| 15 |
•~•
Hill's POV
"Anong nangyayari dito?!"- umalingawngaw sa buong lugar ang sigaw ni maestro julian.
Sakto naman ang pagtalon ng lalake sa bintanang nakabukas habang bitbit nito ang mga salaping nakuha niya.
Samantala lahat kami ay namimilipit na sa sakit habang hawak-hawak ang mga tama. Lahat kami ay nakahandusay sa sahig.
Narinig ko ang malalakas na yabag ng maestro at lahat kami ay linampasan lamang niya. Dali-dali siyang nagtungo sa pintuang nakabukas at halos malaglag ang panga niya ng makitang nakabukas ang kaniyang baul.
"Ang aking mga salapi!"- halos mamutla ang kaniyang mukha.
Napapikit na lamang ako ng mariin atsaka napahinga ng malalim. Wala talaga kaming panama sa bampirang yun. Ang lakas niya. Hindi pa nga kami nakakadepensa ay tinulak na niya kami ng walang kahirap-hirap.
"A-aray."- narinig kong daing ni gabby malapit lamang sa upuan. Ito'y nakatihaya habang nakatingala sa kisame.
"Curse that fvker."- malutong na napamura si cliff na nakaupo at lupaypay na nakasandal sa pader.
Huminga muli ako ng malalim at marahang naupo sa sahig kahit na nananakit ang tiyan at tuhod ko.
"Muntik na akong kunin ni lord."- naiiyak namang komento ni kiro habang pilit na umaahon sa pagkakadapa.
"Si heis?"- tanong ni aki ng makatayo siya sa pagkakasubsob.
Gulat kaming nagkatinginan lahat bago lumingon sa maestrong halos maglupasay na dahil halos makuha lahat ang kaniyang mga pera.
Bakit kase wala man lang siyang ideya na may nakapasok? Mabuti at napansin namin agad. Baka kami pa sisihin kapag nalaman niyang nawala ang pera niya at kami lang ang nandito.
"Baka nasa taas pa—"- naputol ang sasabihin ko ng makarinig kami ng ingay sa itaas.
Napatingin kaming lahat sa kisame at nakitang may pabilog na lagusan na unti-unting lumalaki.
Hindi na kami nagtaka pa kung sino ang gumagawa nun pero nakakagulat pa din na makita muli ang kapangyarihang taglay niya.
Nang makagawa ito ng sapat na bilog ay biglang may nahulog na lalake dahilan kung bakit lumikha yun ng malakas na ingay.
Ganun na lamang ang panlalaki ng mata namin ng makita ang lalakeng magnanakaw!
Nabitawan nito ang hawak na sako kaya nagsilabasan ang ilang salapi na nasa loob nun.
Natigil sa pagsisigaw si maestro julian at napatingin sa gawi namin. Ganun na lamang ang gulat niya ng makita ang mga salapi niyang kumikinang pa.
Wala pang isang segundo ay nakatayo na siya malapit sa kaniyang salapi.
"Ikaw!"- nanggagalaiti niyang dinuro ang lalakeng nakaupo pa din habang ang mga kamay ay nakatali na.
Kung paano nangyari yun sa loob ng ilang minuto lamang ay hindi ko na alam pa. Hindi ko man lang naisip na nagawang habulin ni heis ang magnanakaw na ito.
Akmang susugudin ni maestro julian ang magnanakaw ng magsalita si heis mula sa hagdanan. Napalingon kaming lahat duon habang hindi pa din makapaniwala sa nangyayari.
"Huwag mo siyang saktan maestro."- kalmado niyang tutol.
Nakasuot na siya ng kulay puting longsleeve at pants na kagaya ng maestro. Ganiyan ang mga suot ng mga nagfe-fencing kung hindi ako nagkakamali.
BINABASA MO ANG
A Journey To VillaValencio (Complete)
Historical FictionWhat happens when a group of friends suddenly disappears in a mysterious town? Meet hill, gabby, cliff, kiro and aki. A highschool student who went to VillaValencio for their history project. As they went there, something unexpected happened to them...