Part30

80 4 1
                                    

Henry;

Ang saya ng buhay ko simula ng lumipat kame dito parang gumaan na lahat para sakin. Si Yally lumalaki na, si lolo at lola sa awa ng Diyos malalakas pa at walang mga sakit. Ako heto tapos nang mag-aral at nagmamanage ng maliit na negosyong pinagkaloob sakin ng aming butihing Kapitan. May bahay na tinutuluyan na mas malaki kaysa sa dati naming bahay. Siya nga pala yung lumang bahay namin ginawa kong tambakan din ng mga papel. Dito sa bahay sila lola at lolo nagdidikit pa din sila sila ng mga papel mas masaya nga silang nagtatrabaho ngayon kase nagmumula na sakin ang pasahod sa yinayari nilang mga papel. Natuloy ko na din magbagsak ng mga paperbags sa mga 711 at alfamart dito sa Parañaque kaya yung lumang bahay nagamit ko nang stockan ng mga papel dahil hindi pwedeng maubusan. Biglang tumunog ang cellphone ko. Si Tito Ron tumatawag.

-hello tito Ron? Nandito po sa bahay. Ganun po ba? O sige po tapos naman na po mga gawain ko ngayong araw sang location po? Cavite private resort? Ah cge po cge po. Si Jayjay po isabay ko na lang po. - binaba ko na ang tawag. Ayos ah extra sa MV kailangan daw kame ni Direk, tutal tapos naman na lahat nasettle ko na ngayong araw pwede namang umekstra. Masaya ako pag kasama ang all star pro. Alam niyo naman isa to sa passion ko nuon pa kahit wala na masyadong recording makasali lang sa MV nila pakiramdam ko pasok pa din sa pangarap ko. Minsan nga kahit tagahawak lang kame ni Jayjay ng ilaw ni Direk masayang masaya na kame eh. Tapos pag tinatawagan ako ni Tito Ron na sumali sa malalapit na gig di ko pa din pinapalagpas lalo kung di nakakaabala sa negosyo go lang. Bukod din pala sa papel may bago akong negosyo distributor ako ng mga product lunch ng Parañaque Rebels at all star pro. Bale lahat ng linalabas nilang mga tshirts sombrero stickers. Bale buohan kong pinapaprint lahat ng yun si Tito Ron naman ang sa mga designs. Oh diba raketero kame. Pero kame kame lang nila Tito Ron ang nakakaalam sa raket na to mahirap na kase sa dami ng tropa iniiwasan namin ang inggitan pagdating sa kitaan. Kaya diskarte lang namin na kame kame lang ang nakakaalam. Minsan nga hindi pala minsan madalas sinasabi namin na si Direk Al ang nasa likod ng negosyo para wala silang masabi alam niyo naman pag si Direk Al ok lang eh mabilis nilang matatanggap yun si Direk kase ang ugat ng lahat diba kung bakit may all star pro at Parañaque rebels. Eh pag kame diba naisip niyo rin alam namin ni Tito Ron na masakit sa mata nila na umasenso din kame dun nga lang sa negosyong pinagkaloob sakin ni Kap madami na silang nasabi. Pero wala naman akong pakialam sa kanila ano man ang sabihin nila basta di yun naaapektuhan ang araw araw kong buhay at mga plano ko kahit anong ibato nilang Salita sakin ayos lang yan. Kinuha ko na ang motor kong nabili ko lang na second hand. Naisip ko kailangan ko kase neto para di na ako mahirapan sa transportasyon. Yung sa mga papel pala pag sa mga Bakery, 711 at alfamart pinapapickup ko na lang sa bahay. Pero yung mga rasyunan ko sa mga seniors at PWD para sa paperbags pinapahatid ko sa kolong kolong na iniwan na rin sakin ni Kap at yung driver niya dito ako na din nagpapasahod minsan pag wala at may importanteng gagawin ako na naghahatid. Maya-maya dumating na si Jayjay binigay ko na sa kanya yung helmet at gumayak na kame sa Cavite kung saan yung sinasabi ni Tito Ron na private resort.

Nika;

Kasama ko si Joana at Yuki ngayon dito sa Cavite private resort. Dito kase yung MV ko ng loka-loka. Eto si Joana sa sobrang bored niya pumayag na maging isa sa model. Si Yuki naman ano pa nga ba edi for blogging kung di ko lang nalaman na malaki kinikita niya never akong papayag sa video video niya. Lumapit ako kay Direk Al.

"Direk, pwede ba kumuha si Yuki ng kunti scene sa MV natin BTS. Isasabit niya lang sa blog po?. " Pagpapaalam ko kay Direk.

"Ok lang Queen basta wag lang lahat baka kase masobrahan sa exposure maging malamya na sa mata ng mga viewers yung MV natin. " -Direk Al ,kahit kaylan talaga never ako nadissapoint kay Direk. Grabe since day one grabe kung ano ko siya nakilala hanggang ngayon ganun pa din siya napakabait na tao.

"Thankyou Direk ayy last na, kasama ko pala si Joana Direk tinatanong niya if ever na pipirma siya ng contract sainyo? " Nakangiti ko ulit na tanong.

"Oo for Formality lang naman. Dun puntahan niyo si Ron nasa kanya contract, siya nagaasikaso. " Busy na si Direk magset-up ng mga gamit niya sa shoot. Kaya umalis na kame ni Yuki para pumunta kay kuya Ron ang tagal naman ni Joana magpark kanina pa yun sa labas.

near meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon