Kabanata 23

59 3 0
                                    

| 23 |






•~•

Hill's POV


"Maayos na ang kalagayan ng mahal na prinsesa. Kailangan niya lamang magpahinga ng ilang araw upang manumbalik muli ang kaniyang lakas."- pagtatapos ng manggagamot sa kaniyang mga paliwanag.

Sabay-sabay namang nakahinga ng maluwag ang tatlong magkakapatid habang kaharap ang manggagamot.

"Maraming salamat."- seryosong sambit ni prinsipe marcelo sa lalakeng manggagamot.

Marahan naman siyang yumuko bilang paggalang bago magpaalam na aalis na.

Kasalukuyan kaming nasa silid ngayon ni heis. Magkakatabing nakatayo ang tatlong magkakapatid sa paanan ng kama ni heis samantala nakaupo naman kaming lima sa gilid habang nakayuko.

I was really guilty since yesterday. Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari kay heis. Dapat pala hindi na namin siya hinayaang sumama sa kapareha niya. Mabuti na lamang at agad kaming nakatawag ng tulong kaya mabilis nilang nasundo ang manggagamot.

Todo naman ang pag alala ng mga kapatid niya lalo na si prinsesa magdalene. Pinagalitan nga niya kami kahapon dahil hinayaan namin siya at hindi pinaalam agad sa kanila. I think deserve naman namin yun dahil naging pabaya kami.

I just don't understand what happened. Bakit namumutla na siya ng bumalik?

"Nakakairita ang magkahalo niyong amoy Heistia Orile Villavalencio."- masungit na komento ni prinsesa magdalene sa kapatid na kasalukuyang nakahiga sa kama at nagpapahinga.

Actually, kanina pa siya gising. Kaya muling pinatawag ngayon ang manggagamot dahil kagigising niya lang kaninang umaga.

Napanguso si heis atsaka nag iwas ng tingin. Hindi nakatakas saking paningin ang pamumula ng pisngi niya.

Mabuti naman at bumabalik na din ang dati niyang kulay. Hindi na siya namumutla pero nanghihina pa din siya dahil sa dami ng dugong nawala sa kaniya.

Napahalukipkip naman ang dalawang prinsipe habang matalim na nakatitig sa bunsong kapatid.

"Bakit sumama ka agad sa iyong kapareha? Ikaw ba'y ganun na lamang kasabik upang ipagpaliban ang pagpapaalam sa amin?"- taas kilay na bwelta ni prinsipe harvey.

"K-kuya naman..."- nahihiyang suway ni heis dito.

Umirap lang naman ang prinsipe atsaka malalim na bumuntong hininga.

"Batid mo naman na siguro ang mangyayari kapag ika'y tuluyang mawalan ng dugo hindi ba? Paano kung hindi mo napigilan ang iyong kapareha? Muntikan ka ng mamatay!"- sita pa niya sa seryosong boses.

"N-ngunit hindi naman iyon nangyari."- dahilan ng munting prinsesa.

"Kahit na! May marka na kayo sa isa't-isa at mas lalo pa kayong magiging mapusok kapag muli kayong magkita. Paano kung tuluyan na niyang maubos lahat ng iyong dugo sa susunod niyong pagkikita?"- sermon naman ng prinsesa.

Nanatili namang tahimik ang panganay na prinsipe at piniling huwag ng dagdagan ang panenermon sa kapatid.

"Taga saan ba iyon? Ano ang kaniyang ngalan? Siya ba'y kabilang sa mataas na estado? Kilala ba natin ang kaniyang pamilya?"- sunod-sunod pa nilang usisa.

Samantala mas lalong humahaba lang ang nguso ni heis sa mga tanong ng kaniyang ate.

"Heis ano? Sagutin mo ako."- madiing utos niya.

A Journey To VillaValencio (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon