If we have been united with [Christ] like this in his death, we will certainly also be united with him in his resurrection.
-Romans 6:5Joana;
Malapit nang matapos ang 3rd year, kunting kembot na lang. Si Nika madalas naman kaming naguusap sa call. Kung hindi siya ang tumatawag ako. Mas marami pa nga kaming usap ni Nika kaysa ni Angelo eh pati sa text message. Ang daming pangyayari ng mga nakaraan ang alam kong ikagugulat niyo. Una si kuya Rey ayun nakapasa naman sa board pero ang nangyari nabuntis si ate Sabel, opo totoo po kaya ngayon biglaan silang ikinasal sa huwes dahil hindi pwede na hindi niya pakasalan si ate Sabel dahil nagtuturo yun sa public school eh. Abay ako? Eto tuloy tuloy sa pagpasok kame na ni Yuki ang minsan nagkakasabay sa pagpasok college na din siya same school. Lovelife? Ok naman pero ang hirap pag malayo sa isa't isa syempre kahit ba lagi naman kayong nagpapalitan ng text or tawag iba pa rin yung laging nakikita nyo isa't isa at magkasama. Pero naiintindihan ko naman sitwasyon namin ngayon tsaka nakakapagfocus ako sa pag-aaral ng maayos sa gantong setup namin. Graduating na din pala si kuya Boyet kunting tiis na lang tay, nay kayo naman ang magrerelax na.
Nagriring ang cellphone ko nandito ko sa bukana ng campus nakaupo ako sa tambayan sa ilalim ng puno habang nagbabasa.-hello, Nika napatawag ka? Kamusta? Eto ayos naman, si Yuki may klase pa ata hindi pa nga nagtetext sakin kung sabay kaming makakauwi mamaya eh. Ok ka lang ba jan? Ahh ganun mainam yan,sige sige kita na lang tayo pag-uwi mo.. Labyu byebye-
Natapos na usapan namin makakauwi daw siya sa makalawa, dalawang araw lang bumabalik agad yun sa Manila para magtrabaho pero masaya na din n akala uwian niya sinusulit naman namin yung bonding.
Text message:
-ate Joana, sabay akong uuwi mamaya- Yuki
-k. Reply ko sa kanya.
Ipapasok ko na sana sa bag ang cellphone ko ng magring ulit eto. Si Angelo.-hello mahal. Napatawag ka? Magkita sa Manila? Sa makalawa? Magpapaalam ako kila Itay. O sige,- tumingin ako sa relo ko. Naku oras na pala ng susunod kong klase.
-sige na mahal itetext na lang kita mamaya, may klase na kase ako. Iloveyou- paalam ko na sa kanya agad kong dinampot mga nakakalat kong gamit sa lamesang bato at dali dali nang umalis.
Henry;
Nanganak na din si Jane andito ako ngayon sa ospital para ilabas na ang mag-ina ko. Ang bilis ng buwan parang kelan lang ng malaman kong buntis si Jane ngayon lumabas na si baby, babae pala ang anak nanin. Papangalanan namin siyang llaiela Monique Macalinao at ang palayaw niya "Yally". Pagpasok ko sa ward nakita ko si Jane na nagpapadede kay Yally napangiti ako at mabilis na lumapit sa kanila.
"Wow, malakas na dumede ang baby namin na yan ah. Ready na bang umuwi ang Yally ni daddy para makita ang yayay at yoyo?" Hinawakan ko ang kanyang maliit na kamay ang bango-bango niya, hindi matumbasan ng kahit na ano ang saya ko ng una ko siyang makita.
"Love, inayos mo na ba dun sa kwarto?" Tanong ni Jane sakin.
"Oo love, nagdagdag na din ako ng aircooler dun para kay Yally mahirap na naresearch ko kase na mabilis daw magkaubo at sipon ang baby pag laging naiinitan. " Nakangiting paliwanag ko.
"Ahh sige. " Malumbay na sang-ayon niya sakin. Bakit ganun parang may iniisip si Jane ahh siguro baka dala lang ng panganganak kaya parang pagod na pagod pa siya. Hinalikan ko siya sa noo at nilaro laro na ang kamay ni Yally. Kamukha ko pala si Yally, nakuha niya ang maitim at malalim kong mga mata, pati na din ang labi ko at hugis ng aking mukha. Hay naku Yally excited na ako sa lahat ng pangyayari sa buhay ko na kasama ka.
"Lalabas na tayo inaantay ko lang yung releasing paper mula sa doctor. " Pahabol kong sabi.
Ang hirap pala talaga magkaanak, gising sa gabi tulog sa umaga si Yally kaya eto lagi akong puyat pumupunta ako sa training sa umaga ng walang tulog,si Jane naman tulog nang tulog hinahayaan ko na lang para makabawi yung katawan niya sa panganganak. Hindi ko na alam kung pano ko pagkakasyahin oras ko sa lahat ng obligasyon ko buti na lang si Lola pag umaga idinuduyan lang c Yally sa baba. Sa gastos din pala sa gatas niya, ayaw na kase ni Jane nagpa-breastfeed kay Yally kase papasok na daw siya sa trabaho hinayaan ko na lang pero sayang naman yung makukuha sana ni Yally na nutrisyon sa kanya. Napapansin ko napapadalas ang pagkairita ni Jane sa mga bagay bagay kahit yung maliit na bagay lang na di naman niya ugaling magalit agad nagagawa na niya ngayon pagkinakausap niya ako madalas na pasigaw alam ko na noon pa man na talagang may kamalditahan siya pero ngayon mas triple ata.
BINABASA MO ANG
near me
RomanceThis story inspired by a love story of Joana and henry😍 The story of two people unexpected love comes. The RAP Star and the Barbie princess started unexpected outcome of love and friendship😘 Subaybayan po natin ang kwento ng dalawang pinagbuklod...