| 06 |
•~•
Hill's POV
Nagising kami ng maaga dahil hindi talaga kami sanay matulog sa banig. Dinig namin sa labas ang ingay na sa pagkaka alam ko ay nagwawalis sa labas si aling gina.
Sabay-sabay na kaming lumabas ng silid kahit pupungay-pungay pa ang aming mga mata. Sakto naman ang pagpasok ni aling gina mula sa labas. As usual, nakablack pa din siya na baro't saya.
"Magandang umaga. Tayo'y kumain na."- anyaya niya bago lampasan kami patungo sa kusina.
Tulala lang naman kaming naupo sa salas habang hinihintay si aling gina na dalhin dito ang kape namin.
Wala pang isang minuto ay bumalik na ito na may bitbit na kahoy na tray. Linapag niya yun sa maliit na center table.
"Aking nahihinuha na hindi kayo nakatulog nang maayos."- puna niya at naupo sa pinag upuan niya din kahapon.
Bawat kilos niya ay pino gaya ng pagkakaupo niya at ang pagtayo.
Nagsimula na din kaming uminom ng kape para naman mahimasmasan kami kahit papano dahil bagong gising lang kami.
"Naninibago lang ho kami."- sagot ko na kinatango niya.
"Akin sanang babanggitin na simula ngayon, maaari na kayong magsimulang maglakbay."- bigla niyang anunsyo.
Nasamid kaming lahat at gulat na napatingin sa walang emosyon niyang mukha.
"Are you serious?!"- sigaw ni cliff.
Diyosko. Highblood talaga to kahit kailan. Umagang-umaga.
"Aling gina, hindi po ba pwedeng dito muna kami tumira? Hindi po kase namin alam kung saan kami pupunta at kung anong gagawin namin."- malungkot na pakiusap ni gabby.
Bumuntong hininga ito at napailing ng marahan.
"Paumanhin ngunit gustuhin ko man ay wala akong magagawa. Ngayon ang simula ng inyong paglalakbay. Nawa'y mapagtagumpayan niyo ang inyong tungkulin."- yumuko siya bago tumayo at nagtungo sa kusina.
Napatulala na lang kaming lahat sa kawalan.
"This is really pissing me off."- kiro mumbled out of nowhere and mess his hair.
I heard aki sighed. Binaba na niya ang kaniyang tasa sa lamesa.
"Kailangan nating bumalik sa ilog kung saan nagsimula ang lahat."- salaysay niya habang nakatingin na samin.
"Maybe you're right. Baka kapag pumunta tayo dun ay makakabalik na tayo."- sunod ko at tumingin sa kaniya.
Hindi ako sigurado ngunit kailangan naming subukan. Hindi pwedeng manatili na lang kami dito at maghintay ng tulong. Kailangan naming kumilos.
Tumango si aki sa sinabi ko at pumasok ulit sa kwarto.
"Let's go. Kailangan na nating umalis dito."- seryosong asik naman ni cliff at padabog ng tumayo.
BINABASA MO ANG
A Journey To VillaValencio (Complete)
Historical FictionWhat happens when a group of friends suddenly disappears in a mysterious town? Meet hill, gabby, cliff, kiro and aki. A highschool student who went to VillaValencio for their history project. As they went there, something unexpected happened to them...