Kabanata 55

43 1 0
                                    

| 55 |



•~•


3rd Person's POV

"Mahal na hari! Nakapasok ang mga kawal ng VillaValencio!"- sigaw ng isang bampira sa bulwagan na kinaroroonan ni sathannius.

Hindi na nagulat ang hari sa balita dahil batid na niyang pupunta at pupunta si albert sa kaniya. Matagal na niyang hinihintay ang pagkikita nila ni albert kung kaya't hindi niya napigilang mapangisi sa narinig.

"Paslangin lahat ng kalaban."- tanging utos lamang niya at sa isang senyas ay muling lumabas ang bampira.

Nanatili si sathannius sa kaniyang trono habang pinapakinggan ang mga kalansing ng espada, hinagpis at sigawan ng mga nilalang sa labas ng kaniyang palasyo.

Dinantay niya ang pisngi sa palad habang ang hintuturo ay tinatago ang labi niyang lumalawak ang ngiti.

Sisiguraduhin niyang dito magtatapos ang laban nilang dalawa ni albert at siya ang magtatagumpay sa digmaang ito.

Muling bumukas ang pintuan ng bulwagan. Sa pagkakataong yun ay marahas at malakas dahilan para maglikha ng ingay.

Ang apoy sa magkabilang gilid ng haring sathannius ay napatay dahil sa hanging pumapasok. Bagama't umaga pa lamang ay makulimlim na sa labas dahil sa nagbabadyang ulan.

Dahilan para mas dumilim ang bulwagang kinaroroonan niya. Halos hindi na makita si sathannius dahil sa pwesto niya ngunit ang mata niyang namumula sa galit ang nangingibabaw.

"Ngayon ka lang nagpakita."- komento ni sathannius kay haring albert na pumasok sa silid.

Si haring albert ay seryoso habang magkasalubong ang kilay na tila kanina pa nagtitimpi.

Sa katunayan ay matagal na niyang gustong makaharap ang hari ng kalaban. Gusto na niyang tapusin ang maling pamamalakad nito at parusahan sa lahat ng masasamang ginawa niya sa kaniyang bayan. At higit sa lahat pagbayaran ang ginawa niya sa kaniyang asawa na si reyna veronica.

Nakasuot si albert ng simpleng armor habang may espadang nakakabit sa kaniyang bewang. Umabot hanggang sahig ang kapa niya at ang mahaba niyang buhok ay nakapusod.

"Pagbabayaran mo lahat ng ginawa mo sa bayang ito, sathannius."- matigas na babala ni haring albert at tumigil sa gitna ng pasilyo.

Hindi napigilang humalakhak sa tuwa si sathannius dahil sa narinig. Dinantay niya ang dalawang palad sa sandalan ng upuan at yumukod upang mapagmasdan nang malapitan si albert.

"Wala akong ginawa albert. Dahil may karapatan din akong pamunuan ang bayang inaangkin mo."- ngisi niya habang nakatagilid ang ulo.

"Hindi ka kailanman karapat-dapat mamuno."- matigas na giit niya at linabas ang espada na nasa kaniyang gilid.

"Parehas lang kayo ng ama natin."- nawala ang ngisi sa labi ni sathannius ng banggitin niya si haring arthemus.

"Makasarili kayong dalawa."- walang emosyon niyang insulto at muling sumandal sa kaniyang trono.

Humigpit ang kapit ni albert sa kaniyang espada at mas lalong nakaramdam ng galit sa narinig.

"Hindi naging makasarili si ama—"- naputol ang kaniyang pahayag ng sumigaw si sathannius bagay na kinagulat ni albert.

"MAS PINILI NIYA ANG IYONG MANG AAGAW NA INA!"- dumagundong ang boses niyang puno ng galit.

"Hindi inagaw ng aking ina si ama."- umigting ang bagang ni albert at muling nagpatuloy sa paglalakad.

A Journey To VillaValencio (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon