Joana;
Aba halos ilang linggo na ata kaming hindi nagkikita ni Nika ah. Sobrang busy niya ata ngayon, kase nung nakaraan bago umalis si Lui papuntang Vietnam tinawagan ko siya at lalabas nga kame aba sabi ba naman busy siya dahil marami siyang trabaho? Di nga trabaho sa casino? Eh alam ko naman oras niya pagdating sa trabaho sa casino, wala naman siyang nabanggit sakin na extra niya sa TV. Ibig bang sabihin may iba pa siyang pinagkakaabalahan? O baka may jowa siya ngayon di lang niya sinasabi sakin? Hindi nga muna ako uuwi sa condo dadaan muna ako sa apartment niya.
Pagdating ko sa apartment niya agad ko namang pinark yung kotse ko sa gilid. Duda na talaga ako sa babaeng to. May nakapark na bagong sasakyan aba baka sasakyan to ng jowa niya ngayon, naku Nika mahuhuli talaga kita ngayon. Binuksan ko na ang bahay tutal may susi naman ako ng apartment kase dito ko dating nakatira. Derederetso akong umakyat sa taas kung San andun ang kwarto niya. Bigla kong binuksan ang pintuan ng kwarto nakita ko si Nika na nakangangang nakahiga sa kama. Aba wala ah baka nasa CR, pero bukas naman ang CR walang tao. Ginising ko na si Nika bahagya kong yunugyog na yung higaan niya.
"Pare, hoy! Gising maglakwatsa tayo." Panggigising ko kay Nika. Nagmulat naman to ng mata pero agad ding nagtalukbong ng kumot sa ulo.
"P're ano ba gusto ko pa matulog!" Sabi nito na sinipa pa ako.
"Ilang linggo na tayong di nagkikita nuh, San ka ba nagpupupunta at di na tayo nagkikita? Hindi na nga kita nakikita sa casino eh. Aminin mo nga sakin may jowa ka ngayon nuh?" Para akong nanay na tumatalak sa natutulog na anak.
"Ang ingay mo naman p're, hayaan mo muna ako magpahinga. Ang OA mo magover think. "-Nika
" Anong OA dun pare? Malamang magtatanong ako nun kase bestfriend mo ko. Kahit dati sa probinsya ako always ko namang alalahanin ganap mo sa buhay ngayon na andito lang ako hindi? " Aminado na ako OA na nga pinagsasabi ko hahaha nakakadiri ano parang may relasyon kame. Dahil sa narinig niyang sinabi ko bigla siyang napaupo sa pagkakahiga.
"Hoy Joana, yaks p're pinagsasabi mo? Grabe nakakadiri ka." Hinampas niya ako ng unan sa ulo na agad kong kinahagalpak ng tawa. Kailangan pala mga salitaan ko dito kay Nika yung mga ganun hahaha ayan nakakagising pala ng diwa yun sa kanya.
"So ano na? Tara labas tayo. Eto naman, namis na kita eh San ka ba kase nagpupunta at di ka nagpapakita sakin? " Paglalambing ko sa kanya.
"Ah namis mo ko? Asan ba yung jowa mo at ako ngayon kinukulit mo? Kagagaling ko lang ng Iloilo eh dun kase yung shoot ng MV ng music video ko. " Tumayo na si Nika sa kama at dinampot ang tuwalyang nakasabit sa likod ng pintuan.
"Nasa out of the country si Lui. Anong shoot? Anong MV? Aba pare Iloilo ang layo nun ah. " Gulat kong sabi sa kanya.
"Ahh kaya pala kinukulit mo ko dahil bored ka wala yung jowa mong intsik. Oo MV music video. " Sagot neto habang nakatingin sa salamin na may kung anong tinitingnan sa mukha.
"Anong music video? May raket ka? " Tanong ko ulit sana hindi siya makulitan pag ganto kaseng paulit ulit ako mabilis siyang magalit. Cross finger.
"Kasasabi ko lang p're. Hmmmp actually parang di na siya raket kase nakakontrata na ako sa kanila eh. Fulltime na ako sa production. Wait lang San ba tayo pupunta? Maliligo muna ako mamaya na natin ituloy ang usapan. " Sabi neto na naglakad na papasok sa CR. Aba may kumuha ata sa kanyang talent manager para mag artista ayos ah. Infairness kay Nika nakakabigla ang mga ganap neto sa buhay. Sige mamaya ko na siya kakausapin. Nahiga na muna ako sa higaan niya at nakaidlip.
"Hoy, akala ko ba gagala tayo bakit parang mas gusto mo na lang din matulog dito sa kwarto ko? " Tinapik ako ni Nika sa mukha.
Na agad ko namang kinagising.
BINABASA MO ANG
near me
RomanceThis story inspired by a love story of Joana and henry😍 The story of two people unexpected love comes. The RAP Star and the Barbie princess started unexpected outcome of love and friendship😘 Subaybayan po natin ang kwento ng dalawang pinagbuklod...