Part1

203 8 0
                                    

"Wait! Sisimulan ko tong kwento kong to bata pa ako ah, wag muna kayong atat sa lovelife ko hehehe kase nangangarap pa lang ako maging Disney Princess. "

Ako nga pala si Joana, dito ako sa nueva Ecija lumaki at nagkaisip kasama ang aking dalawang kapatid si Inay at Itay. Hindi kame mayaman pero hindi din naman kame mahirap dahil ang aking Itay na isang masipag at mapagmahal na ama isa syang kawani sa gobyerno brgy. Kagawad bukod dun isang masipag na magsasaka. Ang aking Inay naman ay isang may bahay siya ang nagaasikaso saming magkakapatid sa dalawang kuya ko at syempre sakin na bunso at paborito ni Itay.

"Tay sama ako sa plaza mamaya ah, gusto ko po ng cotton candy tapos maglalaro po ako sa parke" Saad ko habang kumakain kame ng tanghalian.

"Naku anak tamang tama binilhan kita ng magandang bestida yun ang ipapasuot ko sayo" Masayang sabi ng Inay.

"O siya sige at pagkatapos ko ng gawain sa bukid dadaanan kita dito sa bahay pinapapunta din ako ni Kapitan sa munisipyo ng mga alas kwatro ng hapon dapat nakagayak ka na ah". nakangiting sabi ni Itay.

" Yehey! Linapitan ko ang Itay sabay yakap.

Saktong pagdating ng dalawang kapatid ko galing sa eskwela.

"Kuya sasama ako ng Itay mamaya sa plaza". May tono ng pagkagalak sabi ko sa kanila.

"Maglalaro kame mamaya ng basketball tama lang na sumama ka kay Itay kase maiistorbo mo lang kame mamaya" Saad ni Kuya Rey ang panganay namin.

"Oo nga para makabwelo kame sa laro mamaya, lagi ka na lang samin nakabuntot eh" Dagdag ni Kuya Boyet habang binababa ang bag sa sofang kahoy.

"Kumain na kayong dalawa.Joana anak mamaya ah isuot mo yung magandang bestida bago mag alas kwatro dapat gayak ka na". Sabay himas sa aking ulo ni Itay. Lumapit siya sa Inay at nagpaalam na din dala ang kanyang Buhi na sumbrero at gulok.

"Opo Itay".-ako

Sa plaza laking tuwa ko dahil nakikita ko ang mga batang naglalaro, mga laruang paninda, mga lobo at kung ano ano pang nakakagalak sa paningin ng isang bata. Iniwan ako saglit ni Itay sa parke gawa ng para kausapin si kapitan.

" Jan ka lang muna anak ah. Wag kang lalayo babalikan kita dito ito oh, Inabot sakin ang bente "ibili mo ng sorbetes"nakangiti.

"Opo" Pinalitan ko ng nginti ang kanyang ngiti.

Tuwang tuwa ako na lumapit upang bumili ng sorbetes.

"Kuya pabili po ako. " Sabay abot ng bayad.

Habang kinakain ko ang aking sorbetes may nakita akong mga kabataan na nagpapatugtog ng musika, ang sarap sa tenga pakinggan. May magkasintahan na nagkukwentuhan habang nakaupo kita sa kanilang mga ngiti na nagmamahalan. Ito ang unang beses sumagi sa isip ko na sana paglaki ko magkaron ako ng kasintahan at dito sa parke makikipagkwentuhan. Napangiti ako sa kilig na likha ng aking kaisipan. Siya nga ba gusto ko katulad ng mga nasa kwentong Cinderella, Snowhite, little Mermaid,ako ang bida, ako ang prinsesa. Hindi ko namalayan natutunaw na pala ang sorbetes saking mga kamay kumalat na din sa aking damit. Hanggang sa may narinig akong tumawag sakin.

"Joana! Baho! Bakit nandito ka? Ang dungis mo yaks! Laki ulo parang malaking bukol!" Sigaw sakin ng kaklase kong si Lucy kasama si Francine at Thalia.

Natakot ako at gustong umiwas sa kanila gawa ng walang araw na hindi nila ako nilalait at pinagtatawanan pag nakikita nila ako. Bakit naman nandito din sila ngayon.
Umatras ako at pupunta sana kay Itay ng.

"Ops San ka pupunta buko-bukol?" Sabi ulit ni lucy. Biglang tulak sakin at tuluyan akong natumba. Wala akong nagawa kundi umiyak na lang nabitawan ko ang tunaw na sorbetes na mas lalong nakapagpaiyak saakin.

near meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon