Part12

33 3 0
                                    

Tito Ron;

Nasa likod na kame nagkukulitan, magsisimula na ang pacontest sa totoo lang maayos tong probinsya na to disiplinado mga tao walang magulo di tulad sa Manila halos karamihan mga walang respeto. Ibang iba talaga ang mga tao sa probinsya at tao sa Manila aminado naman ako sa tagal ko ba naman nakatira sa eskwater ng Kamaynilaan alam ko na iba't ibang amoy ng mga tao dun. Kasa salamat kay Al kahit papano nakakapunta sa kung saan saang probinsya tulad ngayon nakakalanghap ng sariwang hangin kahit ilang araw nakakapagpahinga sa magulong mundo. Asan na nga ba si Al kanina pa wala linapag lang yung mga gamit dito sa gilid biglang nawala. Lumapit ako sa iniwan niyang bag sa gilid hinanap ko yung MP3 na madalas kong gamitin para pakinggan yung kanta namin. Pagkakuha ko tumayo ako para hanapin siya nakita ko siya sa may bandang CR, pamilyar yung kausap niya pilit kong inaalala sa utak ko San ko nga ba nakita? Di bale tanungin ko na lang si Al pinanuod ko lang silang nag-uusap mula sa pwesto ko sa may tent ng backstage. Tanaw ko lang sila pero di ko marinig pinag-uusapan nila mukhang wala namang kakaiba sa usapan ng dalawa sa lakas ng tunog na nanggagaling sa stage imposible ko talagang marinig ang usapan nila. Tumalikod na ako at bumalik sa upuan ko. Naghaharutan pa din sila Jayjay, Yayoi at Marcus.

"Kung nanunuod na lang kayo ng mga sumasali para magkaron kayo ng idea? " Singit kong sabi sa paghaharutan nila.
Natigilan yung tatlo nagtinginan.

"Sabagay, tsaka baka makita ko na dito yung mapapangasawa ko tara dun tayo sa tapat ng stage. " Pabirong sabi ni Maco

"Yan tama yan, para malaman mong hindi lang sa pag-ihi ginagamit yan. Hahahaha" Biro ko sa kanya.

"Siraulo ka pare alam ko nama kung pano to gamitin sa ibang bagay bukod sa pag-ihi lang. Hahahaha. " May pagkaldag pang aksyon ni Maco. Nagtawanan na kame.

"Lumayas na nga kayo sa harapan ko hahahaha" Pagtataboy ko sa kanila. Sabay sabay nang umalis ang tatlo.

Ka-edad ko si Maco buddy ko kababata ko si Yayoi naman naging tropa ko ng binuo ko ang Parañaque rebels siya lang ang nag-iisang babae na naisali ko sa grupo. Ay mali hindi pala babae magagalit yun hahahaa half lang pala half boy half girl, walanghiya. Bakit hindi buong Parañaque rebels kasama sa raket namin? Naku sa dami namin di kayang kasama lahat. Tsaka kahit na may Parañaque rebels na grupo iba pa rin ang turing ko kay Yayoi at Maco sa lahat sila talaga yung masasabing mapagkakatiwalaan ko sa mga bagay bagay. Tulad niyan naibibilin ko sila Jayjay at Henry pag wala ako sila ang nagaasikaso. Hindi lang yun sila kase yung tropang meron o wala nanjan sa tabi mo.
Naramdaman ko may umupo sa tabi ko. Si Al.

"Penge yosi. " -Direk Al
Kinuha ko sa bulsa ko ang kaha ng sigarilyo at inabot sa kanya.

"P're sino yung kausap mo na chicks dun sa may CR? Bata pa yun ah. " Biro ko sa kanya.

"Siraulo hahahha si Nika yung isa sa babae na pinakita mo sakin kanina tumatanda ka na nga mahina na memorya mo buddy. " Sagot niya sabay siko sakin habang tumatawa.

"Talaga siya pala yun kaya pala sabi ko parang pamilyar. Oh ano naman napag-usapan niyo.? " Tanong ko sa kanya.

"Ano pa nga ba edi yung suggestion mo sakin na magbigay ng calling card. Tama nga ako bata pa hahaha kaso tao dun pare".-Direk Al

" Gago anong tayo ikaw lang, child abuse. " Hahaha birong banat ko.

"Loko-loko ka ba? Anong child abuse? Baka child labor, di ako tirador ng bata hahaha. Pero ang galang niya p're nakatapak kase ako ng ebak kanina papunta dito langya walang tubig yung CR na pang lalaki sakto naman na may tao sa CR na pangbabae kay yun dala ko yung tabo nanghingi ako ng tubig sa kanya ayun nakilala ko siya yung sa sagala. Ayos din buddy tipak niya sa nota." Kwento niya sakin.

"Ayusin mo buddy tinipak niya nota mo? Ang bilis ah. Hahahaha" Pabiro ko nanaman banat sa kanya.

"Unggoy! Ibig kong sabihin magaling din kumanta narinig ko kase. May talento yung bata na yun. " Ani Al.

near meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon