CHAPTER 16

183 5 0
                                    

  'Sh*t! Bakit sobrang gwapo niya?' Nakapangalumbaba si Aiden habang nakatingin sa mukha ni Derek. Ayaw niyang magwapuhan dito pero tinatraydor siya ng mga mata niya.

'Uy! Huwag ka ngang ngumiti ng ganyan!' pagsaway ni Aiden kay Derek sa kanyang isipan. 'Mas lalo kasi akong... nevermind!' hiyaw pa niya sa kanyang utak.

'Erase! Erase! Erase! Hindi! Wala lang ito! Uy! Huwag ka sabing ngumiti eh!' hiyaw pa ulit ni Aiden sa isipan niya. 'Pucha! Nakakatunaw ang ngiti niya!' sigaw pa niya sa kanyang utak.

'Uy! Please naman! Huwag kang ngumiti ng ganyan!' mariing pakiusap pa ni Aiden. Para na siyang sira na salita nang salita sa utak niya.

'Sabing huwag kang ngumiti eh! Derek naman oh!'

Biglang nawala sa harapan ni Aiden ang mukha ni Derek na ikinalaki ng mga mata niya.

"Whoa!" Bumalik sa sarili si Aiden. Tiningnan niya ang paligid ng sala. Wala si Derek. "Hala!" hindi siya makapaniwala. "Bakit ko siya ini-imagine?" tanong pa nito sa sarili.

Umalis sa pangangalumbaba si Aiden. Kinagat niya ang kanyang ibabang labi. "Pucha! Masama na 'tong nangyayari sa'kin!" bulong pa niya. Nag-i-imagine na siya ng kung ano-ano at si Derek pa ang ini-imagine niya.

Ginulo-gulo ni Aiden ang kanyang buhok dahil sa inis. Naiinis siya sa kanyang sarili. Hindi dapat siya nagkakaganito at kung magkaganito man siya, hindi dapat si Derek ang dahilan nito.

"Anong nangyayari sa'yo? Bakit mo ginugulo ang buhok mo?"

Mabilis na nilingon ni Aiden ang ulo at tiningnan si Derek na nakatayo sa likod ng sofa. Natulala na naman siya.

Kumunot ang noo ni Derek habang diretso na nakatingin kay Aiden. Kagagaling lamang nito sa banyo kaya medyo basa pa ang buhok at ang katawan na walang saplot ngayon ang pang-itaas at twalya lamang ang tumatakip sa pang-ibaba.

"Anong nangyayari sa kanya?" nagtatakang tanong ni Derek. "Hoy!" pasigaw na pagtawag niya kay Aiden.

Bumalik sa sarili si Aiden. Nanlaki ulit ang mga mata niya saka mabilis pa sa alas-kwatro na umiwas nang tingin kay Derek. Nagbuga pa siya ng hininga.

"Okay ka lang ba?" may himig ng pag-aalala na tanong ni Derek.

"Oo. Okay lang ako," malamig na tugon ni Aiden. 'Act normal Aiden,' utos pa niya sa isipan.

"Sure kang okay ka lang?" pagtatanong pa ni Derek.

Tumango-tango lang si Aiden nang hindi pa rin tinitingnan si Derek.

Napatango-tango na lamang din si Derek. "Oo nga pala, mamasyal ulit tayo. Dadalhin kita-"

"Next time na lang," putol nang mabilis ni Aiden sa sinasabi ni Derek. Tumayo kaagad ito mula sa pagkakaindian-sit sa sahig. "May gagawin pa kasi ako. Sige," paalam pa nito saka nagmamadali na sumibat at umakyat papunta kwarto.

Nakasunod ang nagtatakang tingin ni Derek kay Aiden. Kunot na kunot ang noo niya. "Anong ba talagang nangyayari sa kanya?" tanong nito. Takang-taka siya sa kakaibang kinikilos ni Aiden. Pamaya-maya ay napangisi ito. "Nababaliw na yata," sabi pa nito saka mahinang tumawa.

Samantala, kaagad na sumandal si Aiden sa likod ng pinto ng kwarto pagkasarado niya dito. Napahawak siya sa kanyang dibdib. Ramdam ng palad niya ang malakas at mabilis na pintig ng kanyang puso sa loob.

"Sh*t! Siguradong nagtataka na siya sa mga kakaiba kong ikinikilos. Baka nga nag-iisip na siya ng kung ano-ano dahil para na akong baliw," natataranta na bulong ni Aiden. "Ikaw naman kasi Aiden eh!" naiinis na sabi pa niya sa sarili.

Ginulo-gulo ulit ni Aiden ang magulo na niyang buhok sa sobrang frustration na nararamdaman. Tumigil lang siya dahil naramdaman niya ang pag-vibrate ng kanyang cellphone na nasa bulsa ng suot niyang maong short.

Kinuha ni Aiden ang kanyang cellphone saka pinailawan ang screen. Nakita niyang tumatawag ang kanyang mama. Sinagot niya ito.

"Hello, Anak. Kumusta ka na diyan?" Halata ang pagkasabik ng mama ni Aiden sa kanya.

Bumuntong-hininga si Aiden bago magsalita. "Okay lang po ako, Ma," sagot niya. 'Okay lang ako,' wika niya pa sa kanyang isipan. 'Okay nga ba?' isip-isip pa niya.

"Mabuti naman kung ganun. Si Derek? Okay lang din ba siya? Mabait ba siya sa'yo?" sunod-sunod na tanong ng mama ni Aiden.

'Sana nga hindi na lang siya mabait para may dahilan akong mamuhi sa kanya hindi 'yung...' Hindi na lamang tinuloy ni Aiden ang sinasabi sa isipan. Pinilit na lang niyang ngumiti.

"Okay naman siya. Mabait naman siya sa akin," sagot na lamang ni Aiden.

"Thanks God!" natutuwang sambit ng mama ni Aiden sa kabilang linya. Halata sa boses nito na nakahinga ng maluwag. Ang totoo, nag-aalala rin siya dahil baka hindi nagkakasundo sila Aiden at Derek.

"Anyway, may balita na ba kayo kung nasaan si Ate?" pagtatanong ni Aiden para maiba ang usapan.

"Wala pa. Until now ay pinaghahahanap pa rin siya. Sa ngayon, nasa parteng Visayas ang mga kinuha naming private investigator para doon maghanap," sabi nito.

"Kumuha kayo ng mga private investigator sa Luzon, Visayas at Mindanao para mas mapadali. Kung ikalat din kaya natin ang litrato ni Ate?"

"Alam mong hindi pwedeng ikalat ang litrato niya. Malalaman ng lahat na nawawala siya," sabi ng ina ni Aiden.

'Oo nga pala,' sa isip ni Aiden na nakalimot.

"Kung sakaling may lead na kami sa kinaroroonan niya, ipapaalam kaagad namin sa'yo at kay Derek," pangako ng ina ni Aiden.

Napatango-tango na lamang si Aiden. Kung dati, gusto na niyang mahanap ang ate niya para makabalik na rin siya sa dati niyang buhay pero ngayon, tila kabaligtaran na ang nararamdaman niya. Napailing na lamang siya.

"Anak," pagtawag ni Esmeralda mula sa kabilang linya.

"Mm," sabi lamang ni Aiden.

"Mag-ingat kayo diyan," paalala ni Esmeralda.

Tumango-tango si Aiden. "Sige po," sagot nito.

Nag-usap pa sandali ang mag-ina bago ibaba ang tawag. Inalis ni Aiden sa kanang tenga ang cellphone. Nagbuntong-hininga siya.

"Ano na kayang mangyayari kung sakaling magbalik na si Ate?" pagtatanong ni Aiden sa hangin.

Muli na lamang napabuntong-hininga nang malalim si Aiden.

My Twin Sister's Lover (BL) - FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon