| 51 |
•~•
Hill's POV
Dali-dali akong tumakbo pabalik ng bahay kubong tinitirahan namin. Ni hindi pa nga namin naaayos ang sinirang pintuan ni lucian dahil sa mga sumunod na nangyari tapos ngayon meron na namang dumagdag.
I feel so stress. Sa tingin ko'y nauubos na ang pasensyang binigay sakin ni lord. Konting-konti na lang talaga, mamamatay na ako ng dahil sa kanila.
Hinihingal kong hinanap ang bag ko sa silid at dinampot ang stun pen ko. Hindi na ako nag aksaya ng oras dahil muli akong lumabas at patakbong nagtungo sa ilog.
Una kong pinuntahan ay sina gabby at magdalene na nasa lupa.
Parehas na gulong-gulo ang buhok nila. Maraming kalmot sa mukha at kamay. May pasa din sa pisngi si gabby samantala dumudugo ang ilong ni magdalene.
"I hate bitches like you!"- umuusok ang ilong na laban ni gabby.
"Wala kang karapatang saktan ang isang prinsesang tulad ko!"- bulyaw naman ni magdalene at malakas na tinulak si gabby.
Nag slide si gabby sa lupa dahilan para tangayin ng hangin ang mga dahon sa lupa.
"Fvk you!"- pinakita pa niya ang middle finger habang napapalayo sa amin.
"I'm sorry."- bulong ko at napapikit ng idikit ko sa likod niya ang stun pen at kinuryente siya.
"Anong—"- naputol ang reklamo niya ng manginig siya at bumagsak muli sa lupa.
Nakahinga ako ng naluwag ng makita pa din siyang humihinga. Hindi na ako nag aksaya ng oras dahil agad akong lumusong sa ilog at tinulungan si heis na kanina pa sumisigaw at pinipigilan si harvey.
Panay ang suntok niya kay lucian na nakahiga na sa tubig at sinasalag ang mga kamao ng prinsipe.
"Kuya! Tama na! Walang kasalanan si lucian!"- umiiyak na pagmamakaawa ni heis habang nakayakap sa likuran nito at sinusubukan siyang hilain.
"Heis!"- tawag ko sa kaniya ng muli siyang itulak ng kapatid kaya naman tumilapon siya sa ilog.
"Shit. This stupid current."- iritado akong napasinghal ng bumagal ang paglalakad ko dahil sa lakas ng agos ng tubig.
Nahihirapan akong makalapit sa kanila dahil konting-konti na lang ay tatangayin na ako ng tubig.
"Heis! Kailangan ko ng tulong mo!"- sigaw ko ng tangayin siya ng ilog papalapit sa direksyon ko.
Agad siya tumayo at tumalon-talon na para bang may pumasok na tubig sa kaniyang tenga.
"Maaari mo ba akong ibato sa kinaroroonan ni prinsipe harvey?"- tanong ko na kinagulat niya.
"S-sigurado ka ba ate? Mukhang hindi nakikinig si kuya kahit anong gawin ko."- nag-aalala niyang puna.
"Huwag kang mag-alala."- tumango ako sa kaniya para kahit papano mawala ang kaba niya.
Huminga siya ng malalim at binuhat ako. Nanlaki ang mata ko dahil wala man lang kahirap-hirap niya akong binuhat!
Napasigaw ako ng ibato niya ako nang malakas kaya pakiramdam ko'y lumilipad ako sa ere.
BINABASA MO ANG
A Journey To VillaValencio (Complete)
Historical FictionWhat happens when a group of friends suddenly disappears in a mysterious town? Meet hill, gabby, cliff, kiro and aki. A highschool student who went to VillaValencio for their history project. As they went there, something unexpected happened to them...