Kabanata 36

49 1 0
                                    


| 36 |



•~•

Hill's POV

Kinagabihan ay lumabas kami ng kagubatan. Madilim ang buong paligid ng makalabas kami.

May iilang gasera na nakasabit sa mga kahoy na nakatayo sa magkabilang gilid ng kalsada. Nagdala din kami ng dalawang gasera na gagamitin namin.

Tahimik ang buong paligid. Hindi gaya nuong matulog kami sa bahay ni aling gina na sobrang ingay sa labas. Tila ang mga bampirang nakatira dito nuon ay nagsikalat.

Napalunok ako habang patuloy kami sa paglalakad sa kalagitnaan ng kalsada.

Naisipan namin na magtungo sa dating bahay ng dating reyna. Mabuti na lamang at alam ko ang daan kundi ay baka maligaw kami.

Alam kong delikado ang gagawin namin. Bukod sa trespassing kami sa bahay ng dating reyna ay hindi dapat kami lumalabas dahil pinaghahanap kami ngayon.

Wala mang kasiguraduhan ang pagpunta namin duon ay kailangan naming subukan. Baka ito talaga ang pinapahiwatig ng dating reyna sa amin.

Kung ganon, siya kaya ang nagdala sa amin dito? Pero patay na siya. Paano nangyari yun? May tauhan kaya siyang gumagawa ng mga plano niya?

Pero ano bang dapat naming gawin at bakit kami?

"Tangina baka may makasalubong tayong centaur ha?"- kinakabahang wika ni kiro habang kapwa nakakapit ang mga braso nila ni gabby.

Nasa unahan kami ni cliff at may hawak na tig isang gasera.

Malamig sa labas at mahangin. Ang mga punong nasa magkabilang gilid ng daan ay kapwa nahuhulog ang mga dahon na natatangay ng hangin.

"Stop imagining things kiro."- gabby shushed him.

"I can't stop thinking witch. Bakit niyo ba kasi naisipang gabi pa tayo pumunta?"- reklamo niya.

Ngayon pa siya nagreklamo gayong nakalayo na kami.

"Mas mahirap tayong makapasok sa bahay ng dating reyna kapag umaga. Did you forget that we are fvking wanted?"- mainit ang ulong singhal ni cliff dito.

"Well you have a point. Pero sana naman sinama na lang natin sila heis."

"Gago ka ba? Papasukin natin ang bahay ng lola ni heis. Do you think she will agree on that?"- komento ko.

"I think she will understand. May magandang dahilan naman tayo kung bakit natin papasukin ang bahay ng lola niya."- gabby said.

"No. Tayo ang napunta dito, kailangan ding tayo ang maghahanap ng paraan kung paano tayo makaka-alis dito."- pinal kong wika.

After 10 minutes of walking, nakarating na din kami sa wakas. Akala ko hindi na kami makakarating ng buhay dahil sa layo ng linakaran namin.

"Bakit naabanduna ang bahay ng dating reyna?"- naguguluhang tanong ni gabby at napahiwalay na kay kiro.

Natigil kami sa harapan ng malaking mansion at tiningala yun.

"Walang sinabi si aling gina. Ang alam ko lang ay isang kilalang manggagamot ang ama nito kaya maraming halamang gamot sa likuran ng kanilang bahay."- kwento ko at naunang umakyat patungo sa harapan ng pintuan.

Sumunod silang tatlo at sinubukang buksan ang pintuan pero naka lock.

Napatingala sila kiro sa taas.

"Masyadong mataas ang mga bintana, hindi tayo makakapasok duon. Nakalock din."- puna niya.

"Back off."- cliff suddenly demanded.

A Journey To VillaValencio (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon