Kabanata 10

93 4 0
                                    


| 10 |

•~•


Hill's POV


Gabi na ng kumatok sa kwarto namin sina kiro. Gaya ng dati nakasuot pa din kami ng dati naming damit na ngayon ay tuyo na pero naka-black shirt na ako. Ganun din ang iba kong kasama.

"Guys, they are calling us to eat dinner. C'mon."- silip ni kiro sa amin ni gabby.

"Okay, okay."- gabby stood up and walk towards the door. Sumunod na din ako sa kaniya pagkatapos ay ako na ang sumara sa pinto.

Mabuti na lang at nakapag pahinga kami kanina kaya kahit papaano ay bumalik ang mga lakas namin. Maaliwalas na ang mukha ng bawat isa pero bakas pa din ang kaba.

"Matutulungan kaya nila tayong makaalis dito?"- panimula ni gabby habang naglalakad kami sa malawak na pasilyo.

Medyo nakakailang ang mga kawal na nasa gilid dahil nakatingin sila samin pero hindi na namin pinansin.

Wala naman silang pake dahil nanatili lang silang nakatayo ng tuwid. Minsan nga napapaisip ako, hindi ba sila nangangalay sa kanilang pwesto? Mga bampira din ba sila?

Of course hill! Ano ka ba. Lahat ng nakatira dito ay mga bampira.

Maliban na lang sa mga nilalang na nakatira sa gubat gaya ng nakita namin nuon na centaur.

"I don't think so."- aki shook his head while his hands are on his pocket.

"Why do you think so?"- nagsalubong ang kilay ko.

He shrugged his shoulder habang nasa harapan pa din ang paningin.

"Like what aling gina said, I conclude that it's us who needs to find a way to go back in our real world. Mayron tayong tungkuling gawin pero ang tanong, ano yun?"- paliwanag niya at napasulyap sakin.

Napaisip naman ako habang nakatulala sa dinadaanan namin.

He's right.

No one can help us here. Tanging kami lang ang magtutulungan dito at wala ng iba. Is that why the fate choose us? For what reason?

Why do they need a mere human like us to go to the den of this dangerous creatures?

"And that's the irritating part. That old woman didn't even fvking explain it."- iritado nang saad ni cliff.

"Bakit ba kase tayo ang napili? Pwede namang iba na lang o di kaya yung lolo ni aki diba? Siya ang nakaka alam sa lugar na to."- turo pa ni kiro kay aki.

Kunot noo kaming napatingin kay kiro. "Seriously chiu?"- nakangiwing bulalas ni aki.

"What?"- taka pa niya kaming tinignan dahil hindi inaasahan ang naging reaksyon namin.

"Still stupid."- gabby rolled her eyes.

Ngumuso na lang si kiro sa amin habang si cliff naman eh ang sama na ng tingin niya dito.

Idamay ba naman ang lolo ng kasama namin. Tsk, tsk.

Mabuti na lamang hindi kami naligaw dahil agad kaming nakarating sa dining area ng palasyo. Sa laki at lawak ba naman ng palasyong ito mahihirapan ka talagang kabisaduhin ang pasikot-sikot dito.

"Sila na ba ang inyong tinutukoy na mga bisita, harvey?"- taas kilay na tanong ng isang babae.

Matangkad siya at maganda. She has a snow-like skin and a long straight hair. Kulay abo din ang buhok niya at ang mukha ay napaka amo pero sumisigaw ang aura niya nang kasungitan. Kamukha niya din si heis kaya napagtanto kong kapatid din nila ito.

A Journey To VillaValencio (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon