Henry;
Tuloy tuloy ang training namin, halos di na ako magkamayaw sa pag-aaral at sa pagtetraining sa basketball. Dito na lang umiikot ang lahat sakin ok lang di ko napapansin lumilipas na ang panahon heto na pinakaaantay ko ang makapasok na sa PAMANTASAN. Ok na ang dami ko ng natutunan ang dami nang binago sakin ng buhay ko ngayon. Dito pa din kame nakatira sa dating bahay pero sa tulong ng nakuha kong allowance sa scholarship ko napapalitan ko na ang mga nabubulok na kahoy na tagpi tagpi sa bahay meron na din akong maliit na kwarto sa taas, masaya ako dahil kahit papano lumuwag ang buhay namin simula ng naging athlete scholar ako. Hindi na din nangangalakal ang lola at lolo dahil nabigyan sila ng kabuhayan ni Mayor maliit nga lang ang kita pero kahit papano hindi sila maiinitan sa labas hindi na sila magkakalkal ng basura at magtutulak ng kariton ng pagkalayo layo. Salamat sa programa ni Mayor nabigyan ng trabaho ang lolo at lola ko na hindi kailangan lumabas ng bahay. Eto nagkalat ang mga papel ng pandesal, eto ang trabaho nila ay magdikit lang neto, per bundle ang bayad sa kanila mag-iisang taon na din nilang ginagawa to. Ang nangyayari hinahatid dito sa bahay ang hindi pa nayayari pag nayari naman na ni lolo at lola pinapatext lang nila sakin yung tauhan ni Mayor para ipickup na. Pag pahinga ako sa training andito lang din ako sa bahay para tumulong sa kanila wala akong sinasayang na pagkakataon para makatulong kung maisisingit ko isisingit ko talaga kadalasan gigising ako ng mas maaga para makayari man lang ako ng ilang bundle ng paper bag bago pumunta sa training. Bakit paper bag? Ang pagkakaalam ko kase niyan distribusyon ni Mayor sa lahat ng bakery dito sa Parañaque ang mga paper bag na niyayari namin may batas kase na pinatupad na bawal gumamit ng mga plastic bags ang mga bakery. Nagpiprito ako ng itlog para sa almusal namin nakabili na rin pala ako ng maliit na super kalan wala ng usok galing sa de uling na ginagawa ni lolang lutuang kahoy noon, mga retaso ng mga nakalakal na kahoy isinasapaw sa uling para mas malakas ang apoy at tipid na sa uling pero nakupo ang usok naman,masama sa kanila dahil patanda na sila ng patanda pahina na ng pahina ang kanilang mga baga. Pero ngayon wala na medyo maayos na ang lahat eto at pagkatapos ko magluto lalabas ako para bumili ng pandesal sa kanto.
"Pabili nga po ng bente pesos na pandesal". Sabi ko sa tindera at inabot ang bayad.
Habang nag-aantay ako ng binili ko may simiko sakin, pero di naman kalakasan. Si Tito Ron pala." Uyy tito Ron, pandesal?" Sabi ko sa kanya na ang Ibig sabihin kung gusto niya ng pandesal.
"Tindero ka na rin dito ngayon? Grabe atab mukhang masyado mo naman ata akong kinakabog na niyan dati ako lang ang haring raketero dito ah ikaw na din ba ngayon? Hahahaha. " Pabirong sabi niya.
"Si Tito Ron naman bumibili lang ako dito ng pandesal napagkamalan pa nga hahaha. Isabay na kita ng pandesal saglit lang. Miss pabukod ako isang bente pang pandesal. " Tawag ko sa tindera at inabutan ulit ng bayad.
"Kamusta ka na? Halos di na tayo nagkikita ah, galing ako nung nakaraan sainyo naabutan ko dun yung dalawang matanda busy sa pagdidikit ng mga paperbag nakipagkwentuhan ako sa kanila habang nakidikit na din. Wala kang training ngayon?" -Tito Ron
Inabot ko na yung binili kong pandesal pati yung para kay tito Ron iniabot ko na din sa kanya.
"Ok naman tito Ron, oo nga po biruin mo napakaliit lang ng lugar natin halos di na po talaga tayo magkita kami nga din po ni Jayjay pag nagkikita tamang apiran na lang po eh, hehehe ngayon po? Wala po pahinga po muna dalawang araw din po binigay samin ni coach na pahinga para kundisyon kame sa laro ang aga kase ng school tournament ngayon. Netong buwan na din. " Sabi ko na kumakamot kamot sa batok.
"Ayun! Gusto mo sumama sa studio mamaya? May ipaparecord ako sainyo ni Jayjay. " Masayang aya sakin ni Tito Ron.
"Sige po Tito mga nong oras po ba? " Masaya ko ding tanong sa kanya. Sakto tong pahinga na binigay ni coach ah ayos.
BINABASA MO ANG
near me
RomanceThis story inspired by a love story of Joana and henry😍 The story of two people unexpected love comes. The RAP Star and the Barbie princess started unexpected outcome of love and friendship😘 Subaybayan po natin ang kwento ng dalawang pinagbuklod...