Henry;
Ako nga pala si Henry laking Parañaque, laking eskwater. Dito sa magulong lugar na to kinasanayan na ng murang edad ko. Maaga pa lang mga nag-iinuman, nagchichismisan, nagsusugal, nagmumurahan. Madalas basag-ulo, rambol namulatan ko, diskarteng kalye, batang kalye. Kasama ko lola at lolo ko sa masukal, makipot maliit naming bahay punong puno ng basura galing sa kalakal. Wala akong mga magulang iniwan ako ni mama kila lola at lolo pagkapanganak niya sakin at hindi na nagpakita mula nun. Pilit akong binubuhay ni Lola at lolo sa pangangalakal, ginagapang sa hirap para makapag-aral. Sampung taon na ako ngayon nasa Grade5 na din sumasabay ako sa hamon ng buhay madalas mapaaway sa eskwela dahil salat sa hirap walang matinong uniporme, nakatsinelas at bag na butas na galing sa kalakal. Bakasyon ngayon maraming fiesta uso ang Rap battle,Rap music na uso ngayon sa mga kabataang tulad ko. Hindi naman sa pagmamayabang libangan namin ng pinsan kong si Jayjay ang pagrarap ang pagkanta sumasali kame sa mga contest. Pero syempre kasama namin si Tito Ron siya ang naghahanap ng mga RAP contest sa kada Brgy. Minsan nananalo madalas matalo minsan madaming nanunuod madalas wala,ok na din kase masaya naman kame sa libangan namin madalas halos double o triple ang edad ng nakakalaban namin pero oks lang yun dahil sa kanila marami kaming natututunang mga bagong Bars.
"Henry, Jayjay may rap battle sa makalawa sa kabilang Brgy. Pinalista ko na kayo yung pinapraktis natin ah." -tito Ron
"Hindi ko pa kabisado yung ibang rap to, pero si Henry kabisado na niya yung Chorus". -Jayjay
" Naku tito hindi kase nagpapraktis yan eh panay goma at teks inatupag nyan yinayaya ko nga siya sa taas para magpraktis puro yan mamaya". Sabi ko
"Eto naman sumbong agad, ano habang naglalaro ako nagrarap ako ganun? "- Jayjay
" Pwede naman yun ah, ako nga habang nangangalakal nagpapraktis ako kaya kabisado ko na talaga. " Saad ko ulit.
"Tama na yan basta kabisaduhin nyo na kase Balita ko may mga bisitang magagaling na rapper malay nyo nandun sila Salbakuta, gloc9 at Andrew E. Madiskubre tayo."- tito Ron
" Wow talaga to? May mga rapper dun? Makikita din natin si Andrew E hahahaha" Sabay namin sabi ni Jayjay at may pa appear pa nga.
"Syempre joke lang na si Andrew E. para ganahan lang kayong magpraktis hahahaha pero meron daw talagang bisita hindi ko lang kilala kung sino malaki ata pondo ng kabilang Brgy. para makapagbayad ng talent fee sa mga bigtime na rapper guest, jan na muna kayo ah ipapaedit ko pa yung minus one natin na beat sa CD. magpraktis kayo ah. " Ani tito Ron.
"Sige po to" Sabay naming sabi.
"Sayang kala ko pa naman Andrew E. na yun hahahaha humanap ka ng pangit. " Sabi ko biglang lamukos sa mukha ni Jayjay sabay tawa ng malakas.
"Ayos ka! Ikaw kamukha mo si Andrew E."-Jayjay hinawi ang kamay ko na nakaakbay sa kanya.
" Andrew E. yun magaling na rapper brod sikat gangster,maraming alahas at pera, sikat! hindi nga lang pogi hahahaha oks na yun! Basta mapera ".- Henry
" Sabagay, sana sumikat din tayo nuh insan? Isipin mo kakanta magrarap tayo sa harap ng napakaraming tao na nagsisigawan sinisigaw kinakanta yung sariling kanta natin ta's makikita tayo sa TV syempre pag nasa TV maraming pera! Diba!? "-Jayjay
" Yun na nga kaya sabi ko sayo magpraktis tayo ng magpraktis tsaka tandaan mo na kase yung mga Linya mo,ano mamaya umakyat tayo dun sa taas sa tambayan ng tropa dun tayo magpraktis may audience pa tayo dun. Pero bago yan maligo ka muna ang sangsang mo! Hahahahah" . Pang-aasar ko sa kanya.
"Wow, nagsalita ang mabango! Maligo ka din Uy! "- Jayjay
Bukod kila lola at lolo si Tito Ron at Jayjay ang masasabing bumubuo na ng pamilya ko idagdag pa natin yung mga tropa ni Tito Ron na naging mga kuya at ate na rin namin ni Jayjay. Sila yung double at triple ng edad namin pero mga kaibigan na namin di na kame itinuring na iba yun nga lang kame nga lang ang palaging nauutusan pag may inuman pero oks na yun dahil sa kanila nabigyan kame ni Jayjay ng pagkakataong mangarap. Eto kame ngayon patuloy na sumusubok at susubok ng susubok para sa pangarap namin sa buhay.

BINABASA MO ANG
near me
RomanceThis story inspired by a love story of Joana and henry😍 The story of two people unexpected love comes. The RAP Star and the Barbie princess started unexpected outcome of love and friendship😘 Subaybayan po natin ang kwento ng dalawang pinagbuklod...