Henry;
"Jay, wala kang pasok?" Tanong ko kay Jayjay. Nandito ako sa tindahan habang kumakain ng biscuit at umiinom ng coke.
"Wala eh gusto ko muna magpahinga ngayong taon. Ate isang softdrinks din ta's Fita." Kibit balikat niyang sabi sakin.
"Nasabi mo na ba yan kay Tito Ron? " Sabi ko.
"Oo San nasabi ko na, para kasing wala akong natututunan sa eskwela eh kaya sabi ko kay Tito papahinga muna ako. Salamat te. " Sumipsip ng softdrinks si Jayjay at may pagdighay pa.
"Eh ano sabi niya? Hindi ka napagalitan? Pano kase kaya wala kang maintindihan kung ano ano nanaman inaatupag mo puro ka nanaman komputeran. O eh ano balak mong gawin?" Pero tingin ko din kung distracted siya sa ibang bagay at di makapagfocus sa pagkaklase tama nga ata siya kailangan niya magpahinga muna.
"Edi eextra muna kila Direk Al. Madaming pending yun ngyaon.Si Tito nga halos di na makauwi dahil madaming inaasikaso. Daming nakatenggang recording ng bagong kanta ta's yung MV pa ng dating narecord na at yung mga irerecord pa, naghahapit ngayon sila kase gawa ng may YouTube channel na yung ALL STAR PRO" dun na linalabas mga bago. Napanuod mo ba yung sa DUYAN natin? Sigurado hindi pa. Baka magulat ka kung ilang views na yun sa Youtube insan.Itutuloy ko naman pag-aaral ko pahinga lang talaga ako ngayon" Mahabang paliwanag ni Jayjay.
"Hah? Anong meron sa views ng sa youtube?." Nagtatakang tanong ko. Alam ko naman yung youtube isang site yun ng mga uploades videos at kung ano ano pa pero di ako pamilyar masyado kase di naman ako naggaganun magbukas man ako ng computer puro lang ako research kase yun lang kailangan ko. Tsaka di ko alam uploaded na kanta namin dun aba ang tagal ko na yatang di in sa latest Balita ah.
"Oh tara sa comshop at ipapakita ko sayo. " Yaya ni Jayjay sakin.
Pagdating namin sa computer shop. Agad ipinasuot sakin ni Jayjay tong amoy pawis ba headphone."Ayan oh 15 million views yan men! " Nanlaki mata ko sa nakita ko hindi nga? Ganto kadami ang nanuod ng MV namin ng duyan?
"Aba ayos ah! Ang daming nagviews kaya lang ano naman ngayon? di naman tayo napapalabas sa TV. Wala ding silbi yan. " Sabi ko na binaba na yung headphone.
"Uyyy wag ka mas madami na ang nanunuod ngayon sa internet kaysa sa TV kaya nga target ni Direk Al na sa youtube na eh may followers at subcribers ka lang auto promote na di na kailangan ipalabas sa TV. Eto pa tingin mo yang 15M na views wala lang? Jan ka nagkakamali insan pera na yan. At mas maraming views likes mas maraming pera. " Pagsasalita ni Jayjay na akala mo nasa rap battle. Aba ayos ah may ganun na pala. Di kase talaga ako nagbababad sa computer kung panunuod at laro lang ang gagawin ko di tulad neto ni Jayjay na laging updated pagdating sa gantong bagay.
"Talaga? Ayos ah. Baka naman pag nagkaraket ka kay Direk sabay mo din ako tutal di na mahigpit schedule ko ngayon diba alam mo naman yung nangyari." Pakikiusap ko kay Jayjay.
"Sus ikaw pa ba matagal ka nang inaantay nun na rumaket ka na ikaw lang eh inaantay ka lang. Di bale sabihin ko pa din oh tara na at ubos na oras natin dun sa hinulog kong barya. Uwi na tayo. "-Jayjay
Paglabas namin ng computer shop hindi ko napansin na may sumusunod pala samin medyo kasing laki lang ni Jayjay pero mas malaki ang kaha parang mga kargador sa pier,kung ang katawan ko medyo may katigasan na ang mga muscles mas matigas pa din sa dalawang to. Pinauna na namin sila ni Jayjay kase masyado silang nagmamadali maglakad eh eskinita to di makakadaan ang nasa likod mo kung di ka magbibigay ng daan. Maya maya pagkalagpas namin ng kunti sa may kanto bahagya bigla na lang napadapa si Jayjay gawa ng nagulat ako akala ko nadulas lang ng akma ko na siyang itatayo biglang may tumama sa mukha mo at sunod sunod na na suntok ang inabot ko pati tadyak. Hayup! Napagtritripan kame ni Jayjay! Sa kakasipa tadyak nila sakin sakto naman na nakapulot ako ng kung anong matigas na bagay, bakal na galing sa makina ng motor kase halos nasa pwesto na kame ng talyer. Abay pilit ako tumayo at ipinukol sa kanila ang nahawakan kong bagay. Iniisip ko pag na disgrasiya ako pano na si Yally at ang lolo, lola kong umaasa sakin. Alam kong putok na mga labi ko duguan na ang mukha ko pero may lakas pa din ako ng loob lumaban. Nahawakan ko ang isa sa bandang leeg agad kong binalya ang ulo niya ng paulit ulit hanggang sa nawalan ng malay. Umamba naman sakin ang isa naunahan ko siya ng sipa sa sitmura sabay sapok ng matigas na bagay sa mukha ng kalaban. Para akong nasa pelikula action movie ta's ako ang bida. Oo dati nung bata pa ako di ako nagpapatalo sa away kalye kung sakitan lang talagang kaya kong magtiis. Pero ngayon na lang ulit nangyari sakin na may nakaaway ako dito imbes na indahin ko mga tama ko parang nagenjoy pa ako sa bugbugan na to. Nang natumba na ang dalawa paglingon ko sa lapag nakita ko si Jayjay na nakahandusay bigla akong kinabahan at linapitan siya.
BINABASA MO ANG
near me
RomanceThis story inspired by a love story of Joana and henry😍 The story of two people unexpected love comes. The RAP Star and the Barbie princess started unexpected outcome of love and friendship😘 Subaybayan po natin ang kwento ng dalawang pinagbuklod...