Tito Ron;
Inaasikaso na namin ni Al yung mga kuha namin ini-edit na namin yung mga picture habang umiinom ng beer, ayos din tong bahay kumpleto pati internet.
"Al, tingnan mo tong dalawang dalagang to magkaiba ang tema ng mga mukha nila pero parehas maganda diba?" Sabi ko kay Al na hinarap yung laptop sa kanya.
"Hmmp, aba ang galing ng obserbasyon mo talaga Ron, Matanglawin hahahaha". Banat ni Al pagkatapos tumungga ng alak sa kanyang bote. Siraulo talaga din to eh nagandahan talaga ako sa kanila pero wala akong balak malayo na din agwat ko sa mga yun at syempre sa ganda ba naman ng mga yun magkainteres yun sakin? Ano yun mga bulag.
" Ganto kase, siraulo diba ang papangit ng nakukuha mong babae sa mga ginagawa mong MV? Bakit hindi mo na lang alukin tong dalawang to na maging model mo sa MV. ? Malay mo swerte diba!? " Sabi ko sa kanya habang tumutok na ako sa laptop.
Biglang tumapik sakin si Al sa balikat rason paran huminto ako sa ginagawa.
"Brod, mukhang ayos din yang idea mo na yan ah pero mukhang kakagraduate lang ng mga yan sa highschool minor pa yan di pa pwede yan baka imbes kumita tayo magastusan pa tayo ng piyansa sa kulungan. Hahahaha gago ka talaga. " -Direk Al
"Sabagay, kung baga sa bunga mga bubot pa pare hahahahha. Ganto na lang bigyan mo na lang ng calling card mo malay mo ilang taon mula ngayon kasali na mga to sa all star. Tapos ko na to tingnan mo na lang kung may babaguhin ka pa dito ikaw naman Mag-uupload neto diba? nakakuha na din ako tatlong copy neto sa USB bahala ka na dito, magpraktis na kame nila Jayjay para mamaya. " Paalam ko na sa kanya ubos na din naman yung beer ko.
Hinanap ko sila Jayjay mukhang wala pa yung tatlo kinuha ko yung kaha at lighter sa bulsa ko nagsindi ako ng sigarilyo habang inaantay yung tatlo sa gate.
Jayjay;
"Ya'y, ganda netong jersey na nabili ko nuh"? Inilabas ko sa plastik yung damit na nabili ko.
" Ayos naman,ba't dito ka pa bumili eh ang dami nyan sa Baclaran tatlo isang daan lang, siraulo ka talagang bata ka".-Yayoi
"Oo nga nuh? Pero kase pasalubong ko to kay henry eh kung sa Baclaran ako bibili hindi na yun pasalubong atleast to galing Nueva Ecija diba? . " Sabi ko habang kumakamot sa ulo.
"Bugok ka talagang bata ka hahahaha. " Si kuya Marcus na tinapik yung batok ko.
Malapit na kame sa bahay ni pinatuluyan samin nakikita na namin si Tito Ron sa may gate inaantay na ata kame kase magpapraktis mamaya na din kase yung pag perform namin sa RAP music contest."Tito, binilhan kita ng sombrero". Paglapit kong sabi sa kanya. hilig kase ni Tito Ron ang sombrero.
" Naks, salamat Jay. Ayos ah mukhang orig. Hahahaha" Inabot naman ni Tito yung sombrero na binili ko para sa kanya at sinuot sabay sabi "bagay ba!? " Nag-isang guhit na lang ang mata niya gawa ng kanyang pagngiti. Chinito si Tito Ron pero pag nagagalit lumuluwa ang mata hahahaha.
"Ang sweet ni Jayjay sayo, kame di man lang nilibre ng softdrinks." -Yayoi
"Oo nga, naglakad pa kame di man lang nagtricycle".- kuya Marcus
" Mahusay Jay, may mga pera naman ang mga yan eh hahaha uutuin ka pa nuh? Alagang Tito Ron ata yan. " Sabi ni Tito Ron na natatawa hinawakan ang ulo ko.
"Tara na at mag mic check na tayo. " Yaya na samin ni Tito Ron.
Joana;
Nandito ako ngayon kila Nika. Si Yuki kinocomfort ko.
"Ba't ang lungkot nang Yuki namin na yan," Tanong ko kay Yuki habang sinusundot ko tagiliran nya.
"Ate Joana naman, natutulog ako eh. "-Yuki
BINABASA MO ANG
near me
RomanceThis story inspired by a love story of Joana and henry😍 The story of two people unexpected love comes. The RAP Star and the Barbie princess started unexpected outcome of love and friendship😘 Subaybayan po natin ang kwento ng dalawang pinagbuklod...