Kabanata 40

47 1 0
                                    

| 40 |

•~•



Gabby's POV


"Pasensya na't wala kang basehan sa babaeng tinutukoy ko."- nahihiya kong sabi ng magsimula siyang mag drawing.

Nanatili kaming tatlo kasama si andres sa harap ng pintuan ng bahay ni carlos. Nakaupo kami sa parihabang upuan habang kaharap namin ni kiro si andres at carlos.

Tinta ang ginamit ni carlos sa pag sketch ng babaeng inilalarawan ko na sa panaginip ko lang nakita.

"Ang mahalaga ay nakilala mo ang hitsura ng babaeng iyong tinutukoy binibini. Sapat na sa akin ang impormasyong iyong dala."- ngiti niya.

Sa ilang oras naming pananatili dito ay narealize kong napakabait pala ni carlos at andres.

Ang ama nilang dalawa ay magsasaka habang ang ina ni andres ay nagta-trabaho bilang kasambahay sa isang mayamang pamilya dito.

Ang ina naman ni carlos ay may malubhang sakit. Hindi ito makagalaw dahilan kung bakit nanatili itong nakahiga sa kama. Nag iisang anak lamang si carlos samantala may dalawang nakakatandang kapatid na babae si andres.

"Sa katunayan niyan ay hindi magkapareha ang aking ina at ama."- kwento ni carlos habang tinatapos ang ginagawa.

"Kung ganon, nasan ang kanilang mga kapareha?"- curious kong tanong.

Tipid siyang ngumiti habang nanatili ang atensyon niya sa ginagawa.

"Ipinanganak na walang kapareha si ina. Samantala ang kapareha naman ni ama ay isang bampira na namulat sa gawain ng mga mangkukulam. Ayaw ni ama sa kaniya dahil mahal na mahal niya si ina kung kaya't pinutol niya ang ugnayan nilang dalawa ngunit nagalit ang kapareha ni ama at sinumpa si ina."- nababalisang kwento niya.

"Kaya ba hindi kayo makahanap ng lunas sa sakit ng iyong ina?"- tanong ko habang nakatitig dito.

Tumango siya sa akin ng sumulyap ito saglit.

"Pero pwede ba talagang mahalin ang hindi mo kapareha?"- nagtataka kong tanong.

"Maaari binibini."- sagot ni andres kaya napunta sa kaniya ang paningin ko.

Nanatiling nakikinig lang naman si kiro habang bored na nakasandal sa kinauupuan.

"Hindi naman yun pinagbabawal sa atin kung kaya't ayos lang na ang iba ay magmahal ng hindi nila kapareha. Ngayong panahon natin ay hindi na din tinitignan yun binibini dahil ang mga mayayamang pamilya ay nakikipagkasundo ng kasal sa ibang pamilya para sa kanilang mga anak."- paliwanag ni andres na kinagulat ko.

Hindi ko alam na ganun pala ang nangyayari sa pagitan ng magkakapareha.

Wala akong alam na pwede pa lang mahalin ang hindi mo kapareha. Pero pano na lang ang mga naiwan? Tulad na lang ng kapareha ng tatay ni carlos?

Anong mararamdaman niya kapag nalamang ang lalakeng nakatakda sa kaniya ay may mahal pa lang iba? And worst may pamilya na.

That would hurt so much. Gustuhin ko mang husgahan ang babaeng yun dahil sa sumpang ginawa niya sa mahal ng tatay ni carlos, hindi ko magawa.

I would be mean if I say bagay lang yun sa kaniya dahil nasaktan ang babaeng kapareha niya.

Hindi lang talaga ako makapaniwala na may ganun palang mga bampira. Well, love can really change someone's belief in life.

The one whose in pain and been left are the one who can do bad things that they can never imagine. That's how love can change everyone. It can be good and bad at the same time.

A Journey To VillaValencio (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon