CHAPTER 12

197 8 0
                                    

Walang magawa si Aiden kaya naisipan niyang magdilig ng mga halaman. Natapos na ang online class niya at wala naman siyang gagawing school works. Nandito siya sa garden na nasa harapan ng kanilang bahay.

Habang nagdidilig ay tumingala si Aiden sa kalangitan. Napangiti siya dahil sa maaliwalas na panahon ngayon.

"Ganyan nga, maging maganda ka lang," bulong ni Aiden na tila may kinakausap sa langit.

Ilang sandali lang ay muling tiningnan ni Aiden ang mga halaman. "Siguradong ang sasaya niyo ngayon," pagkausap niya sa mga halaman. Natawa pa siya pagkatapos sabihin ang mga 'yon.

Nagpatuloy lamang sa ginagawang pagdidilig si Aiden sa mga halaman.

Samantala, lumabas naman si Derek mula sa bahay. Nakasabit sa leeg nito ang strap ng professional camera na hawak-hawak ng dalawang kamay niya. Nakita niya si Aiden na nagdidilig ng halaman. Napangiti siya at nagpatuloy sa paglalakad.

Huminto si Derek sa gitna ng bakuran. Naisipan niyang kunan ng litrato si Aiden kaya tinutok niya rito ang lente ng kanyang hawak na camera at nagsimulang kumuha ng litrato.

Kumunot ang noo ni Aiden nang makarinig siya ng click. Napalingon siya kung saan 'yon nanggaling at nanlaki ang mga mata niya dahil nakita niya si Derek at nakatutok sa kanya ang hawak nito.

"Hoy! Anong ginagawa mo?" nagtatakang tanong ni Aiden.

"Kinukunan ka ng litrato," wala lang na sagot ni Derek na patuloy pa rin sa pagkuha ng litrato kay Aiden.

Lalong kumunot ang noo ni Aiden. Napangiti naman si Derek.

"Itigil mo nga 'yan," pagsaway ni Aiden saka umiwas nang tingin kay Derek. Binitawan nito ang pandilig at itinabi sa mga halaman.

"Ayoko nga," nangingiting sagot ni Derek.

Napailing-iling na lamang si Aiden sa katigasan ng ulo ni Derek.

Kinunan din ni Derek ang paligid. Napapangiti siya kapag magaganda ang kuha niya. Lumapit naman si Aiden sa kanya.

"Hilig mo ba 'yan?" pagtatanong ni Aiden kay Derek.

Ibinaba ni Derek ang camera niya at tiningnan si Aiden na nakatayo na sa tabi niya. Ningitian niya ang binata saka tumango-tango.

"Patingin nga," request ni Aiden.

"Okay," pagpayag ni Derek.

Tumabi pa lalo si Aiden kay Derek. Ipinakita naman ni Derek ang mga nakunan niya kay Aiden. Hindi maitatanggi ni Aiden na magaling si Derek kumuha ng litrato.

"Pwede kang maging photographer sa mga photoshoot," pagpuri ni Aiden kay Derek. "Ganda nitong kuha mo," sabi pa niya saka tinuro ang isang litrato ng puno.

"Talaga?" nangingiting tanong ni Derek kay Aiden. Hindi nito maitatanggi na natuwa siya sa papuri nito sa kanya.

Tiningnan ni Aiden si Derek. Doon niya namalayan na sobrang lapit pala ng mukha nila sa isa't-isa. Sandaling napatitig siya sa mga mata ni Derek pero kaagad din siyang bumalik sa sarili kaya lumayo siya. Sunod-sunod ang naging paglunok niya ng laway at tumingin-tingin pa siya sa paligid. Napangiti na lang si Derek.

"Oo. Magaganda ang kuha mo," ani Aiden saka tiningnan niya ulit si Derek. Pinipilit niya na magpaka-normal kahit na may bahagi sa kanya na nagiging abnormal na naman dahil sa paglapit kay Derek.

Ngumiti naman ulit si Derek. "Actually, gusto ko rin na maging profession ang pagiging photographer. Ang kaso, nag-iisa akong anak ng mga Lastimosa. Alam mo ang ibig kong sabihin," sabi nito saka mahinang tumawa.

My Twin Sister's Lover (BL) - FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon