito. " Sabi ko kay Yayoi habang palinga linga sa mga nagsasagala.
"Abay oo. Tingnan mo yung reyna Elena nila ang amo ng mukha diba? Ganyan ang totoong ganda sa Manila kase halong makeup na lang ang nagpapaganda sa mga babae dun. Pag nawala ang makeup jusko mga mukha ng halimaw". Ani Yayoi.
" Sinabi mo pa isang beses nga sa iskinita akala ko babae kasi napakaganda nakupo eh nung hinimas ko may itlog din". Kwentong biro ni Marcus na nakapagpabunghalit nang tawa sa tatlo.
Naku kung andito lang si Henry tuwang tuwa din yun parang ngayon ko lang di nakasama yung pinsan ko na yun sa pagpunta sa probinsya. Kadalasan kasama ko siya kaya nakakalungkot din na di namin siya kasama ngayon. Di bale sana sa susunod makasama na siya samin. Dadalhan na lang namin siya ni Tito Ron ng pasalubong. Yayain ko na lang sila yay bago bumalik na mamili kame sa palengke. Grabe naman gaganda naman nang kasali sa sagala lalo na yung reyna justicia at Reyna Elena pag napatingin ka sa kanila halos di mo na bitawan ng tingin. Grabe ka Nueva Ecija. Tuloy tuloy lang ang pagmamasid naming tatlo Nila Yayoi at kuya Marcus. Malayo din pala ang lalakarin halos pagabi na din di pa natatapos. Hanggang bukas ata tong sagala na to ah.
Nika;
Jusko ang layo nangangalay na mga binti ko may paghills pa kase si mama eh. Huminto ako sa paglalakad tinanggal ko na sapin ko sa paa hindi ko na talaga kayang naglakad na suot pa eto. Hindi naman nila mapansin na tinanggal ko to at maglakad akong nakayapak nuh? Mahaba naman tong suot kong gown. Tinanggal ko na nga yung sandals ko at isinabit ko sa gilid ng arko natatabunan ng dekorasyong bulaklak. Hay salamat laking ginhawa. Nawala sa isip ko may escort pala ako c Angelo naku alam ko na gusto siyang escort ni Joana kaya lang kung ibubuyo ko naman to kay Joana mahahalata neto na may gusto sa kanya si Joana ayaw ko naman pangunahan ang bff ko. Tsaka di naman magseselos yun si Joana kase di ko naman to type at may Jepoy pa din ako. Haist nakakasad lang talaga pag naiisip ko na hindi siya nakauwi ngayon siya sana ang kasama ko naiimagine ko pa nakakapit ako sa braso niya. Hay naku Nika tama na nga ang magiimbento, erase erase.
Nakarating din kame sa plaza kung saan dun ang katapusan ng Santa Cruzan. Sa daminnaming nagsagawa isa isang nagpakilala mula sa pinakabata hanggang sa Reyna Elena. Buti naman may mga upuan nang nakahanda para samin jusko di ko na kakayanin kung magtatagal pa akong nakatayo. Umupo na kame tumabi ako kila Joana at Yuki wala akong pakialam kung nawala basta gusto ko sa kanila tumabi, sumunod sakin si Angelo umupo din sa tabi ko infairness naman sa kanya gentle man ah ganyang mga tipo ni Joana eh yung tipong aalagan kita, iingatan kita at pakamamahalin ewwwww hahahaha fairytale.
BINABASA MO ANG
near me
RomanceThis story inspired by a love story of Joana and henry😍 The story of two people unexpected love comes. The RAP Star and the Barbie princess started unexpected outcome of love and friendship😘 Subaybayan po natin ang kwento ng dalawang pinagbuklod...