Part33

85 3 1
                                    

Joana;

Wow napaaga ata talaga ko ah. Andito na ako ngayon sa Tambo, Parañaque malapit lang to dun sa resort na pinagganapan nung birthday ni Direk Al. IGoogle ko na lang madali na lang to ilang kanto na lang pala eh. Mabilis ko nang tinunton kung saan yung address na ibinigay sakin ni Henry. Patay di ko pala siya naitext man lang na papunta na ako masyado ako nabusy sa pagdadrive ni hindi man lang sumagi sa isip ko. Hininto ko na ang sasakyan sa harapan ng lumang bahay Wow parang bahay ng mga Kastila eto na kaya yun? Ang cool naman ng bahay na to. Sinisilip ko mula sa bintana ng sasakyan. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bag at ti-next ko na si Henry na nandito na ako sa tapat ng bahay nila. Magaantay lang ako ng reply bago lumabas baka isipin nun sobrang excited ko naman masyado. Ba't ang tagal magreply lagpas 10 minutes na ay naiinip na ako. Pag 15minutes tas wala pa ding reply lalabas na ako ng sasakyan pupunta na ako sa bahay nila. May nakita akong matandang babae na nagwawalis sa tapat nanay kaya niya? Di ko na napigilan lumabas na ako ng sasakyan. Lumapit ako sa matanda.

"Magandang umaga po dito po ba nakatira si Henry?" Magalang kong tanong.

"Ay, kakilala mo ba ang apo ko? Oo dito nga siya nakatira." Nakangiting turan ni Lola na hininto ang pagwawalis. Kamukha nga ni Henry di maitatanggi na di sila magkaano ano.

"Yally, tawagin mo nga ang dada mo dun sa bodega at sabihin mo may naghahanap sa kanya. " Tawag ni Lola kay Yally na naglalaro sa loob.

"Ok po." Maliksing tumakbo ang bata papasok.

"Naku, sayo ba yung sasakyan na yun iha?" Usisa ni Lola sakin nakita niya kase na nilalaro ko ang susi ng sasakyan ko.

"Ah, opo Lola." sagot ko sa kanya.

"Abay, sa panahon ngayon ano lahat na kayang gawin ng babae. Naalala ko nuon ganyang edad mo ko nung jan kame nakatira sa may Intramuros may mga paupahan kameng mga kabayo noon pag-aari ng tiyahin ko abay sinubukan kong sumakay para matuto at kung saka-sakali eh mapagkakitaan ko sa mga parokyano na namamasyal sa Luneta. Edi nakita ako ng aking tiyahin ano pinagpapalo ako ng yantok at hindi daw ako pupwedeng mangabayo gawa ng ako daw ay babae. " Nakatawang kwento ni Lola. Di ko na din napigilang matawa sa kwento niya kagiliw-giliw na matanda. Kung ganto lang din naman na matanda ang makakausap ko araw araw abay laging good vibes siguro.

"Joana, napaaga pagpunta mo. Sana naitext mo man lang ako na papunta ka na dito. Di pa kame nakagayak ni Yally. " Napapakamot na sabi ni Henry na nasa likod na pala namin siya ni Lola. Ganyan pala itsura niya pag nasa bahay, naka-jersey short at sandong puti lang. Wow full sleeve na pala yung tattoo niya sa kanang braso. Sabi na sobrang bagay sa kanya grabe lakas ng dating kahit na pawis na pawis siya pakiramdam ko yung pawis na lumalabas sa balat niya purong mineral water eh walang bahid ng alat.

"Iha andito na pala si Henry halika at pumasok na muna tayo." Bigla akong napakurap naku loading nanaman ako. Sumunod ako kay Lola sa loob nang nasa harapan na ako ni Henry.

"Pasensya ka na nabusy kase ako sa pagdadrive nawala sa isip ko na di pa pala ako sayo nakakapagtext. Ayun naalala ko nung nandito na ako kaya nung nandito na ako saka pa lang ako nakapagtext sayo mga 20mns ago." Nakangiti kong sabi. Pacute pa Joana sabi ko sayo eh bawasan mo pagiging lutang no nakakahiya kay Henry.

"Pano yan magaantay ka pa tuloy samin ni Yally, hindi pa kame nakakaligo eh." Kumakamot sa ulo na sabi nito. Napapansin ko Malnarism na ni Henry ang ganung approach ang pagkamot sa ulo or sa batok.

"Ok lang willing to wait. " Sabi ko.

"Naku iha, halika dun sa kusina at kumain ka muna habang nag-aantay jan sa mag-ama. Kumakain ka ba ng nilagang pata?" Tanong ni Lola sakin.

"Naku Lola nakakahiya naman po." Sabi ko.

"Naku nagtatampo pa naman yan si Lola pag tinatanggihan sa pagkain. Yally halika na dito at papaliguan na kita." Kumindat pa si Henry sakin na parang sinasabing wala kang choice kundi kumain.

near meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon