| 44 |
•~•
3rd Person's POV
"May nahanap na ba kayong impormasyon tungkol sa kanila?"- walang emosyon na tanong ni prinsipe marcelo kay bernardo.
Nabibigong napayuko si bernardo. Hindi man niya ito sabihin ay batid na ng prinsipe ang magiging sagot nito base sa kaniyang ekspresyon.
Mabigat na napabuntong hininga si marcelo at muling humarap sa salamin ng kaniyang silid.
Kasalukuyan itong nag-aayos dahil may okasyong magaganap ngayong araw.
Dahil kaarawan ng dating hari na si Arthemus Leonus VillaValencio ay nabigyan ng pagkakataon ang bayan nilang magdiwang sa okasyong ito.
"Hanapin sila kahit anong mangyari. Kailangan natin ng impormasyon tungkol sa kalaban."- seryosong utos niya at sa isang senyas ay umalis na si bernardo.
Nakasuot ng puting longsleeve button down ang prinsipe, itim na vest, puting coat, itim na pantalon at bota. Maayos ding nasuklay ang buhok niya ng patalikod habang merong natirang hibla sa kaniyang nuo.
Matapos niyang ayusin ang suot ay hindi na siya nag aksaya ng oras. Lumabas na siya sa kaniyang silid at nagtungo sa bulwagan.
Duon ay hinihintay na siya ng kaniyang mga kapatid.
Si prinsesa magdalene ay masungit na pinagmamasdan ang kaniyang kuko na kulay pula. Nakasuot siya ng magarbong biyoletang bestida at nakatali ang kaniyang buhok ng bun.
Si heis naman ay nakatirintas ang mahabang buhok at nakasuot ng dilaw na bestida. Kausap nito si prinsipe harvey na nakasuot ng itim na longsleeve button down, puting vest, asul na coat at pantalon at itim na bota. Ang buhok nito'y nanatiling nakalugay sa maayos na paraan.
"Nasan si amang hari at reyna?"- ma awtoridad niyang tanong ng mapansin siya ng mga kapatid.
"Sabi nila'y tayo na lamang ang bubungad sa mga mamamayan sa sentral. Sila'y dederetso na lamang sa sementeryo."- taas kilay na imporma ni prinsesa magdalene at nagpamewang.
Kada kaarawan ng dating hari ay palaging bumibisita ang pamilya VillaValencio sa labi ni Arthemus kung kaya't hindi na bago sa kanila ang ganitong gawain lalong-lalo na kay marcelo.
"Kung ganun, tayo'y lumisan na."- utos nito at naunang lumabas ng palasyo.
Bumungad sa kanila ang mga nakalinyang kawal sa labas na nakayuko.
Binati nila ang magkakapatid na mabilis tinugon ni heis at harvey.
Mabilis ang mga kawal dahil nakahanda na ang kanilang sinasakyan kanina pa.
Umangkas si harvey at marcelo sa kanilang sariling kabayo samantala sa kalesa naman sumakay ang dalawang prinsesa.
Wala pang ilang minuto ay lumabas na sila kasama ang mga kawal na nasa likuran at nagsilbing tagabantay nila.
Masamang napalingon si marcelo kay harvey ng tumabi ito sa kaniya habang patuloy sa paglalakad ang kanilang kabayo.
Nanatili ang ngiti sa labi ni prinsipe harvey na para bang maganda ang bumungad sa araw niya samantala ang panganay naman ay mukhang pagod na dahil sa dami ng kaniyang ginawa sa nagdaang araw.
BINABASA MO ANG
A Journey To VillaValencio (Complete)
Historical FictionWhat happens when a group of friends suddenly disappears in a mysterious town? Meet hill, gabby, cliff, kiro and aki. A highschool student who went to VillaValencio for their history project. As they went there, something unexpected happened to them...