Part16

38 3 1
                                    

Henry;

Ilang araw din bago matapos yung shooting ng MV. Kahit hindi na kasali sa shoot si Jane madalas na siya tumatambay at may dalang pagkain samin. Ok naman si Jane mabait naman at maasikaso di ko nga lang malaman parang ang siste eh ako ata nililigawan neto. Di naman na lingid kila direk at Tito Ron na may gusto siya sakin kaya hinahayaan na lang siguro kame. Gusto ko din naman yung ginagawa niyang pag-aasikaso sakin yun nga lang hindi naman ako marunong manligaw kaya siya talaga ang magiinsist. Napapailing na lang ako. Kumbaga getting to know each other na kame ilang araw lang ok na yan mas matanda naman siya sakin at alam niya na hindi pa ako nagkakaron ng girlfriend eversince fresh na fresh pa niya akong makukuha kumbaga.Lumipas ang mga araw at buwan nagkapalitan na rin kame ng cellphone number madalas na kame mag-update sa isa't isa. Alam niya na lahat sakin alam ko na din naman ang lahat sa kanya base sa mga kwento niya. Dahil napasok ako sa eskwela nagugulat na lang ako minsan pag-uwi ko nag-aantay na siya sa kwarto ko pinaakyat na ni Lolo at lola. Madalas siyang may dalang pagkain at kung ano ano pa sabi ko nga bakit siya bili ng bili eh dapat ako gumagastos sa kanya. Sabi niya hayaan ko na lang daw siya sa gusto niya edi bahala siya. Tutal ang ipangdedate ko sa kanya pinag-iipunan ko pa eh. May trabaho kase si Jane kaya kung ano ano na lang maisip na bilhin sa pera niya eh ganun daw ang love language niya sakin. Minsan nanliliit ako kase hindi ko siya kayang dalhin sa mamahaling kainan pero ako kung saan saan niya akong niyayaya. Sabi niya naiintindihan niya naman daw ako kase nga nag-aaral ako tsaka yung allowance ko kila lolo at lola ko yun linalaan magtabi man ako kasya lang sa pang-araw araw kong gastos sa pagpasok madalas sa sobrang pagtitipid ko para kahit papano may maitabi ako at mabilhan ko siya ng kahit isang bulalak lang pag date namin hindi na ako kumakain sa school sa bahay na lang talaga ang kain ko napansin nga nila coach na parang pumapayat daw ako siguro yun ang dahilan pero ok lang naman saking pumayat kase magaan sa paglalaro ko. Si Jane pala at yung pinsan niya lang ang magkasama sa bahay na inuupahan nilang dalawa tubong Negros si Jane andun lahat ng pamilya niya. May isang ugali si Jane na kinakatakutan ko sobrang selosa yung kahit sa school bigla na lang siyang sumusulpot pag nakita niya na may kausap akong babae asahan mo na bugbog talaga ako, nanjan yung kurot kagat sampal. Hay naku grabe ang tapang na babae kaya wala na akong kinakausap na kahit na sinong babae bukod sa kanya at kay lola para walang gulo.

"Love, pwede ba akong matulog dito ngayon? " Tanong ni Jane sakin.

"Eh love walang kasama yung pinsan mo dun sa appartment. " Sabi ko na naghubad ng t-shirt nagpalit ng sando.

"Yun nga love ang problema ko, ilang araw na di umuuwi sa apartment si Maxie, anak ng tokwa nagtanan na ata."sabi ni Jane na lumapit sa likod ko at banayad na pinisil na parang minamasahe.

" Di man lang nagtetext sayo? Grabe naman kung ilang araw na baka kung napano na yun. " Sabi kong may pag-aaalala kinuha ko notes ko at nagbasa ako kunting review malapit na magsimula ang finals kahit papano dapat may paghahanda ako.

"Hindi nga eh. " Biglang tumunog ang cellphone ni Jane hudyat na may tumatawag. Nagkatinginan kame at napatingin sa cellphone,si Maxie ang tumatawag. "Speaking of the devil" sabi namin at naghagikhikan. Sinagot naman na ni Jane ang tawag ng pinsan niya.

"Hello, neng speaking of the devil ka pinag-uusapan ka namin ni Henry, San ka ba nagsususuot? Uuwi ka ba?" Naririnig kong Salita ni Jane habang kausap si Maxie. Tuloy lang ako sa pagbabasa ng notes ko.
"Hindi ko naman kayang bahayan yun mag-isa Max, binigla mo naman ako sa desisyon mo na yan, nandito ako kila Henry balak ko dito matulog ngayon. Ano??? Hinakot mo na mga gamit mo dun kanina? Hindi mo man lang ako sinabihan ng maaga di sana umuwi muna ako sa appartment natin habang andun ka. Ano ba naman yan Max, ang labo mo naman eh. O sige na sakit ng ulo ko ngayon promise. " Pinatay na ni Jane yung tawag sa cellphone, batid ko na namomroblema siya dahil napabuntong hininga siya.

near meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon