Kabanata 43

43 1 0
                                    

| 43 |


•~•


Gabby's POV

Natigilan kami sa paglangoy este sa pagkaladkad ng sirena sa amin sa isang isla.

Oo sa isla. Sa layo ng linangoy namin, himala at buhay pa kami.

Nauubong napahiga kami ni kiro sa buhangin habang hinahabol ang paghinga namin.

"I thought I'm going to die."- paos ang boses na komento niya.

"Where are we anyway?"- nangunot ang nuo ko at marahang naupo.

Patuloy pa din sa pag agos ang tubig dagat kaya ramdam ko ang pag hampas nito saking paa.

Maliit lamang ang isla at iilan lamang ang punong nakatayo. Karamihan dito ay bato at mga seashells.

Nanatili ang sirena sa dagat. Tila may tinatawag siya dahil nagsimula siyang kumanta nang malamyos at mabagal na musika.

Wala pang isang minuto ay natanaw ko ang isang sirenang lumalangoy hindi kalayuan.

Napansin ko agad ang kulay berde nitong buntot habang patuloy sa paghampas ng buntot nito sa tubig.

"Hilda?"- nagtataka kong tanong ng umangat siya at tumigil sa harapan ng sirena.

Meron siyang berdeng buhok, freckles sa mukha at matulis na tenga.

Siya nga! That's Sarah's friend!

Nag usap sila saglit bago napatingin samin. Nakita ko ang kaniyang pagngiti bago siya tumango sa kasama.

Matapos ang isang minuto ay bumalik na sa ilalim ng dagat ang sirenang tumulong samin samantala lumapit naman samin si hilda.

"Kayo'y ayos lang ba binibini, ginoo?"- tanong niya ng matigil siya saming harapan.

Nakaupo siya sa tubig at kitang-kita ko ang kumikinang niyang buntot.

She's so pretty!

"H-humihinga pa naman."- thumbs up naman ni kiro at binuhat ang sariling maupo.

Marahang natawa si hilda at tumango.

"Ako daw ay gusto niyong kausapin?"- kapagkuwa'y tanong niya.

"Ah oo nga pala."- bulong ko ng maalala ang pakay namin.

"Nandito kami upang tanungin sana si sarah?"- panimula ni kiro.

Natigilan si hilda sa narinig. Kitang-kita ko sa kaniyang mata ang kalungkutan duon.

"Iyo bang tinutukoy si Sarriana?"- maalumanay niyang tanong.

"Sarriana ba ang tunay niyang pangalan?"- nagtataka kong tanong.

Tumango naman siya at marahang ngumiti.

"Mahaba-haba ang ating pag uusapan. Maari bang duon tayo magkwentuhan?"- turo niya sa mga batong nasa dagat.

Nagkatinginan kami ni kiro at sabay na tumango.

A Journey To VillaValencio (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon