Henry;
Ipapasyal ko si Yally bukas sa mall naisip kong yayain si Joana, pwede naman diba? Kaya lang pano ko siya yayayain eh wala naman akong contact sa kanya. Hmmmp teka nga. Ah si Tito Ron hingin ko nga kay Tito Ron sigurado meron yung number sa mga models required kase na Mag-iwan ng contract number ang bawal models ng all star pro. Kaya lang ano naman idadahilan ko kay Tito Ron? Ba't ko hihingiin? Dahil yayayain ko magmall? Aba ayoko, ahh magsisinungaling na lang ako sasabihin ko may itatanong lang ako regarding dun sa UNIT nang condo na binebenta. Ang galing mo talaga Henry! Kinuha ko na cellphone ko para tawagan si Tito Ron. Napansin ko sobrang outdated na pala tong cellphone ko ako na lang siguro ang gumagamit ng keypad na cellphone ngayong araw ah. Sige na nga bukas makabili na lang din kahit di ganun ka mahal. Tinawagan ko na agad si Tito Ron para makuha ko na ang kailangan ko.
Joana;
Nandito ako ngayon sa apartment nila Nika. Eto kumakain ako ng paborito kong kwekwek na nabili ko kanina sa daanan papunta dito, sorry na dala ko kain ko. Si Nika nasa kwarto natutulog pa nandito kame sa baba si Yuki naman busy sa pag-eedit ng mga video niya sa blog.
"Ate Joana halika panuorin mo to! " Tawag sakin ni Yuki. Napatingin ako sa kanya habang nakaupo sa sofa tamad na tamad pa naman akong kumilos lalo pag nasa harap ako ng pagkain. Pero dahil curious ako tumayo ako at binitbit ang mangkok na may kwekwek na nakababad sa suka.
"Ano ba yan?" Sabay ng pagsilip sa monitor ng computer.
"Gusto ko sanang iupload to kaya lang baka majombag ako ni Henry. Ang cute niyang ngumiti diba?" Tanong ni Yuki sakin. Natigilan ako kase eksena to ng pagsisiga ko ng uling habang nagkukwentuhan kaming dalawa. Grabe kakaiba talaga siya ngumiti yung tipong napapangiti ka din pag nakita mo siyang ngumingiti.
"Hoy ate.tingin mo ok lang kaya sa kanya?" Tanong ulit ni Yuki.
"Hindi ko alam eh, wag mo na lang iupload baka mamaya ayaw nung tao lalo walang permiso. Mabuti pa pag nagkita kayo ulit edi itanong mo sa kanya kung pwede siyang i-blog. " Napaubo ako gawa ng sa suka na kinakain ko. Ano ba yan reason mo lang Joana ayaw mo lang makita siguro ng karamihan na ngumingiti siya.
"Sayang gusto ko pa naman siyang isali sa blog ko. Pero tama ka ipagpapaalam ko muna. " Malungkot na sabi ni Yuki. Tumayo eto at nagpaalam na magliligo daw siya muna ang laking tuwa ko kase naiwan niyang bukas ang monitor pwede kong kalkalin ang mga kuha niyang video nung nasa resort kame. Umupo ako sa tapat ng computer at nagpakabusy ako sa gusto kong makita. Nakita ko na,nag-play ako isa isa ng mga video. Nagulat ako ang dami palang video na nadaanan si Yuki saming dalawa. Pero grabe kinikilig ako sa part kung pano siya tumingin sakin. Ang cute din ng kunot ng noo niya at pagtaas ng kilay niya na kunwari di gusto ang sinasabi ko tapos biglang ngingiti ano ba yan. Ginalaw galaw ko yung mga paa ko na nakapatong sa lamesa ng computer. Jusko bagay kaming dalawa para kaming loveteam sa isang palabas sa TV. Oh? Teka ba't may video din neto? Kasama si Yuki sa video yung eksena nung itinulak ako ni Yuki at napasandal ako sa likod ni Henry at madami pang video bukod dun yung mga tawanan namin ni Henry mga pagtapik ko sa kanya yung paglalaro namin nila Yuki ng tulakan sa pool. Abay sinong kumuha neto?
"Ang ganda nuh? Kala mo Korean drama pagkakakuha? Walang bahid ng script nuh?" Nagulat ako ng biglang may magsalita sa likod ko.
"Pusang piniga! Nika! Ba't bigla bigla ka na lang sumusulpot?" Si Nika jusko sa sobrang busy kong nakatutok sa monitor di ko man lang napansin na nasa likod ko na pala si Nika.
"Abay natural bahay ko to p're? Hello siguro dapat ako nagtatanong sayo kung bakit ka nandito sa bahay at nasa tapat ng computer at pinapanuod yang mga video sa blog ni Yuki?" Tanong niya sakin.
"Kase bored ako sa condo. At tsaka kanina kase pinapakita ni Yuki sakin to kung pwede niya daw isama si Henry sa blog tas yun iniwan ako at maliligo daw siya. Si Yuki nagbukas netong monitor ah hindi ako. " Defensive kong sagot.
BINABASA MO ANG
near me
DragosteThis story inspired by a love story of Joana and henry😍 The story of two people unexpected love comes. The RAP Star and the Barbie princess started unexpected outcome of love and friendship😘 Subaybayan po natin ang kwento ng dalawang pinagbuklod...