Henry;
Ang bilis ng panahon eto kame andito pa din sa kung saan kame. Oo sumikat kanta namin pero hindi na nasundan pagkatapos nun. Unti unti na din nilang nakakalimutan sa paglipas ng panahon kaya eto back to normal kame. Minsan paextra extra ng gig, tuloy pa din naman sa pag sali sa mga rap music competitions pero madalang na kase ang ganung event depende na lang kung mag-eeleksyon. Kaya eto tuloy ang buhay eskwelahan at pangangalakal kasama si Lola at lolo yung dati pa din pero may nadagdag akong kahiligan. Ang magbasketball pagkatapos kong tumulong sa pangangalakal deretso ako sa basketball court para maglaro dala ko ang lumang sapatos ko na binili ni Tito Ron sa perang napanalunan namin noon. Nakabili di ako ng sarili kong bola pero kupas na ayos lang basta di pa butas goods pa yan. Sa basketball kase parang nakakalimutan ko saglit ang kung anong katayuan meron kame. Si lolo at lola pahina na ng pahina halos pinipilit na lang nila bumangon sa araw araw kase yun na yung nakasanayan wala naman akong magawa kundi umayon na lang sa sitwasyon wala pa yung pangarap ko na makatulong sa kanila ng tuluyan yun bang wala na silang iintindihin kundi mga sarili na lang nila magpahinga magrelax.
"Henry may naghahanap sayo". Ani Jayjay hinihingal na tumatawag sakin.
" Asan? " Sabi ko.
"Andun sa bahay nyo kausap si Lola. Bilis na umuwi ka na muna. "-Jayjay
Nagpaalam ako sa mga kalaro ko ng basketball.
" Bukas na lang ulit mga p're".tumango naman sila.
Pagdating sa bahay, pagpasok ko sa loob ng masikip naming bahay namataan ko dalawang babae na nasa edad kwarenta nakangiting bungad nila sakin.
"Hello, ikaw ba si Henry?". Ginang1
" Oo siya nga ang apo ko si Henry, naku pawis na pawis pasensya na ho kayo at galing yan sa pagbabasketball. " Sagot ni Lola sa tanong.
"Bakit po? Ano po sadya niyo po sakin? " Nakamaang na tanong ko ulit.
"Ahh pinapunta kase kami dito ni kapitan Ceasar Rodriguez siya kase yung sa sports committee. Recommendation ka niya sa full scholarship ng PAMANTASAN NG LUNGSOD NG PARAÑAQUE para sa basketball schoolarship andito kame para abisuhan ka kung gusto mo kailangan mo lang pumunta dun sa makalawa para sa tryouts pag nakapasok ka hanggang college cover ng scholarship mo kailangan mo lang imaintain yung grade mo na wag bumaba din isa din kase yun sa kailangan."mahabang paliwanag ng isang ginang.
Grabe ang tuwa ko pero natutulala kase isang malaking oportunidad na sakin to para sa tuloy tuloy kung pag-aaral na walang iintindihing matrikula sila lolo at lola. Tears of Joy ika nga.
"Opo mam gustong gusto ko po. Maraming salamat po sainyo pati na din po kay Kap. Ceasar Rodriguez. Malaking tulong po sakin ang scholarship po lalong lalo na sa sitwasyo po namin ngayon." Walang humpay kong pasasalamat na napayakap pa ako kay lola.
"Oo kaya nga si Kap na mismo ang nagpapunta samin dito kase diba madalas kang aktibo sa mga paliga halos kilala ka na din niya nakasubaybay siya lalo na sa laro mo siguro nakitaan ka niya ng potensyal nagtanong tanong din ata siya sa iba para malaman ang background mo." Sabi ng pangalawang ginang.
"Naku sobrang salamat talaga sainyo na may mabubuting puso pagpalain pa po sana kayo ng panginoon. "-Lola
" Hindi na po kame magtatagal lola,Henry wag mo kalimutan sa makalawa pumunta dun eto pala recommendation letter ni Kap ibibigay mo lang to sa kanila kasama ang report card mo na xerox copy. "Ginang1
" Opo maraming salamat po ulit. "
Pag-alis ng mga bisita tumatalong hawak ko ang mga kamay ni lola sa sobrang saya.
"Lola wala na tayong problema pag nakapasok ako, makakapagtapos ako ng kolehiyo sa tulong ng scholarship na yun. " Tuwang sabi ko ulit.
Araw ng tryouts:
BINABASA MO ANG
near me
RomanceThis story inspired by a love story of Joana and henry😍 The story of two people unexpected love comes. The RAP Star and the Barbie princess started unexpected outcome of love and friendship😘 Subaybayan po natin ang kwento ng dalawang pinagbuklod...