Kabanata 26

54 3 0
                                    


| 26 |



•~•

Hill's POV


Sa oras na yun ay si magdalene naman ang kalaban ni heis sa eskrima.

Ayaw ata ng prinsesa ang pinaghihintay kase unimpisahan na niya agad ang laban kahit na hindi pa nakaka get over si heis sa laban nila ng kuya niya.

Kung si prinsipe harvey ay malalakas at mabibilis ang bawat atake niya ay iba naman sa prinsesa.

Nandun pa din ang elegante at maalumanay niyang aura habang nakikipaglaban.

Hindi ganun kabilis pero sakto lang. Magaling siya dahil nakikita ko sa mukha ni heis na hindi niya inaasahan ang bawat pagsugod ng kaniyang kapatid. Kung baga bago siya umaatake ay nakaplano na yun sa isip niya. Nag iisip siya ng atake na hindi inaasahan ng kalaban.

"Mahusay."- matabang na pahayag ni magdalene matapos ang laban nila.

Natalo ulit si heis.

Kung hindi ako nagkakamali, mag aalas singko na nang magumpisa ang laban ni heis at ang panganay na prinsipe na si marcelo.

Pareho sila ni prinsipe harvey na mabilis ang pag atake. Pero magkaiba ang strategy nila pagdating sa ganitong laban.

Kung puro pag atake ang ginagawa ni harvey ay iba naman kay marcelo. Siya ang sumasalag sa mga atake ng kalaban at kapag nakahanap siya ng tyansa ay tsaka siya kikilos ng mabilis para atakihin ito.

Hindi namin napigilang mapapalakpak matapos ang laban nila. Todo cheer si kiro na akala mo nanunuod ng basketball. Si gabby naman ay patuloy sa pag cheer kay heis dahil straight lose siya.

"Magmula ngayon, ako na ang magtuturo sayo ng eskrima. Kailangan mo muna kaming matalo bago ka titigil sa pag e-ensayo."- seryosong paliwanag ni prinsipe marcelo habang nanatili ang hawak niyang espada na nakatutuok kay heis.

Hindi naman nakaimik si heis. Napayuko na lamang siya sa pagod at binitawan ang hawak na espada.

"Masusunod, mahal na prinsipe."- bulong niya.

Pormal na tumango ang prinsipe bago binaba ang hawak na armas.

Mabilis natapos ang eskrima nila. 6:00 na ng magsimula kaming umalis sa bahay ni maestro julian.

Pero hindi namin aakalain ang bubungad sa pag uwi namin. Natigil sa pagtakbo ang mga kabayo ng matanaw namin ang ilang bahay kubo at mga bahay na gawa sa bato na nasusunog.

Ang mga mamamayan ng VillaValencio ay hindi mapakali kakatakbo at kakasigaw. Ang ilan ay gustong pumasok para isalba ang mga gamit nila pero hindi nila magawa dahil patuloy sa paglaki ang apoy.

"Tawagin ang ilang mga kawal sa palasyo!"- utos ni prinsipe marcelo sa mga kawal na nakasunod sa likuran namin.

"Masusunod, mahal na hari."- tugon nila at mabilis na pinatakbo ng dalawang kawal ang kanilang kabayo.

Mabilis kaming nagsibabaan at tumakbo papalapit sa nangyayari.

"Ano ang nangyari?"- tanong ni prinsipe harvey sa lalakeng malapit lang sa amin.

"Mahal na prinsipe, prinsesa."- aligaga siyang napayuko habang nanginginig ang mga kamay.

"Hindi ho ako sigurado ngunit ayon sa aking narinig may nagsimula ng sunog sa naunang tahanan."

Linibot ko ang paningin sa buong lugar. Halos magkakatabi lang ang mga bahay kaya nadamay na ang mga ito sa sunog. Ang itim na usok ay halos nasa buong paligid na.

A Journey To VillaValencio (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon