Prologo

323 8 1
                                    


| 00 |



•~•

| TAONG 1795 |




"MAHAL NA HARI, ako daw ay iyong pinapatawag?"- nakayukong salaysay ng kanang kamay ng hari.

Nanatiling nakatatutok ang paningin ng hari sa labas ng malaking bintana kung saan nagsisimula ng lukubin ng dilim ang buong paligid.

Ito'y prenteng nakaupo sa kaniyang trono habang nasa kanang kamay niya ang gintong kopita na naglalaman ng kulay pulang likido.

Napapalibutan ang bulwagan ng mga ginto at iba't-ibang kulay ng dyamante na nakadikit sa bawat naglalakihang pader. Sa bawat sulok ng silid naman ay may malalaking gasera na nakasabit kung kaya't kitang-kita sa buong paligid kung gaano karangya at kayaman ang nakatira dito sa palasyo. Sa kisame ng bulwagan ay may nakasabit na naglalakihang aranyas (chandelier) na may mga kandilang nakatirik.

"Magsisimula na ang matagal kong kinababahala, bernardo."- seryosong panimula ng hari.

Bagamat ito'y kalmado sa paningin ng kaniyang kanang kamay at mga kawal na nakatayo lamang sa magkabilang panig ng bulwagan ay ramdam ng hari ang pangamba sa kaniyang puso.

Napaangat ng tingin si bernardo dahil sa gulat. Ang mga kamay nito ay nasa kaniyang likuran habang maayos na nakatindig sa harapan ng kamahalan.

Hindi lamang siya ang kanang kamay ng hari dahil siya din ang heneral ng hukbo ng palasyo. Layunin niyang bigyan ng kapayapaan ang buong bayan na sakop ng palasyo.

Namayani ang katahimikan sa paligid ngunit sa loob-loob ni bernardo ay sari-saring tanong ang nasa kaniyang isipan. Nababahala rin ito dahil magsisimula na ang matagal nilang pinaka kinatatakutang digmaan.

Sigurado siya na madami ang madadamay lalo na ang mga inosenteng mamamayan na walang kaalam-alam sa pagdating ng mga kalaban.

"Aking nahihinuha na ikaw ay may katanungan?"-puna ng hari na ngayon ay nakatingin na sa kaniya.

Yumuko muli ang lalake bilang paggalang sa nakakataas.

"Paumanhin mahal na hari ngunit, papaano niyo po nalaman na magsisimula na ang pinakahihintay nating digmaan?"- nagtatakang tanong ni bernardo habang nanatiling nakayuko at nakatitig sa sahig.

Napangiti ang mahal na hari at saglit na sumimsim sa kaniyang kopita. Maayos itong nakaupo sa kaniyang trono habang suot ang kaniyang korona bilang patunay na siya ang pinuno.

"Kahit matagal na ang bantang ito ay alam ko kung kailan magsisimula ang digmaan, bernardo. Ako ang hari at responsibilidad kong alamin ang lahat ng unos na dadating sa ating bayan."- seryoso nitong tugon pagkatapos ay bumuntong hininga.

"Paumanhin sa aking inasal, mahal na hari."- mabilis na yumuko ulit ang heneral dahil ngayon lang niya napagtanto na maling tanungin ang hari.

Isa itong kapangahasan at maaari siyang mahatulan ng kamatayan.

Tanging tango lamang ang tinugon ng hari kapagkuwa'y muling nagsalita.

A Journey To VillaValencio (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon