| 32 |
•~•
Gabby's POV
Lahat kaming tatlo ay nakagapos ang mga kamay at hila-hila kami ng mga kawal.
Habang naglalakad sa pasilyo ay hindi ko mapigilang sumigaw sa inis. Nagpumiglas ako ng paulit-ulit pero hindi ako binitawan ng kawal kahit anong mangyari.
"Ate? Anong nangyayari?"- natigilan kami sa paglalakad ng makasalubong namin si heis.
Sa pagkaka alam ko ay nahuli silang makauwi galing sa bayan. Kakauwi lang niya at paakyat na sa kaniyang kwarto ng makasalubong niya kami dito sa pasilyo.
"Heis tulungan mo kami."- pakiusap ko.
Nagtatakang tinignan kami ni heis atsaka seryosong linipat ang tingin sa dalawang kawal.
"Saan niyo sila dadalhin? Ano ang kaguluhang ito? Sino ang nag utos na dakpin niyo ang mga tagabantay ko?"- walang emosyon niyang tanong.
Napayuko ang dalawang kawal at walang nagawa kundi ang bitawan kami.
"Anong kasalanan nila upang dakpin niyo ang aking mga tagabantay? Hindi ba't sa akin muna niyo ipaalam ang bagay na ito?"
Hindi ko mapigilang mamangha at magulat at the same time sa uri ng pakikipag-usap ni heis sa kanila.
Prinsesang prinsesa siya sa naging turan niya ngayon lang. Hindi ko pa kailanman nakita ang side niyang ganito. Sinuman ay matatakot sa aura niya ngayon.
"Paumanhin mahal na prinsesa. Ngunit utos ng panganay na prinsipe na dalhin sila sa bilangguan."- wika ng kawal.
Natigilan saglit si heis at hindi nakapagsalita. Parang may naalala siya dahil sa naging reaksyon niya.
"Heis, ano sa tingin mo ang iyong ginagawa?"
Napalingon kaming lahat kay prinsesa magdalene mula sa likuran ni heis. Nakataas ang kilay niya kaming tinignan isa-isa bago binuhat ang kaniyang saya at naglakad papalapit sa tabi ng kapatid.
"Ate, ikaw ba'y may alam tungkol dito?"- tanong ni heis.
"Ako'y sumasang-ayon sa naging desisyon ni marcelo."- seryosong giit ni magdalene habang masamang nakatitig sa amin.
"Sila'y may kasalanan kung kaya't dapat lang na pagbayaran nila ang kanilang ginawang pang tra-traydor."
BINABASA MO ANG
A Journey To VillaValencio (Complete)
HistoryczneWhat happens when a group of friends suddenly disappears in a mysterious town? Meet hill, gabby, cliff, kiro and aki. A highschool student who went to VillaValencio for their history project. As they went there, something unexpected happened to them...