Part17

45 3 2
                                    

Henry;

Ilang buwan na ding nakatira si Jane dito samin. Ok naman yung pagsasama namin tuloy pa din ang pagpasok ko at pagiging student athlete. Sabado ngayon kakauwi ko lang galing praktis namin ng umaga, wala dito si Jane sa bahay may modeling daw siya out of town. Inaayos ko na mga damit naming labahan para maibaba ko at simulan kong paikutin sa washing machine ng may nakita akong papel na nakatupi sa pagitan ng hinubad na damit ni Jane, ipinatong ko lang siya sa ibabaw ng drawer hindi na ako nag-atubiling buksan gawa ng gusto kong matapos agad ang gawain ng makatulong man lang din ako kila lola makapagdikit ng papel mahalaga talaga sakin ang bawat oras. Habang pinapaikot ko sa washing machine ang mga damit namin tinulungan ko na ding hiwain ang mga gulay sa lulutuing pakbet ni lola, habang ang lolo naman abala na sa mga papel.

"Apo may sakit ba si Jane?" Tanong ni lola sakin.

"Wala po la pano niyo naman po nasabi?" Nagtataka akong napatingin kay lola.

"Eh nung nakaraan narinig ko siyang nagduduwal sa CR, hindi kaya nabuntis mo na siya? " Ani lola.
Bigla akong nanlamig pagkarinig ko sa sinabi ni lola. Nung mga nakaraang buwan mula nung tumira siya dito sa bahay alam ko nagpipills siya kaya kampante akong hindi ko siya mabubuntis. Bigla kong naalala yung papel na nakuha ko sa taas binitawan ko ang hawak ko at dali dali akong umakyat sa taas. Nanginginig akong binuksan ang papel. Ultrasound ang una kong nabasa. Anak ng tokwa ano to?? Napahawak na lang ako sa ulo ko habang napapapikit. Eto na nga ba ang kinakatakutan kong mangyari laking pagsisisi ko na dapat kahit alam kong nagpipills siya nagcontrol pa din ako, ang tanga mo Henry!

Jane;

Pauwi na ako sa bahay, hindi ko na kayang magtagal sa Baguio kaya pinilit kong tapusin na ang trabaho ko dun. Galing akong obygyn ng nakaraang araw oo buntis ako magdadawang buwan na akong hindi dinadatnan kaya nagpaconsult na ako. Hindi ko naman nasabi agad kay Henry gawa ng kasalanan ko kung bakit nangyari to, ang lakas ng loob ko sabihin sa kanya na walang dapat ikaproblema dahil nagpipills ako kaya naging kampante siya. Gulong gulo na din ako ngayon kung pano ko sasabihin sa kanya. Bahala na kung anong maging outcome neto basta ang alam ko kailangan kong maging masaya dahil magkakaanak na kame. Inabutan ko si lola at lolo sa baba ng bahay nagmano ako at tinanong sila kung nakauwi na ba si Henry.

"Jane, nariyan sa taas nagtutupi ng mga damit hindi naman siya umalis ngayong hapon para magpraktis. Kumain ka na ba? " Sagot ni lola sa tanong ko.

"Ganun po ba la, ah sige po aakyat na po muna ako. Mamaya na lang po siguro ako kakain la sabay na lang po kame ni Henry. " Malumanay kong sagot naman sa kanya. Sa totoo lang sobrang swerte ko sa pamilya ni Henry ni minsan di ako nakarinig ng kahit na anong ingay mula sa kanila hindi tulad sa bahay namin na halos araw araw na lang may sigawan kaya nga nagpasya akong umalis sa kanila at magtrabaho dito sa Manila gusto ko ng katahimikan. Gusto ko ng gantong pamilya tahimik, nagtutulungan kaya hindi ramdam ang hirap ng buhay walang reklamo. Umakyat ako sa taas ibinaba ko ang dala kong mga gamit nakita ko si Henry na nakasalampak sa higaan at nagtutupi ng mga damit napangiti ako dahil maswerte ako na nakilala ko siya, madalas ako ang may pagkukulang sa kanya ako ang nagsisimula ng gulo kung tutuusin nga dapat saming dalawa ako ang may malawak na kaisipan ako dapat ang nagguguide sa kanya sa mabuting landas nakukunsensya ako kase ng dahil sakin sa kapabayaan ko mahahatak ko ang buhay niya pababa.

"Love andito na ako. " Sabi ko sa kanya na tumabi ako ng upo at yumakap sa kanya patagilid. Naramdaman kong parang may mabigat siyang dinadala magaan niyang binaklas ang mga braso ko sa pagkakayakap sa kanya sabay abot ng papel ng ultrasound ko.

"Jane, sabi mo wala tayong magiging problema? Ano to? Buntis ka? " Tanong niya sa malamig na boses. Wala na di na ako nakapaghanda ng sasabihin di ko alam kung pano sasagot sa tanong niya alam kong galit siya dahil wala pa sa usapan namin na magkaanak. "Jane naman, bakit ka naman naging makasarili sa part na to? Pano na malaking responsibilidad ang pagkakaron ng anak lalo na sa part ko ngayon nakita mo naman sitwasyon ko hindi ko na nga alam pano hahatiin ang oras ko sa pagaaral, pagbabasketball at pagtulong kila lola diba? Tsaka ang sabi mo nagpipills ka wala tayong dapat ikaproblema kaya kampante ako na di kita mabubuntis" Mahabang salaysay niya. Naiyak na lang ako at naisip ko, tama siya kasalanan ko to. Napakamakasarili ko pala talaga, walang kahit na anong Salita ang namutawi sa bibig ko tanging iyak na lang ang nagawa kong tugon.

near meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon