Part9

36 4 1
                                    

Show me your ways, O Lord, teach me your paths; guide me in your truth and teach me, for you are God my Savior, and my hope is in you all day long.

Joana;

Goodmorning this is it, pansit! Sagala day.
Maaga kaming nagising para i-check yung kanya kanya naming arko na gagamitin. Kahapon ko pa pala nakuha yung damit na gagamitin ko mamaya 4pm ang start ng sagala dapat mga 2pm me make-upan na kame ni Nika kasama ko si Yuki papuntang court para dalhin yung ibang idadagdag na design sa arko namin ni Nika isa si Yuki sa nagaasikaso neto. Si Yuki nga din pala ang napili kong consorte, si kuya Rey kase busy sa pag-aasikaso ng event si kuya Boyet naman ganun din wala na akong choice si Yuki na lang. Pumayag naman siya kahit diring diri siyang magbarong gusto din kase niyang isagala hahahaha. Ayun si Nika tulog na tulog pa sa kanila napuyat yun kagabi for sure nagkaayos na ata sila ni Jepoy ang rupok ni girl. Iniwan ko na si Yuki sa court andun naman na sila ate Sabel at kuya Rey bale tulong tulong na sila dun. Malapit na ako sa bahay ng makasalubong ko ang isang pamilyar na pamilyar na tao sa mg mata ko na kahit nakapikit ay kaya kong idetalye ang anggulo ng kanyang mukha.. Whoaaa ang lalim nakakalunod. Jusko napatalon yung puso ko si Angelo andito siya ngayon?.

"Bakasyon ulit? " Di ko napigilang sabi. Napatingin siya sakin na may pagtataka kase never ko siyang binati noon.

"Ah, oo napasama bigla kila mama andito sila ngayon eh nagaasikaso kila tyang nagluluto ng mga handa. " Napapakamot sa ulong sabi niya sakin.
Oo di kayo nagkakamali ngayon ang kafiestahan dito samin kaya abala ang lahat sa kanya kanyang tirahan upang maghanda. Samin simple lang ang handa bumili lang sila Itay ng ilang kilong karne sa bayan may mga katuwang din naman sila dun mga kaibigan ni Ina'y at Itay. Ang gwapo niya talaga jusko di ko na maalis yung mata ko sa mukha niya.

"Ok ka lang? Joana? " Narinig kong sabi niya na biglang nagpabalik sa matino kong kaisipan. Napakurapkurap ako sa kahihiyan ramdam ko na umakyat ang dugo ko sa mukha.

"Ah oo sige mauna na ako marami pa akong gagawin sa bahay. " Nagmamadali kong sabi sa kanya na lumakad ng derederetso para pagtakpan ang namumula kong mukha sa kahihiyan. Ano ka ba naman Joana kinakahiligan mo na bang tumunganga sa harap ng lalaking gusto mo? Jusko gusto ko ng lamunin ng lupa!!!

Pagdating sa bahay, tumulong lang ako saglit kay Ina'y na balutin yung suman. Mayamaya kakain na ako alas dose na din ng tanghali para pagkatapos kong kumain pahinga lang saglit at maliligo na.

"Nak si Nika".tawag sakin ni Itay na nakasilip sa pintuan.

" Pumasok na siya busy ako tay". Sabi ko habang nakafocus sa pagbabalot ng suman.

"Hi p're, hi tita Maymay". Ngiting asong bungad ni Nika samin. Umupo siya sa katabi kong kahoy na silya.

" Oh bakit? Ready ka na para mamaya?" Tanong ko sa kanya.

"Oo nakahanda naman na lahat, gusto ko lang tumambay dito andun kase si Papa sa bahay, wala si Yuki kaya ako napupuna kesyo ganto ganyan,kaya eto tumakas ako dun busy din naman sila mama at papa sa pag-aasikaso may mga bisita kame mga kaibigan ni Papa kanegosyo niya". Litanya ni Nika habang kinukutkot ang kuko niya sa kamay.

"Ganun ba? Parang kada uwi na lang ni Tito jan sainyo di kayo napipirme ni Yuki sa bahay niyo, tapusin ko lang to ta's kumain na tayo tamang tama may sinabawang pata paborito natin". Aniya sabi ko.

" Ano ka ba naman p're di ka na nasanay alam mo naman yun si Papa ang daming ebas nun sa buhay namin kaya nasanay na kame ni Yuki na bingibingihan sa kanya, Uy patis sawsawan ko ah". Sabi ni Nika habang binubuhat buhat ang mga nagawa kong suman na parang tinitimbang gamit ang kanyang kamay.

"Toyo sakin na madaming sili". Sabi ko. Alam ko naman ang sistema nila Nika pag nanjan si Tito sa kanila kaya di ko na dinugtungan yung usapan namin regarding sa Papa niya.

near meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon